7

113 4 0
                                    

After I've borrowed the key, there was still doubt in my mind...

    Hindi ko alam kung anong meron doubt sa isipan ko, lalo na sa mga ginagawa ko.

    At kung minsan unti-unti ko rin napagtatanto sa sarili ko na may kakaiba at mali, sa mga ginagawa ko.

    Bago kami makapasok sa loob, Una kong inilusot ang susi sa Doorknob na ipinahiram sa 'kin ni Ma'am Vhen gamit ng aking kanang kamay, ipinihit ko ito at nagbukas din ito. Hinatak ko ang pinto at pumasok na kami sa loob ng library, as in kami lang talaga.

    Pero parang kakaiba yung nararamdaman ko na hindi ko maibigkas ng bibig ko na 'Ano itong nangyayari?' Seems, kinda weird.

    Alam ko naman na kasama ko ngayon si Iwa sa library, pero parang may something na...

    "Tara na, Kuya." Deklara niya.

    Napansin ko sa sarili ko na natulala pala ako at naka-harap lang sa mga nakahilerang libro sa kaliwang kanto. Tatlo lang ang lamesa dito; na gawa sa kahoy at malapad, at may ilang upuan na plastic at kulay itim, na nakapa-ilalim sa lamesa.

    Umupo na kami at magkatabi sa upuan at inihanda ko na ang aking notebook at siyempre, yung notebook niyang makapal at ang ganda ng Cover, gawa sa tahi at sinisigurado ko din' makapal ang mga pages nito, Like a Relic book.

    Isang oras na ang nakakalipas ay natapos na kami, hanggang sa niligpit niya na ang kaniyang gamit at iniligay sa kaniyang bag. Subalit, may lumapit na isang estudyanteng lalaki na—kinda chinito, manipis lang din ang kaniyang buhok at mukha namang matalino dahil may reading glass siya na pang-nerdy, naka-tingin sa akin at pumasok sa loob at tila may hinahanap ito. Sa pagtataka ko lang, bakit ako lang ang nakita ng lalaking 'yun instead kay Iwa?

    "Wait lang, Kuya, Magsi-CR lang ako." Sabi ni Iwa at umalis ito sa Library, Tumungo naman ako.

    I was totally confused kung bakit hindi napapansin ng lalaki si Iwa kung baga, Ako lang ang tinignan niya nu'ng pumasok siya sa loob ng library. So, Ako lang ba nakakapansin kay Iwa?

    "Kuya, ikaw lang ba mag-isa dito?" Tanong ng lalaki sa akin habang naghahanap ito ng libro sa kaliwang kanto.

    "Uh, Oo. Umalis kasi yung kasama ko kanina" Pag-aalinlangan kong tugon. Ewan ko kung bakit.

    "A...Pero," Huminto siya sandali, "ikaw lang yung nakita ko kanina na pumasok dito sa library, 'di ba?" Taka nito

    "A—Hindi, sa katunayan nga, kasama ko si Iwa kanina" At totoo iyon. Nandito pa nga siya, eh.

    "Huh? Si Iwa?" Paniguro niya, "P-Pero matagal na siyang wala 'di ba?" Taka pa niya

    "Uh, Ewan... Pero ba't nakikita ko siya hanggang ngayon?" Tanong ko

    "I think Iba yata yung tinutukoy ko. Pero, tinitiyak ko na yung isang Iwa na tinutukoy ko ay matagal nang wala. Pasensya na kuya." Sabay dispensa ng lalaki.

    "Okay lang."

    "Ano kasi kuya, yung ibang Iwa na nandito dati, na naging Class president nuon, Actually, dati nga pala siyang binubully ng kaniyang mga kaklase. Noong mga ilang araw pa ang nakakalipas, may natanggap akong balita na nagpakamatay daw siya dahil sa depression."

    "Oh, T-talaga?" Duda ko, "Pero--"

    "Look, Alam kong weird pero it's either kung paniniwalaan mo 'ko o hindi. Yung Iwa kasi na tinutukoy ko, um, matagal na rin siyang patay--"

    "Oh um, Sige, babalik na nga pala ako sa room ko. Salamat sa info mo, huh." Sabi ko at agad ko na niligpit ang aking gamit at tumayo para umalis

    "Mag-iingat ka, kuya." Huli niyang sinabi bago ako umalis ng Library.

    Nakakapagtaka lang kasi kung bakit ganun, Yung sinasabi nilang wala na si Iwa, pero ba't nandito pa siya na nag-aaral sa mismong paaralan na ito hanggang ngayon? Alam ko na hindi 'yun ilusyon. Hindi din totoo yung mga paratang nila laban kay Iwa. Siya lang na naging kaibigan ko bukod pa sa kanila.

The Dark Side of his NightmareWhere stories live. Discover now