8

114 2 0
                                    

A piece of mysterious clues...

    Until it's break time, I skipped 2 subjects dahil sa Library kanina. Nakita ako ni Ma'am Vhen na papunta pa lang ako sa Canteen.

    "Tatsuya, Kakain ka?" Tanong ni Ma'am Vhen habang naka-tingin sa akin.

    "Opo ma'am" Tugon ko.

    "Sabay na tayo. Wala kasi akong kasama ngayon eh." Alok nito dala ng kaniyang ngiti.

    Medyo nahiya pa ako kay Ma'am Vhen dahil first time ko lang din ito na maka-sama siya sa Canteen. "P-pero."

    "Ano ka ba, 'wag ka nang mahiya. Tao rin naman ako at hindi extra-ordinary na katulad ng mga ibang teachers d'yan na ayaw makisama sa mga ibang tao. Okay lang 'yun. Tara na." Pilit na alok ni Ma'am

    "Well, sabi niyo po 'yan," Pasang-ayon ko, Hindi ko matanggihan pero, "Sige na nga po, Ma'am"

    Lumakad na kami pareho at pumunta na sa loob ng Canteen, na kung saan, may mga tindang ulam at kanin, pero ang presyo, Daig pa ang may ginto ampots—Grabe! Ang mahal.

    Kaso napansin kong nasa 47 lang ang pera ko, yung iba ko pang pera after several days ay tinabi ko pang-ipon ko. Seems, yung cheap na lang bibilhin ko like a Rice and a half of a foot of Footlong. At ang kay Ma'am Vhen naman ay Kanin din at isang Sapsoy at pritong isda.

    Umupo na kami sa lamesa sa tatlong hilera vertically dahil maliit lang naman ang Canteen since then.

    Pero, nasa isip ko pa din ang sinabi sa akin ng lalaki iyon (pero bakit 'di ko pala natanong yung pangalan ng mo'kong 'yun?) about kay Iwa. Totally, hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon. Hanggang sa naisip ko na nandito na din si Ma'am, I need to return her key.

    "Ma'am. Yung susi nga po pala. Salamat po ulit" Sabi ko at kinuha ko ang susi mula sa aking bulsa at isinauli ko sa kaniya.

    "Salamat Tatsuya." Ngiting sabi niya, tapos kinuha din niya ang susi sa mga kamay ko, "Alam mo, ikaw pa lang yung nakasalo ko kumain, yung mga iba ko kasing mga teacher tulad ko, na nasa faculty, may mga sarili kasi silang mundo eh"

    "Ay ganun po ba? Ha-ha!" Natatawa kong sabi.

    "Oo. Ha-ha!" Patago niyang tawa.

    Nagsimula na kaming kumain at may isang bagay lang ako na dapat kong alamin tungkol kay Iwa.

    "Uh, Ma'am. Sino nga po pala yung naging president dito ng school natin?" Tanong ko

    "Er.. Iyon ba? Si Mico. Yung kilalang matalino sa school, Siya yung pumalit kay Iwa" Tugon niya. And who the hell is Mico?

    Bigla agad pumasok sa isip ko si Iwa. "S-Si Iwa po ba, hindi po ba nandito siya?" Tanong ko.

    "Huh?" Sabay taka't tawa niya nang kaunti.

    May nakakatawa ba sa sinabi ko Tingin ko wala naman, 'di ba?

    "Matagal na siyang wala na dito, Hindi mo ba alam iyon?" Sambit niya sabay seryosong mukha nito.

    "Pero..."

    "May napapansin lang ako sayo huh. Don't get offend."

    "Sige lang po. Ma'am. Hindi naman po ako ma-ooffend."

    "Dati kasi, nakita kitang nagsasalita mag-isa Sa Covered court, Gusto ko sana kitang tawagin dahil bored din ako at kailangan ko rin ng makakausap."

    "Huh? Ako, Kelan po?" Taka ko

    "Break time niyo yata iyon."

    "Uh, opo. Pero, that time, kausap ko po si Iwa. Alam ko din nandito siya" Defend ko.

The Dark Side of his NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon