Chapter 3.b -- Hinatid ko siya kasama ng "Baby" ko

6.1K 83 3
                                    

 Zyren's POV

Hay nako. Nasan na kaya si Christine? Nakita ko yung bestfriend niya tsaka yung boyfriend nun na magkasamang paalis ng school. Edi kung magkasama silang dalawa, sinong kasama ni Christine? Naisip kong hanapin siya pero nagdalawang isip ako. Eh, bahala na. Hahanapin ko na siya.

Pumunta ako sa parking lot ng LCA para puntahan si baby at tinext ko sila Matt para samahan akong maghanap kay Christine.

To: Xander, Jacob, Matt

Yo, bro! Tara gala tayo! Meet me here with my baby.

Uy~ Nag-iisip sila kung bakit may tinatawag akong baby! Haha! Tao ba si baby? Bat baby tawag ko sa kanya? xD

Pagkarating nila, pinasakay ko na agad sila sa baby ko. Oh alam niyo na? Ang tawag ko kasi sa kotse ko, BABY. Haha. “Pare, san ba tayo pupunta?” tanong ni Jacob sakin.

“Oo nga. San ba?” tanong ni Matt.

“Bat kailangan pa naming sumama?” tanong ni Xander.

“Guys, pwede bang isa-isang tanong lang muna? Hahanapin natin si Christine. Nalaman ko kasing wala siyang kasama pauwi kaya ihahatid natin siya.” Sabi ko habang dinadrive si baby palabas ng parking lot.

“Hala ka. Seryoso na siya oh. Mahal mo pa siya no?” tanong ni Jacob. Hindi nalang ako nagsalita at nangiti nalang ako. May tamang panahon para sagutin yan pero hindi muna ngayon.

Hinanap-hanap namin si Christine sa bawat sulok ng school pero wala ni anino niya. Kaya sinubukan naming maghanap sa labas ng school at pagkalabas namin ng gate, nandun siya sa bus station! Nakaupo, naghihintay ng bus at mukhang inaantok. hahaha Ang cute talaga! Lapitan ko na kaya? Ay, wag muna. Maghintay muna tayo ng mga mangyayari.

--

“Ang tibay niya pare, almost 30 minutes na siyang naghihintay pero hindi pa rin siya naiinip.” Sabi ni Jacob. “Lapitan na kaya natin siya? Kawawa naman eh.” Sabi ni Matt. “Lapitan mo na kasi para makauwi na tayo. Sobrang naiinip na ako!” sabi ni Xander.

“Wait lang. Hintay pa tayo ng onti. Tyempuhan natin.” Sabi ko sa kanila.

After 1 hour, hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya. At finally, naisip ko na ding lapitan siya. “Lapitan na nga natin.” Sabi ko. “YOOOONNN! Naisipan niya rin!” sabi nilang tatlo. Mga loko-loko xD

Pumara ako sa harapan niya. Mukha na talaga siyang inaantok at pagod. Binaba ko yung bintana ko para makita niya ako pero parang galit na naman siya. Nakailang away pa kami bago ko siya napilit na sumakay sa baby ko at para pumayag siyang ihatid namin siya sa kanila.

Pagkasakay niya, napansin ko na napa-“Wow” ung bibig niya. Syempre! Sa ganda ba naman ng Baby ko walang hindi mapapaWOW sa kanya! Hah!

Nang nakarating na kami sa sinabi niyang lugar, gigisingin ko na siya dapat. “Tin, Gisi—“ Napatigil ako dahil na starstruck ako sa itsura niya habang natutulog. “Ang ganda niya talaga kahit nung dati pa.” O.O bigla ko nalang nasabi ng malakas yung nasa isip ko. Tinignan ko yung tatlo sa likod. Puro tulog na din xD

Nung tinignan ko ulit kung saan siya nakatira, “Grabe, dito siya nakatira?” sabi ko. Okay lang naman yung bahay nila eh. Mukhang may kaya naman ang financial status nila dahil sa itsura ng bahay nila. Napatingin ako ulit kay Christine.

Ang ganda niya. Mula mata hanggang sa malambot na labi niya! Hindi ko namalayan na nasa labi na pala niya ung daliri ko. Gusto ko siyang mahalikan ulit! Nakakaadik siya halikan! Hahalikan ko na siya dapat ulit nang mapansin kong nakatingin na sa amin si Matt. "Oy, oy, oy, pare, bawal yan. Foul yan." sabi niya.

Medyo nakakahalata na ako sa kanya ah. Mukhang siya pa ang magiging karibal ko. Pero wag naman sana.

“Hhhmmm…” sabi ni Christine na senyas na pagising na siya. Dumilat na ang kanyang mga mata at tumingin siya sa paligid. "Huh?! Nandito na tayo sa Hanvhille?! Bat di ninyo ako ginising?" tanong niya.

"Ang sarap kasi ng tulog mo baka makaistorbo pa kami. Ang cute mo matulog, alam mo ba ‘yon?" sabi ni Matt. Nako, nako, kati na ituu~

"Cute? Talaga? Haha! Salamat!" sabi niya habang tuwang-tuwa. -_-

“Baliw! Niloloko ka lang niyan no! Alam mo bang tumulo pa laway mo kanina habang natutulog ka? Kadiri!” sabi ko kahit hindi naman talaga totoo xD

Bigla siyang namula sabay talikod sa akin, “Ga-ganun ba? So-sorry naman diba? Bat ako lang ba ang naglalaway kapag natutulog? Lahat naman ganun ah! Ang sama mo talaga! Che! Bababa na nga ako! Salamat sa paghatid sakin dito!” binuksan na niya yung pintuan papalabas sa kotse.

"Wait lang!” hinila ko siya papasok ulit. “Hindi mo man lang ba kami papapasukin sa bahay ninyo? Pakainin mo naman kami pambawi sa gas na nagamit ng baby ko para makarating dito." Sabi ko. Wala eh. Haha xD

Tinignan niya ako nang masama, "Hindi pwede! Hindi ko naman bahay ‘to eh. Kila Mama at Papa ‘to. Dito ako dati nakatira pero ngayon mag-isa nalang ako sa Valenzuela.”

~message alarm~

From: 엄마 (Mama)

Anak, may mga kasama ka ba? Papasukin mo muna sila! Matagal na ka nang hindi nagpapapunta ng kaibigan mo dito eh diba? Pumasok ka na, isama mo sila ha?

O.O Hanubayan -____-“

---------------------------------------------------------------------------------------------

Ano na kayang mangyayari?

Ung sa picture si Matt siya.

Gwapo din siya no?

Thanks for reading!

"Forcedly" MarriedWhere stories live. Discover now