Chapter 15.b -- blackmail

4.4K 52 0
                                    

 Zyren's Pov

Hay nako! BV na naman! Nakakainis!

Tas nakita ko pang sabay na pumasok ng classroom si Matt tsaka si Christine. Panong hindi ako mababadtrip?!

Ang sungit sungit sakin ni Christine. Bakit kaya? Talaga bang ayaw niya sakin? Kahit konting gusto man lang wala?

Mas nabadtrip pa ako nung nasa cafeteria kami, first tima lang namin makapunta dun kasi kaming apat ay may sarili namang cafeteria.

Pumunta ako dun para sa kanya tas susungitan niya lang ako?

Tinanong ko siya kung pwedeng makishare dun sa table nila pero sabi niya...

"Hindi pwede! Humanap nalang kayo ng ibang pwesto. Ang dami dami pa oh..." sabi niya agad-agad. Para ngang hindi na siya nag-isip eh. Pero nung si Matt naman ung nagtanong kung pwede siyang makishare...

"Christine, ako pwede?"

"Sure."

Sure? Bat pag kay Matt ang bait-bait niya? Gusto niya ba si Matt?

"Bakit siya pinayagan mo tapos ako hinde? Baka nakakalimutan mong BOYFRIEND mo ako." sabi ko talagang nilakasan ko pa dun sa part na BOYFRIEND para marinig ng mga tao sa cafeteria. Nagagalit na ako, hindi ko matanggap na ang bait-bait niya kay Matt tas sakin ang sungit-sungit niya.

"Oo. Tama ang narinig ninyong lahat. Girlfriend ko si Christine matagal na. Diba Babe?" tas nagtinginan nang masama sa kanya ung mga babae.

"Ahahaha... Anong boyfriend ba yang pinagsasasabi mo? Ikaw? Boyfriend ko? Ahaha. NO WAY." sabi niya. NO WAY? Eh asawa na nga kita diba? BV! X(

"ahaha. Si Zyren na nga ang boyfriend mo ayaw mo pa? Edi akin nalang siya..." sabi nung babae sa likod ko.

Sino ba un? Bigla-bigla nalang sumasali sa usapan ng may usapan.

Pagkatalikod ko, si Princess pala. Shet. Ano ba yan! Bakit siya?!

"Edi sayo na..." sabi niya tas kumain na ulit siya. Nadissapoint ako sa sinagot niya. Akala ko sasabihin niya na 'Hindi pwede! Akin lang siya!' or something like that pero 'Edi sayo na'? WTF?!

"Sumama ka nga sakin..." sabi ko tas hinila ko siya palabas ng cafeteria sa sobrang galit ko, hindi ko na alam ang ginagawa ko. Dinala ko siya sa lugar na walang tao.

"Ano ba Zyren?! Nasasaktan na ako! Aray!" sabi niya na medyo mangiyak-ngiyak na sa sobrang higpit ng hawak ko sa kamay niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi magalit. Nagagalit ako sa sarili ko at kay Matt dahil hindi man lang niya makuhang maging mabait sakin.

"Tumigil ka nga! Aaaahhhhh!" napasigaw siya nang malakas nung tinulak ko siya sa pader. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kaya ko lang naman siya dinala dito para paghiwalayin sila ni Matt.

"Ano ba ha?! Ano bang problema mo?! Nababaliw ka na ba?! Pano kung may makakita satin dito?! Tsaka bakit mo sinabing boyfriend kita ha?!" sabi nya habang tinutulak ako palayo sa kanya.

Hindi ako nagsasalita. Hindi rin ako makatingin sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Puro galit at pagkainis nalang ang nasa isip ko.

"Oh, bakit hindi ka makapagsalita jan? Tsaka bat hindi ka makatingin sakin?"

Hindi pa rin ako kumikibo. Ang tanga ko. Dinala ko siya rito tas wala man lang akong gagawin o sasabihin man lang?!

"Bahala ka jan. Aalis na ko." then umalis siya. GOD. Bakit hindi ko man lang siya pinigilan? Ano bang nangyayari sakin?

"Forcedly" MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon