Chapter 16.a -- LOVEBITE♥

4.9K 55 4
                                    

 Christine's Pov

Bigla nalang bumagsak si Zyren pagkababa niya.

"Zyren! Anong nangyari sayo?!" sigaw ko.

Nataranta ako tas tumawag na ako ng doktor. But then pagkabalik ko nasa sahig pa rin siya; hindi pa siya binubuhat papunta sa kwarto niya kasi hindi siya kaya mag-isa ni Manang kaya nagtulungan kami.

Grabe. Sobrang bigat naman nitong taong to. Nung ihihiga ko na siya sa kama niya, hinila niya ako kaya pati tuloy ako napahiga. Tas niyakap niya ako pero pinilit kong makawala pero hindi ko kaya kasi ang lakas niya.

Nang dumating si Manang, tsaka lang ako nakaalis.

"Ah... Manang patulong naman dito oh."

Nakaalis na ako then dumating na si Doktor.

Natapos na siyang tignan so lumapit kami ni Manang sa kanya.

"Dok, ano po bang nangyari sa kanya?" tanong ko.

"Nag-collapse at may lagnat siya."

"Collapse? Eh bakit naman ho?"

"Siguro dahil hindi na siya kumakain ng tama tsaka sobrang stress na siguro siya. Eto, painumin mo sa kanya yan. Makakatulong yan kahit papaano. Tsaka kailangan niyo siyang pakainin nang tama at mahabang pahinga. Sige alis na ako."

"Sige po Dok, hatid ko na kayo." sabi ni Manang.

"Sige po, maraming salamat po." sabi ko.

Hay nako, Zyren. Ano bang problema mo? Bat ka nagkakaganyan? Hindi ka na kumakain ng tama.

Binantayan ko siya hanggang sa makatulog ako, pagkagising ko tinignan ko muna kung bumaba na ung lagnat niya. Hindi pa rin parang medyo tumaas pa nga eh. Ay, nakalimutan ko pala siyang painumin ng gamot na ibinigay ni Dok, gigsingin ko muna siya.

Hindi ko muna siya aawayin kasi ayokong mang-away ng mahina. At alam kong hinang-hina siya ngayon dahil ang putla na ng kulay niya. Kawawang bata...

"Forcedly" MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon