Chapter 19.a -- ang tunay na pagmamahal ng isang babae sa lalaki?!

4.5K 59 1
                                    

 "bbbuuuuwwwaaaa!!!"

"aaaaaaahhhhhhh!!!"

Pinalo-palo ko nalang ung nanggulat sa akin, hindi ko na inisip kung sino. Panic na ko eh.

"Aray! Ahahaha. Tama na! Babe!"

Babe? Si Zyren ba yun?

Pagbukas ko ng mga mata ko, si Zyren nga.

"Uy... Sorry ah. Kung bakit naman kasi nanggugulat ka pa jan eh! Akala ko tuloy kung sinong multo. Manyak pala."

"Ahahahahaha. Ewan ko sayo. Bakit nga pala nandito ka? Pumunta ako sa kwarto mo pero wala ka dun."

"Pinagpahinga ko na si Manang. Mukhang pagod na kasi eh kaya ako nalang ung nagtuloy nung trabaho niya."

"Sira ka ba? Eh pano kung mabinat ka? Edi hindi ka makakapasok bukas para sa partner mong si Matt."

O_O huh? Pano niya nalaman?

"Pano mo nalaman na si Matt ung partner ko?"

"Engot ka ba? Syempre tinanong ko! Tuwang-tuwa ka siguro no?"

"O-oo naman! Sobrang saya ko nga na si Matt ung partner ko imbes na ikaw eh. Ahahaha."

"Sus. Mawawala din yan. Mas lamang naman ako sa kanya kasi siya crush mo lang ako mahal mo na."

Hindi nalang ako sumagot kasi hindi ko na alam kung anong sasabihin ko.

Umalis siya tas kumuha ng something sa ref. tubig ata ung kinuha niya.

Tas inabot niya sakin.

"Oh, uminom ka muna para hindi ka madehydrate." aabutin ko na sana kaya lang ininuman niya muna.

"Ay, teka lang. Ako muna iinom."

"Oh, ayan na. Inom na." alok niya pagkatapos niyangg makainom.

"Hhhmmm! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng tubig, hindi ko gagawin ‘to eh." then nung umiinom na ko, bigla nalang siyang yumakap sa likod ko. Back hug kung baga.

O_O

Muntik ko tuloy mabuga ung iniinom ko. Ahaha.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako. Hindi pa nga ako tapos maghugas eh."

"Pwede ka naman maghugas ng pinggan habang nakayakap ako sayo eh.”

"Eh hindi ako makakaconcentrate sa ginagawa ko kung nakaganyan ka sakin."

"Basta. Ayoko. Hindi ako bibitaw."

"Bahala ka jan. Mangangawit ka rin."

Then tinuloy ko nalang ung paghuhugas ko. Nadidistract ako kasi galaw nang galaw yung ulo niya tas hinihigpitan pa niya ung yakap nya sakin.

"Ang sarap ng ganito. Para na talaga tayong mag-asawa. Naghuhugas ka para sakin tas ako nakayakap sayo. Ang sweet~"

"Huh? Naghuhugas para sayo? Excuse me para kay Manang ‘to hindi para sayo."

"Eh yun yung gusto ko eh. Bilisan mo na jan para makiss na kita. Sobrang namiss ko maglambing sayo."

"Edi dapat ko pa palang bagalan para hindi mo ko makiss?"

"Ikaw talaga, pagdating sakin ayaw mo pero pag kay Matt gusting-gusto mo. Eh pano kung magrequest siya na halikan mo siya gagawin mo?"

O_O

"Ah... eh... Hindi ko alam. Tsaka kusa kong hahalikan ang isang tao kung mahal na mahal ko na talaga siya. Yung parang… I can't live a day without that person."

"Forcedly" MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon