Chapter 1

15.9K 415 10
                                    

Demi Lei

Bata pa lang ako alam kong ayaw sa akin ng daddy ko. Parang hindi nga niya ako mahal eh. Narinig ko pa nga silang nag-uusap ni yaya noon. Ako ang sinisisi ni daddy kung bakit daw namatay si mommy. Namatay daw kasi si mommy dahil sa panganganak, ako yung sinilang ni mommy nun. Hindi ko alam ang buong istorya dahil pagkarinig ko nun, tumakbo na ako papunta sa kwarto ko at nag-iiyak. Siguro nung 2 years old ako nag-asawa ulit si daddy. Nagkaroon sila ng dalawang anak. Mabait naman yung naging stepmother ko, ramdam ko ang pagmamahal na binibigay niya sa akin kahit na hindi ko siya tunay na nanay. Buti pa siya kahit hindi ko kadugo, tinuring niya ako na parang isang tunay na anak. Eh ang daddy ko? Kakausapin lang ako kapag tatanungin niya ako sa mga grades ko. Close ko din yung mga kapatid ko. Si Iris Layne ang sumunod sa akin. Bunso naman si Allison Jane. Si Iris at Allison, pareho silang blonde na namana nila sa mommy nila. Medyo may pagkakikay silang dalawa at mukhang mataray pero mabait silang dalawa. Si Allison ang pinaka spoiled. Lahat ata ng gusto niya binibigay sa kanya ji daddy. Ganun din kay Iris. Sa akin? Minsan nga lang ako bigyan ng regalo ng tatay ko eh. Madalas palaging si tita mommy ang nagbibigay sa akin.

I'm already 20 years old now. Si Iris naman 18 na, while si Allison ay 15.

4th year college na ako sa kursong civil engineering. Buti na lang talaga gusto ko yung kursong yun dahil ayun din ang gusto ng daddy ko na kunin ko. May sariling construction si dad. Ako daw papalit sa yakap niya. Halos maging sunud-sunuran na lang ako sa kanya. Lahat ng gusto niya sinusunod ko.

"Ate Demi!" Tili ni Allison pagkababa niya palang ng sasakyan. Tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako. Sa States kasi siya nag-aaral, since christmas vacation ngayon ay umuwi siya. Actually kasama niya namam dun yung pinsan naming si Johansen kaya naman panatag ang loob namin. Gusto daw niya kasi dun, since taga doon naman talaga si Tita Mommy kaya naman minsan napunta si tita mommy dun.

"Baby Alli.." Niyakap ko din siya.

"Namiss kita ate." Medyo maarte pa niyang bigkas. Medyo maarte kasi magsalita si Allison.

"Ako hindi mo namiss?" Sabat naman ni Iris na ngayon eh nasa likuran ko na pala.

"Ate Iris! Siyempre I miss you." May pagka conyo din kasi si Allison. Siya din pinaka girly sa aming tatlo.

"Mukhang masaya kayong tatlo ha. Tara sa loob. Doon na kayo magkwentuhan." Nakangiting sabi sa amin ni tita mommy kaya naman pumasok na kami sa loob ng bahay.

"Nasaan si Dad?" Tanong ni Allison pagkaupo namin sa sofa.

"As usual busy nanaman." Sagot ni Iris. Napatango na lang si Allison sa amin.

"Kamusta naman studies mo Alli?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Okay naman Ate. Matataas naman mga grades ko." Napatango-tango naman ako sa kanya.

"Baka naman may boyfriend ka na ha? Wag ka munang magboyfriend ha. Gayahin mo si Ate Demi, walang boyfriend pero may girlfriend." Pabulong naman yung pagkakasabi ni Iris sa dulo. Aamin kong I'm into girls. Kaming tatlo lang ang nakakaalam nun. Wala naman akong maitatagong sikreto sa kanilang dalawa. May girlfriend din ako, halos one year na din kami. Si Alexina.

Minsan ang hirap ng magtago na kung ano talaga ako. Ang hirap din ng patagong relasyon. Hindi din kasi out si Alexina sa family niya. Mga friends lang namin ang nakakaalam at yung dalawa kong kapatid. Tanggap naman ako ng dalawa kong kapatid, kung saan daw ako masaya hahayaan na lang daw nila ako. Kaya naman mahal na mahal ko sila eh. Tanggap nila ako ng buong-buo.

"Ate! I'm straight kaya!" Sabi naman ni Allison sabay paikot ng mata niya kaya naman napailing na lang ako.

"Sus! Straight daw." Pangungulit pa ni Iris.

"Oh bakit ikaw? Don't tell me nabaliko ka na?" Panghahamon pa ni Allison kay Iris. Minsan talaga para na silang mag-aaway dahil ayaw nilang patalo sa isa't-isa.

"Of course not. Straight ako noh. Si Ate lang naman yung hindi eh." Humagikgik naman silang dalawa.

"Hay nako! Pag kayo nakahanap ng katapat niyo ewan ko na lang. Ikaw Allison, magpahinga ka na muna. Alam kong pagod ka. Ikaw Iris, halika at tulungan natin si mommy sa kusina." Agad namang sumunod yung dalawa kong kapatid sa utos ko.

-

"HAPPY NEW YEAR! WOOO!" Nagtatalon pang sambit ni Allison.

"Hoy, Alli! Tama na yang kakatalon mo! Ang tangkad-tangkad mo na nga eh!" Naiiling na saway sa kanya ni Iris.

Ang bilis at new year na ngayon. Kumpleto naman kaming nagdiwang ng new year. Nung pasko naman hindi kami kumpleto, wala kasi si Daddy. Ngayon nandito naman siya kaya kumpleto kaming lima.

"Happy New Year po Dad." Bati ko kay daddy. Isang tango lang ang ginanti niya sa akin. Samantalang sina Allison, niyakap pa niya. Hindi naman ako nagseselos dahil parang mas mahal pa niya yung dalawa kong kapatid kaysa sa akin. Ang gusto ko lang naman ay yung atensyon niya.

"Happy New Year anak." Inakbayan naman ako ni tita mommy na para bang sinasabi ng mga mata niya na okay lang yan kaya naman niyakap ko siya at binati na din.

"Sali kami diyan!" Parang bata naman si Allison na nagtatakbo palapit sa amin, ganun din si Iris.

Kahit papaano masuwerte ako at nagkaroon ako ng stepmom na mabait na tinuring akong tunay na anak at mapagmahal na mga kapatid. Sana balang araw mahalin din ako ni dad, ramdam ko kasing ayaw niya sa akin eh.

Ngayon ang araw ng alis ni Allison. Babalik na siya sa States kaso nalaman namin na dito na pala mag i-stay si Hansen. Buti na lang kahit papaano nandun yung iba naming pinsan.

"Hansen, bakit pala di ka na bumalik sa States?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad na kami pasakay ng sasakyan. Nakaalis na kasi si Allison.

"May hinahanap kasi ako Ate Demi eh. Pero mukhang malabong hindi ko na siya makita pa." Kasing edad ni Iris si Hansen kaya naman Ate na din tawag niya sa akin. Tsaka nag-iisang anak lang si Hansen kaya parang sabik siya sa kapatid. Parang kapareho ko si Hansen, kulang sa atensyon at pagmamahal ng tatay pero yung sa kanya sa nanay naman. Kaya naman magkasundong-magkasundo kami ni Hansen. Bihira nga lang kaming magkita at magkasama dahil sobrang busy ako sa pag-aaral.

"Sino ba yan ha? Maganda ba?" Alam kong bi si Hansen. Sinabi niya kasi sa akin yun. Kami-kaming magpipinsan lang ang nakakaalam. Yung dalawa lang talaga ang straight sa amin. Niloloko nga sila minsan ni Hansen eh na baka kapag may nakita silang babae na ubod ng ganda at sexy eh mabaliko sila. Tinatawanan lang naman siya nila Allison.

"Maganda siya kahit mataba siya. Nakaka-agaw pansin sa kanya yung mga mata niya." Nakangiting kwento pa niya.

"Mukhang tinamaan ka sa kanya ha."

"Sinabi mo pa." Nagkibit-balikat na lang ako sa kanya at sumakay na kami ng sasakyan. Hindi na sumama sa amin si Iris dahil nilalagnat kaya naman kami na lang ni Hansen ang naghatid kay Allison. Kasama naman ni Allison na umalis sila mommy at daddy.

"Oo nga pala Ate, kamusta naman kayo ni Alex?" Tanong niya sa akin. Ako naman nagdadrive.

"Okay naman kami kaso bihira lang kaming magkita at magkasama eh. Busy siya eh." Napabuntong-hininga naman ako.

"Nako, nawawalan na siya ng time sayo ha."

"Sinabi mo pa. Iniintindi ko na lang siya."

"Nako Ate, mahirap yung ganyan. Tsaka hindi basehan yung pagiging busy niya para mawalan siya ng time sayo. Kung mahal ka niya talaga gagawa siya ng paraan para magkausap o magkasama kayo kahit saglit lang."

"Wow! Hansen. Sayo ba nanggaling yan?" Biro ko pa sa kanya. Hinampas naman niya ako sa braso ko kaya natawa ako.

Napaisip naman ako sa sinabi ni Hansen. May point siya. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip ng kung anu-ano.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Happy New Year guys!

Oy New Year na 😂 Magbago ka na men! 😂 Wag na manloloko 😂

-Bee :)

Payne Sisters Series: Demi LeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon