13

96 3 0
                                    

Is this the end between of us?

    Hanggang sa...

    Minulat ko ang aking mata. Nakita ko ang puting kisame at ang bumbilyang nakakabit sa kisame dahil sa liwanag nito. Inilingon ko ang aking ulo sa kaliwa at nakita ko ang mga ibang gamit gaya ng Dextrose, na nakasampay sa tangkay ng bakal at nakita kong naka-konek sa kanang braso ko ang hose nito at may patch pa ito ng tape. Napansin kong naka-suot ako ng T-shirt na light blue. Nang naiangat ko ang aking katawan ay agad kong naramdaman ang kirot sa aking dibdib at nang mapansin kong may patch ito ng tape ang aking dibdib nang aking silipin sa loob ng aking T-shirt. Nang makita ko ang paligid ay, isa pala itong kuwarto. May nakita akong isang biskwit gaya na lang ng isang Skyflakes at bote ng tubig na nakapatong sa lamesa na kasing-taas lang niya ang kamang hinihigaan ko. Nang malaman ko nang isa itong ospital.

    Naalala ko nga palang sinaksak ako ng demonyong Rick na iyon sa aking dibdib. Pero, bakit ako yung deserve na mabuhay sa kabila ng mga bangungot na gumugulo sa buhay ko? Bakit hindi nila ako pinatay na halos pugutan na nila ako? Isa lang ang nasa isip ko: Naalala ko na ang Panginoong Diyos pala ang nagligtas ng aking buhay kahit alam ko na hindi ako naniwala sa kaniyang kakayahan. Masiyado akong naniwala sa sarili ko na wala siya/hindi siya totoo.

    Now I realize how God is Real. Ngayon ay pinagsisisihan ko na ang mga pagkakamaling ginawa ko. Nagsisisi na ako. Hindi dapat ako nararapat na mabuhay sa mundong ito, Masiyado kong hinusgahan ang kaniyang kakayahan at Hindi ko ito pinahalagahan.

    Hanggang sa nag-simula nang pumatak ang aking mga luha at nagsisisi sa nangyayari sa akin ngayon.

    Until then, May pumasok sa loob ng kuwartong ito at nakita kong si Chichi [Papa] iyon.

"T-tatsuya-kun! Yatto ikita. Kami no ooki ni... [Tatsuya! Buhay ka. Salamat sa Diyos...]" Surpresang makita ako ng aking Otōsan [Tatay] although galing siya sa kaniyang work (Dahil naka-casual suit ito) at agad akong nilapitan.

    "Chichi, G-gomennasai. [Papa, Sorry]" Humahagulgol na paghingi ko ng tawad at nag-simulang gumilid ang aking luha.

    "Zenzen Daijoubu [Ayos lang]" Sabi niya at agad ko siyang niyakap at halos mapasubsob ang aking ulo sa kaniyang dibdib habang hinihimas niya ang aking likod. "Genki na no? Ii desuka? [Musta na, Ayos ka lang ba?]" Tanong ni Papa sa akin

    Naka-subsob pa din ang aking ulo sa kaniyang dibdib habang ang aking mga luha ay pumapatak at seems napahagulgol ako. "Hai, Ii desu yo [Opo, Ok lang ako]" Sagot ko at dumistansiya rin pagkatapos.

    "Nani ga atta no? [Anong nangyari sa iyo?]" Tanong niya sa akin at sabay tinignan niya ang sugat sa aking dibdib. "Dare ga omae ni kore wo yatteita? [Sinong gumawa nito sa iyo?]" Malamig na tanong niya.

    "Dare ka ga ore ni koroshitai desukedo. [May gusto pong pumatay sa'kin]" Pangingilabot kong tugon

    "Dare wa? [Sino?]"

    "Si...Si, Rick po, Otōsan"

    "Rikkutte wa dare no? [Sino si Rick?] Yatsu wa omae no teki da na? [Kaaway mo ba iyon?]" Tanong pa niya.

    "Rikku san ga janaidakede...chōdo teki janai kedo, Obake desu. Soshite, kare wa satsujinsha desu. [Hindi lang si Rick at...hindi lang siya kaaway, kundi multo. At mamamatay tao po siya.]" Tugon ko. Sana maniwala siya

   "Yatsu wo aetara, koroshite yaru! [Kapag makita ko siya, papatayin ko siya!]" Malamig niyang sabi,  "Anzen shite, Tatsuya-kun, Sukunakutemo, kitto anzen da. [Huwag mo nang isipin iyon, anak. At least, Okay ka na.]" Ngiting sabi pa niya.

The Dark Side of his NightmareWhere stories live. Discover now