5

125 3 0
                                    

I think something weird and mysterious...


    "Psst! Kuya!" Dinig ko ang boses na iyon galing sa Covered court. Napahinto ako sa aking paglalakad at nilingon ko ang Covered court. Nakita ko na may Babaeng may kumakaway nang naka-ngiti at parang ako yata ang kinakaway niya o may iba pa bukod sa'kin.

    Agad naman ito tumakbo kasama niya pa ang isang babae ng kaniyang kaklase at, cute din kagaya niya, at may lalaki din na, medyo kasing-height ko lang yata—pero cute niya huh?

    Pero teka lang, Si Iwa nga pala ito. A-anong ginagawa niya dito? Hindi kaya, uwian na din nila?

    "Wait lang kuya" Sabi ni Iwa at nilapitan niya ako. "Pauwi ka na?" Sabay tanong niya sa akin.

    Mukha ba akong tatambay lang sa isang tabi? Malamang, pauwi na dapat ako eh, Kaso tinawag mo pa ako.

    "Yup." Tugon ko

    "Saan ka dadaan?"

    "Sa maliit na gate, doon lang" Tugon ko muli sabay itinuro ko ang direksiyon papunta sa maliit na daanan, tabi pa iyon ng Comfort Room.

    Actually, dalawa nga pala ang Gate ng paaralang ito. Ang nasa harap ko (about 30 steps pa ang layo papunta sa'kin) ngayon na pintado ng kulay berde at sa isa na dinaanan ko kaninang umaga.

    "Sabay na tayo, Doon din ako dadaan, eh." Mungkahi ni Iwa.

    "Pero kasabay mo din sila, 'Di ba?" Alinlangan ko at totally, nahihiya pa ako sa kaniya.

    "Eh, doon naman sila ii." Sabi niya at lumingon sa malaking gate. "Siya nga pala, ipapakilala muna kita sa mga classmates ko" Mungkahi niya at agad niyang hinatak ang aking kanang kamay. Hindi ko agad tinigasan ang katawan ko para pigilan ang sarili—of course, nahihiya pa ako—dahil bigla pa naman niya hinatak yung kamay ko.

    Pero grabe, First ko lang na nangyari sa buhay ko na hatakin yung kamay ko ng isang babaeng katulad niya, mostly hindi ko pa gaanong kakilala. And yeah, She's a kind of person who do that to me for a first time. Pero parang baliktad, Ako nga ang dapat gagawa nun dahil lalaki ako eh, tapos babae siya. Kung sa bagay, hindi ko din ito inaasahan.

    Nang lumapit kami sa kaniyang classmate; actually dalawa sila, Agad akong kinabahan.

    Una kong nakita ang lalaki, Ang seryoso niyang mukha, And kung idedescribe, matangos din ang kaniyang ilong, manipis lang din ang kaniyang buhok, like my hair style, I guess, makapal ang kaniyang kilay, at beared with a tiny hair from his beard.

    "Billy, si Tatsuya. Tatsuya, Meets Billy" Unang introduce ni Iwa sa'min ng lalaki.

    "Hi Bro! I'm Tatsuya." At siyempre, Pinakilala ko na ang sarili ko kay, what's-his-name again?

    "Oh Hi Bro, Billy" Gulat at Galak nitong magpakilala at inalok niya ako ng Shakeshands gamit ng kaniyang kamay which is unexpectedly.

    "Nice to meet you, Billy" Ngiti kong sabi at nakipagkamay ako sa kaniya.

    "Nice to meet you, Tatsuya" Ngiti niyang sabi.

    "And Jessa, meets Tatsuya" Sabi ni Iwa at unang lumingon sa'kin at sa babaeng medyo kamukha niya na pero, parang mukha siyang mataray or what—Pandak naman.

    "Hi ate!" Bati ko

    "Hello" At siyempre, bumati rin siya sa'kin.

    Nang makita ako ng dalawa kong classmates (lalaki sila actually, Si Mark at Kirk again, Pero nasaan si Christopher? Ba't hindi nila kasama 'yun?) na pauwi pa lang at paliko papunta sa itinuro kong gate na parang naweweirduhan sila sa'kin or what.

The Dark Side of his NightmareDonde viven las historias. Descúbrelo ahora