12

81 3 0
                                    

There's an unbelievable and unexpected happens in my whole entire life...

    After 4 days ago, nalaman ko na lang ang tsismis na may natagpuan daw na isang bangkay malapit sa isang lawa at ang tadtad ng maraming saksak sa likod, Naka-suot lang daw siya ng pantalon (in short, nakapantalon lang at walang damit na pang-taas) at palutang-lutang lang ang kaniyang katawan. Nang maitalakay kung sino ang bangkay na iyon ay walang iba kundi si Mark Gonzales—Mark Gonzales? Fuck! Classmate Ko—I mean, Boyfriend ko 'yun, ah? Ano nangyari—Fuck! Anong ginawa nila sa Boyfriend ko? Sinong pumatay sa kaniya?

    It's a sad part na nangyari sa buong buhay ko dahil yung boyfriend ko pa ang pinatay nila. Nakakalungkot isipin dahil nawala na siya. Hanggang sa kumalat ang nasabing usapan sa school at nag-simula na silang nagbigay ng mga donasiyon, including me; the SSG group, the teachers, all of Us.

    Break time na, hindi ako nag-dalawang-isip na hanapin si Ma'am Vhen. Then finally found her. She was just walking from the canteen and I called her. Meron dapat siyang malaman tungkol sa pagkamatay ni Mark

    "Ma'am." Sigaw na pagtawag ko.

    Lumingon din si Ma'am, "Oh, Hi, Tatsuya." Ngiting sambit niya, tapos lumapit sa akin, "Meron ka dapat malaman tungkol sa classmate niyong si Mark."

    "Opo, Ayun nga po." Tugon ko naman.

    "Ayon sa kuwento ng mga magulang niya, pinatay siya ng kaibigan niyang si Bert. Kung kilala mo siya."

    "Si Bert po?" Until I am confused. Pero sandali, siya ba yung nag-text sa cellphone ni Mark?

    "Yup. Hindi ko alam kung ano naging motibo ni Bert sa pagpatay sa classmate mo"

    "So, ano pong nangyari kay Bert, hinuli ba siya?"

    "Sa tingin ko ay, namatay din daw siya simula nu'ng nahuli siya ng mga pulis dahil sa insidenteng iyon at pinatay daw siya sa loob mismo ng kulungan."

    "Maari ko po bang malaman kung kailan siya namatay?" Tanong ko muli at halos mangilid na ang aking mga mata

    "Noong hatinggabi pa ng biyernes bago nangyari ang insidente"

    "K-k-kaya po pala wala siya nuong biyernes?" Pagkautal na pagtaka ko, "Ang ipinagtataka ko lang po kasi kung bakit siya pumunta sa bahay ko nuong alas tres ng biyernes? Kumakatok pa nga po siya eh, para lang ipa-ayos lang yung kaniyang cellphone."

    "Pero sinaksak at pinatay siya noong hatinggabi, 'di ba? So, Paano siya makakapunta sa bahay mo nang ganu'ng oras?" Pagtaka niya.

    Sabay kinuha ko ang Cellphone ni Mark mula sa bulsa ng aking pantalon at agad naman ipinakita sa kaniya. "Heto po ang cellphone niya. Nakuha ko po ito noong pumunta siya sa bahay ko. Kung hindi nga po ako nagkakamali, Noong nakita ko po ang dial sa cellphone niya, nakita ko na may tinatawagan siyang number nuong mga oras na iyon, And I guess...Hihingi sana siya ng tulong—kaso, nabigo po siya."

    Tapos kinuha naman ito ni Ma'am Vhen ang Cellphone ni Mark mula sa aking kamay, "Teka, Paano mo nakuha ito sa kaniya?" Tanong pa niya habang sinusuri niya ang Cellphone ni Mark.

    "Gaya nga po ng sinabi ko, pumunta siya sa bahay ko para ipaayos yung Cellphone niya." Tugon ko na may paninindigan.

    "Hindi mo ba ito kinuha or hiniram sa kaniya?"

    Anong kinuha o hiniram, Eh kusa ngang ibinigay sa'kin ni Mark yung Cellphone niya para ipaayos tapos sasabihin niyo lang, 'kinuha o hiniram'? "Eh, Ma'am, Paano ko naman po iyan kukunin sa kaniya iyan eh, siya nga po yung mismong nag-abot sa'kin niyan eh." Diin kong sabat sa kaniya, "At isa pa, hindi ko alam ang bahay niya." Hindi ko man sinasadyang pagtaasan na siya ng tono pero pinipilit ko pa ring maging magalang sa kaniya.

The Dark Side of his NightmareDonde viven las historias. Descúbrelo ahora