6

114 4 0
                                    

The mystery behind...

    Nang marating ko ang Covered court, na kung saan, doon sa point na nagkita at nagkakilala kami ni Iwa; Unexpectedly at nanduon siya na naka-tayo lang sa may tabi ng Entablado at parang may hinihintay.

    Lumapit ako sa kaniya at kinalabit ko ang kaniyang likod. Lumingon siya at sa halip na ang kaniyang mukha ang aking makikita, ang kaniyang ngiti ay...Bakit isang mukha ng hindi ko mailarawan, puro itim ang mukha at aninag ng anino, Bakit lugay ang kaniyang buhok at ang pangit niya? May sugat ang kaniyang mukha at ang sama ng tingin niya—Fuck! Shit! Ano ito?

    Umatras ako palayo sa kaniya at napakurap ang aking mata saglit at...

    "Uy Kuya Tatsuya. Ikaw pala 'yan?" Isang surpresang boses ang narinig ko sa kaniya, na nagsagi naman sa takot ko,  "Kamusta?"

    Halos kinabahan ako sa nakita ko, Nakita ko ulit ang mukha ni Iwa na gaya ng nakita ko ng ilang araw pa ang nakakalipas. Ang kaniyang ngiti, Ang cute niyang pagmumukha ay...Yay! Okay na.

    Napabuntong hininga ako "Ayos lang, ikaw?"

    "Hai, Genki desu. [Ayos lang ako]" Ngiti niyang sabi. "May free time ka pa? Turuan mo naman ako ng Japanese oh?" Sabay hiling nito

    "Sige ba." Pumayag ako. "Saan naman tayo?" Tanong ko.

    "Sa library tayo. Pwede naman du'n, eh."

    "Baka hindi tayo papasukin sa loob" Duda ko.

    "Papasukin tayo niyan, maki-usap lang tayo kay Ma'am Vhen"

    "Huh? Yung teacher ko sa English?" Wika ko at ang aking pagtaka.

    "Uu?" Ungot niya na parang ganito ang ibig niyang sabihin, 'Teacher mo pala iyon'. "Teacher niyo pala 'yun eh. Tara na hanapin na natin siya" At katulad din ng nasa isip ko. Iyon din ang sasabihin niya.

    Subalit, nakita ko na may isang Guro na papunta pa lang sa Covered court at nakita ko na si Ma'am Vhen iyon. Hinabol ko siya at nilapitan ko.

    "Hi, Ma'am, Excuse me po"

    Finally, lumingon din siya at tinignan niya ako. "Oh, Tatsuya. Bakit hindi ka pa pumapasok sa room niyo? Anong oras na oh? Baka pagalitan ka pa"

    "Um, ano po kasi Ma'am" Habang pinagpipindot ko ang lahat ng aking mga daliri at medyo nahihiya pa akong humarap sa kaniya. "Pwede ko po bang magamit ang library?" Pakiusap ko.

    "Okay sure, Heto ang Susi." Sabi niya at agad niyang ibinigay ang susi with a nice Doraemon souvenir (like a cover in my notebook); pero keychain lang ‰yun. "Sa iyo ko muna ipapahawak ito. Kung may manghiram sa iyo ng susi lalo na't hindi mo pa gaanong kakilala, hanapin mo muna ako. Bago mo ipahiram sa iba. At isa pa, ingatan mo 'yan, ha."

    "Opo, ma'am. Salamat nga po pala" Tumungo ako sa harapan ni Ma'am.

    "Walang anuman. Balik mo nga pala sa'kin 'yan 'pag break time niyo na." Sabi niya bago siya umalis.

    Lumapit ako kay Iwa. "Ikou!" [Tara]

The Dark Side of his NightmareWhere stories live. Discover now