Chapter 42.a -- Born of the Kyung twins and the END of FM book 1. ^^

4.9K 91 28
                                    

"Bumalik na ulet si Kathy..."

"(cough) A-ano? Sinong Kathy? Si Kathy Amorsolo?" tanong ni Matt.

O_O

Sana nagloloko lang talaga si Jacob! Ilang buwan narin na hindi ko siya nababalitaan kasi hindi na siya tumatawag sakin kasi nga nagpalit na ako ng number ko. Ano na naman kaya to? Bakit kasi nagbalik pa siya?

"Uy Zy, ano nang gagawin mo? Pano kapag ginulo ka ulit niya? Pano na si Pres? Mukhang hindi magtatagal at malalaman din niya ang tungkol sa pag aasawa mo. Wala naman atang hindi nalalaman tungkol sayo yung babaeng yun eh. Lahat ng pinakatatago mo nalalaman niya kahit wala ka namang pinagsasabihan."

"Teka lang... Sino sa inyo ang nagbigay ng number ko sa kanya ha? Tinawagan kaya ako nun dati. Ano ha? Walang aamin?"

Biglang nagtaas ng kamay si Xander tas pumikit. Alam niya kasing magagalit ako at pagtataasan ko siya ng boses dahil sa ginawa niya.

"Ikaw? ALam mo ba kung anong magiging resulta ng ginawa kung hindi ko naagapan ng maaga? Baka ngayon wala na sakin si Babe! Bakit mo ba kasi binigay? Tsaka bakit sinabi mo sa kanya ang pangalan ni Babe?"

"Eh kasi naman! Tinatakot niya ako. Ang dami niyang alam na pwedeng maging kahinaan ko kaya sinabi ko sa kanya pero, ipapangako ko sayo na hindi na mauulet! Kahit ano pa yan na maging panakot niya sakin, magiging matatag ako at hindi padadaig sa kanya. SOrry, pre."

"Oh, sige, apology accepted pero please lang kung gagawin niya ulet sayo yun tsaka kung gagawin man niya yung ginawa niya kay Xander sa inyong dalawa, please don't spill it out. Kasi relationship naming mag asawa yung nakataya once na malaman niya lahat lahat tungkol samin at ayokong mangyari dun sa point na mahihirapan siya at pipiliin na iwanan ako dahil sa kagagawan ng babaeng yun."

"Oo, sge. We will help you. Tsaka nag iisa lang siya tas tayo, apat tayo! Hindi natin kailangang matakot sa isa!" sabi ni Matt.

~tut-tut~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Forcedly" MarriedWhere stories live. Discover now