Chapter 8

9.1K 320 34
                                    

[A/N: Demi's pic 🔝 😊]

---

Demi Lei

"May panibago nanaman tayong project ah." Bungad na sabi sa akin ni Candice ng makasalubong ko siya na papasok din ng building ng construction firm ni Dad, na ako ang naghahandle ngayon.

Mula ng atakihin si daddy sa puso, bumalik na ako sa bahay namin. Buti na lang at hindi natuluyan si daddy. Simula din nun, ako na ang namahala sa construction firm na pinaghirapan niyang itayo. Kilala yung construction firm namin sa iba't-ibang panig ng bansa.

Parang wala din namang pinagbago, kahit may sakit si daddy hindi pa din niya ako kinikibo. Kakausapin niya lang ako kapag tungkol lang sa mga nagyayari sa construction firm. Hindi na din niya ako pinapakielaman sa mga gusto kong gawin sa buhay ko. Kahit anong sipag at galing ko sa pagtatrabaho, hindi pa din niya ako mapansin man lang o pinuri kahit isang beses lang.

"Dems? Huy. Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Candice sa akin. Simula din nung umalis na ako sa pinagtatrabahuhan namin ni Candice dati, umalis na din siya dun dahil kinuha ko siya para magtrabaho sa akin. Pagkagraduate kasi namin kinuha kami agad ng company kung saan kami nag-ojt, kaya naman tinanggap na namin. Walong taon na ata mahigit yun at apat na taon naman mahigit ng bumalik ako sa bahay.

"Uhmm... yeah. I'm fine." Sabi ko sa kanya.

"Iniisip mo nanaman ba yung daddy mo? Wag mo ng isipin yun. Kung hindi siya proud sayo, kami naman ng mga kapatid at stepmom mo ay proud na proud sayo. Kaya tama na ang pag-iisip ng kung anu-ano diyan. Ma-i-stress ka lang." Sermon nanaman niya sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako sa kanya at tumango dahil ayoko ng makipagtalo pa sa kanya.

"Ang mga Cruise pala ang kliyente natin. Malaking proyekto toh para sa atin." Sambit ni Candice sa akin pagkaupong-pagkaupo ko sa opisina ko.

"Cruise?" Ulit ko pa, para kasing pamilyar sa akin yung apelyido na yon.

"Oo. Ang mga Cruise pala ang magpapatayo ng panibagong mall. Sila ang may-ari ng Z-Mall." Kilalang mall yun. May iilan na din silang branch ng mall dito sa bansa.

"Kaya kailangan natin magfocus dun at ikaw naman tigilan mo muna yang kakaisip mo tungkol sa daddy mo dahil malaking proyekto toh para sa atin. Hindi natin kailangang pumalpak." Nakapameywang pang sermon sa akin ni Candice. Minsan nga parang siya na yung nagiging nanay ko eh.

"Kaya walang naliligaw sayo eh! Nakakatakot ka." Tatawa-tawang biro ko sa kanya. Sa tagal kasi naming magkaibigan ni Candice, ni wala akong nalaman na naging kasintahan niya. Palagi niya ba namang tinatakot o sinusungitan yung mga nagtatangkang manligaw sa kanya.

"Siguro... babae ang hanap mo hindi lala--" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil binato niya ako ng lapis.

"Wag mo ngang papakialaman ang buhay love life ko. Tsaka anong babae ha? Hindi babae ang hanap ko! Tsaka haler! Anong ako lang ang walang love life? Ano pa kaya ikaw?" Sabay belat niya sa akin. Burn! Akma ko sana siyang babatuhin ng ruler pero kumaripas na siya ng takbo.

-

"Sinasabi ko na nga ba! Kaya wala ka pang nagiging boyfriend dahil babae ang gusto mo." Sabi ko kay Candice habang naglalakad kami palabas ng building, uwian na kasi. Napapansin ko kasi na madalas siyang tumingin kay Barbara, isa sa architect namin.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Painosenteng tanong pa niya sa akin. Napangisi naman ako.

"Bakit palagi kong napapansin na madalas mong tignan si Barbara ha? May gusto ka sa kanya noh? Aminin!" Sinundot-sundot ko pa yung tagiliran niya kaya naman hinampas niya ako.

Payne Sisters Series: Demi LeiWo Geschichten leben. Entdecke jetzt