Chapter 27.b -- Away

3.8K 42 2
                                    

 AAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!

TTTTTTHHHHUUUUUGGGGGG!!!!

Nagpagulong-gulong ako sa hagdanan dahil hindi ko nacontrol ung bilis ng takbo ko.

Heto ako ngayon bumagsak na, pero bat parang hindi masakit? Wala man lang akong maramdaman na sakit ng katawan?

Pagkadilat ko, nakapatong pala ako sa isang lalaking hindi ko kilala. Mukhang siya pa yung nasaktan, nako po!!!

Pagkakita ko sa kanya, bumangon ako agad tas tinulungan ko na rin siyang bumangon.

Nung nakatayo na siya, nakahawak siya sa ulo niya tas ung mukha nakakunot na parang nasaktan talaga siya. Pero bat parang kilala ko siya?

"Ahh... S-sorry ah? Pero maraming salamat na din kasi nasalo mo ako."

"Ano ka? Ikaw nga ‘tong bigla-bigla nalang babagsak hindi naman kita gusto saluhin eh kaya lang sa bilis ng pangyayari, ako ang nasaktan imbes na ikaw. Ang malas ko. Tsk." Pinagpagan niya yung uniform niya pero nakatalikod siya sa akin.

Huh? Parang kilala ko ‘tong ugaling to ah. Pinaharap ko siya sa akin, pero ayaw niya. Kaya ako nalang yung pumunta sa harap niya pero tumalikod siya ulit.

"Bakit ba ayaw mo magpakita sakin? Humarap ka nga."

"Ayoko nga. Alis na ako." Naglakad na siya paalis.

"Pero Waren!"

At yun, bigla siyang tumigil sa paglalakad.

"Forcedly" MarriedWhere stories live. Discover now