1

524 10 0
                                    

 The midnight happens before I go...


 Bago ko sana gawin itong kuwentong ito (I mean, that activity though. Heto dapat ang gagawin ko sa Filipino—I mean, na dapat isusulat ko sa Filipino, kaso may dialog, eh, salaysay lang ang kailangan, not this part. Pero hindi bale, nakagawa na rin ako, kaso hindi lang talaga ako nakapag-pasa dahil sa pag-absent ko), gusto ko lang po sabihin sa inyo na... Una sa lahat, ako po ay nagpapasalamat dahil nabasa niyo po ang aking kuwento. Alam ko na hindi ko 'to magagawa ng wala kayo, especially, sa classmate ko na naging inspirasyon ko gaya ng aking sinabi kanina na hindi ko pa rin totally mabanggit ang kaniyang pangalan dahil wala pa akong lakas ng loob na sabihin 'yun. So, wala na akong masasabi pa kundi, 'yun lang.

 Sa katunayan, Ito pa lang ang unang pangyayaring hindi ko talaga inaasahan, Siyempre, ang bagay na hindi ko makakalimutan, ang isang bagay na imposibleng mangyari, ang isang bagay na hindi mo maipapaliwanag sa iba bagama't ikaw lang ang nakakakita ng pangyayari bukod sa kanila, at siyempre, ang bagay na hindi kapaki-kapaniwala, na halos hindi mo maibigkas sa sarili mo na nag-iilusyon ka lang o hindi kaya, nawawala ka sa sarili besides, nagha-hallunication ka lang. Ako nga pala si Tatsuya Hatakeyama (達也畠山). I'm just sixteen and seems to be immatured, Faced like Japanese and hindi naman kagwapuhan with a hair cut of 2 by 2 (Iyon kasi ang required na proper hair cut, eh). Matangos ang aking ilong, beared with a little mustache at pinagpala naman sa kapal ng buhok sa aking kilay. Hindi naman kalakihan ang katawan ko dahil bihira lang naman kasi ako mag-buhat ng mga mabibigat eh, dahil you know, Wala masiyadong GYM sa lugar na ito. At hindi naman gaanong kaputian ang katawan ko and I am satisfied for this color in my body. I am Bi; bottom and my parents know 'bout that. Sana hindi makarating sa mga classmates ko about sa pagkatao ko. Dati akong lumipat sa Taguig, Philippines from Tochigi, Japan (Ewan ko kung bakit gusto ng nanay ko, pero ayaw naman ng tatay ko keso daw malayo pa, ganun. Pero bakit parang...mas bihasa ako sa pagsasalita ng Tagalog kaysa sa native language ko, Ang Japanese). Sa kasalukuyan, naka-tira ako ngayon sa Taguig (hindi ko na babanggitin kung saang eksaktong lugar ako). Katunayan ay nag-aaral pa lang ako sa isang pampublikong paaralan na ewan ko kung sikat ito o hindi, as long as suportado naman ng baduy na mayor na si Lani, Realtalk 'yun (Kung makapag-salita eh, wagas, 'kala mo kung sino, Ha-ha!), na kung saan, sa Bagumbayan National High School at kadikit lang niya ang C.P. Sta. Teresa Elementary School na matatagpuan lang naman sa M.L.Q Street Bagumbayan Taguig City. Fourth year pa lang ako at section ko ang Aristotle. Ilang buwan na lang din at ga-graduate na ako. Kinagagalak ko kasi matutuwa sila Mama sa 'kin. Siya nga pala, Si Miho ang aking mama, therefore, 'Okāsan' ang tawag ko sa kaniya habang ang aking papa naman ay si Noboru, then 'Otōsan' na minsan Otōchan tawag ko sa kaniya. Apat lang kami magkakapatid at nasa kani-kanilang mga asawa so, ako na lang ang mag-isa...'yun lang. And that time, kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral, magiging College na rin ako balang araw.

    Sa totoo lang, mahirap talaga maging estudyante, eh—Grabe! Halos iilan sa mga naging guro ko, kinaiinisan kami dahil daw sa behaviour namin. (Pero 'wag na nila ako idamay, tahimik lang kaya ako?) Kaya yung mga ibang teachers namin, ayaw na magturo, Ganun, Except na lang yung teacher namin sa English. Nga pala, Ako yung tipong walang pinaniniwalaan sa lahat ng bagay, kahit na pamahiin, relihiyon (Actually, wala naman talaga dapat eh.), wala-Oo. I am proud to be an Athiest and I will be. Ni Diyos ay wala akong pinaniniwalaan even Hell does, Bakit? May nakapagpatunay ba na totoo ang paraiso sa langit, na may kapayapaang nagaganap sa langit? Totoo ba na ang kinikilala nilang Diyos ay naging tagapagligtas? Da'fudge! Hindi naman (siguro) 'di ba? I guess yung langit-langitan pa, Oo—yung mga nag-aadik. Ha-ha!

    Siya nga pala, Hindi ko rin inuugaling mag-dasal kahit na halos pinapagalitan na ako ni Mama dahil hindi ako naniniwala sa Diyos. Of course, wala naman talaga, 'di ba? Why do they need force me to pray? Tutal naman, wala naman akong mapapala and besides, hindi naman makukuha yung gusto ko eh—so what's for, hindi ba?

    Hanggang sa ilang araw na nakakalipas, ang hating gabi pa bago bumagsak ang alas tres, Maaga akong umalis ng bahay habang naka-suot lang ng Complete uniform with a patch of cheap and nasty logo na I Love Taguig sa bulsa ng aking polo, Suot ko din ang pipitsuging Duralite shoes na Goma ang texture (dahil iyon lang ang patakaran doon sa school) at naka-sukbit sa 'kin ang shoulder bag na kulay itim at ang tatak na Jansport nang wala nilang pasabi or even a beep of my phone habang tulog sila as long as may baon ako na naka-lapag yung baon ko sa aparador sa aming kuwarto at a worth of Twenty Pesos. Grabe sila magbigay ng baon sa 'kin. Kulang na kulang pa 'to sa 'kin eh—Sa bayarin pa lang sa school, pispis na agad bente ko nito. Wala na 'kong magagawa dahil ganun talaga mga magulang ko, mga kuripot. Hanggang kailan pa kaya nila balak itaas ang allowance ko? Until then, Naglakad na 'ko palabas ng aking bahay. Naglalakad na ako sa gitna ng kalsadang tahimik at walang masiyadong dumadaang sasakyan, ni bumbilya sa poste wala, as in sobrang dilim ng paligid. Subalit, May narinig akong isang tunog na kakaiba, pero sutsot lang pala iyon. I think na, ako yata ang tinatawag ng tunog na iyon o hindi kaya, sa iba, kaya naman nagtaka ako na para bang gusto kong malaman kung sino yung sumusutsot na iyon. Kaya nang lumingon ako sa likod ay tila wala namang tao sa likod, sa paligid, bukod lang sa'kin—Of course, ako lang naman yung taong (Alangan namang hayop, 'di ba?) naglalakad sa kalsada so must be that I should have known who's anybody hissing me then. Sabay bigla pang sumabay ang malakas na hangin kaya na-interrupt ako ng kaunti at nawala sa atensiyon ko ang lintik na sutsot na iyon hanggang sa hinayaan ko na lang ta's ang lamig pa ng hampas ng hangin. Sana pala nag-dala na lang ako ng Jacket nito, Ang lamig tuloy; wika ko lang, sabay napayakap sa sarili kong katawan at nanginig ng konti sa lamig. Pinalipas ko na lang iyon at nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad hanggang sa nakarating na ako sa gate sa aking pinapasukan; sa katunayan, 'yun ay ang Eskwelahan. Madilim din at super...Dilim. Pero okay lang at least sanay naman ako sa madilim na lugar, eh. Bukas naman ang pinto ng gate at pintado ng kulay itim, At siyempre, may isang guard (Unofficially) na nakasuot lang ng simpleng polo t-shirt na kulay pula at may tatak ng I Love Taguig at naka-suot ng pantalon at sapatos na lumang rubber shoes. Pumasok ako ng Gate, dumiretso lang sa loob at hindi niya na ako pinansin pa dahil may hinihintay din yata siya...By the way, 5'7 yung height niya, medyo matanda na pero mukhang tatay pa din, dahil yung makapal niyang balbas ang nagdala. Hanggang sa nakarating na ako sa Covered court na hindi naman malawak, like a Basketball Court—Volleyball Court size—Basta hindi siya gaanong kalawak, 'yun na iyon. Tapos! About 55 Steps ay nakarating din ako sa Bldg. III habang ang isa namang gusali ay ginagawa pa lang. Siyempre, Yung taas ng Bldg. III ay hindi tataas sa apat na palapag, at tag tig-tatlong row na silid-aralan ang magkakahilera. Madilim pa din ang langit na halos natatakpan ang buwan sa kapal ng mga ulap na tila, nababalutan na ang liwanag ng isang malaking takip na kailanman ay hindi makita ang liwanag dahil madilim ang paligid. Hindi naman ako takot sa dilim dahil dilim lang naman 'yan. At isa pa, Hindi naman ako kakainin ng dilim, 'di ba? So ba't ako matatakot? At bakit ko kailangan katakutan ang kadiliman? It's just a dark covers with big carbon of darkness, y'know.

    Nang nasa harapan na ako ng Gusali, Kinuha ko muna ang aking cellphone na Samsung Galaxy Y GT-S5360 mula sa kaliwa kong bulsa para lang gawin kong pang-flashlight dahil bukod pa sa langit ang madilim, pati ang loob ng gusali, ang paaralan ay madilim din; na halos hindi na makita at tanging anino lang ang makikita mo.

    Time check 3:25 A.M. Ibig sabihin, ambilis ko lang pala mag-lakad? Ha-ha! What a mess? Umakyat na ako sa palapag kahit madilim ang paligid habang hawak ko ang aking cellphone na naka-harap sa palapag upang makita ko lang ang aking dinadaanan (baka madapa pa 'ko nito pag napamali ako eh-Hindi ko pa naman masiyadong kabisado ang paligid bagama't sobrang dilim talaga). Nang malapit na ako sa pangalawang palapag, may hangin nanaman na humambalos sa'kin na malakas at may naiwang bulong na hindi ko maipaliwanag at totally, hindi ko maintindihan pagkatapos umihip ang hangin palayo sa 'kin

    "Et non morieris"

    Ano ibig sabihin niyan? What was that mean? Ano word 'yun? An alien or something? 'Yun ang tanong sa aking isip na hindi ko din maintindihan.

The Dark Side of his NightmareWhere stories live. Discover now