Chapter 4

9.4K 334 23
                                    

Demi Lei

"Salamat Candice ha." Nagtanong kasi ako sa kanya kung may bakante pa sa dorm na tinutuluyan niya. Buti na lang meron. Magkatabi lang yun kwarto namin. Nagulat pa nga siya nung tawagan ko siya na nasa labas ako ng tapat ng building ng dorm nila.

"Wala yun ano ka ba. Sinabi ko naman kasi sayo na umalis ka na dun sa bahay niyo eh. Kahit kailan hindi naging maayos yung trato sayo ng daddy mo."

"Huwag na natin pag-usapan yan. Sa ngayon kailangan kong mag working student. May alam ka ba diyang trabaho?"

"Hmmm... magtatanong muna ako sa mga kaibigan ko. Sa ngayon magpahinga ka na muna at halos maghahating-gabi na." Nagpaalam naman na siya sa akin at lumabas na ng kwarto ko.

-

"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong sa akin ni Candice habang nandito kami sa may canteen.

"Ang mahal kasi ng pagkain dito sa canteen eh. Mukhang hindi magkakasya yung budget ko. Nagdown pa ako ng upa dun sa dorm. Tapos may mga project pa tayo at pambayad pa ng tuition." Namoroblemang sabi ko sa kanya. Tinignan ko naman yung laman ng wallet ko. Mahigit eight thousand na lang yun.

"Humingi ka kaya ng tulong sa tita mo." Napailing naman ako sa sinuggest niya.

"Ayoko nga. Nakakahiya. Tsaka ayokong umasa sa ibang tao. Baka may masabi pa yung tatay ko eh." Nag-iisip naman ako ng paraan para paano magkapera. May bigla akong naisip.

"Ibebenta ko na lang yung kotse ko. Tutal walking distance lang naman kapag papasok tayo ng school eh."

"Pwede din. Pero diba regalo sayo ng tita mo yun?" Napakamot naman ako sa batok.

"Eh no choice eh." Sabi ko.

"May kakilala ka ba diyan na gustong bumili ng kotse?" Tanong ko pa sa kanya.

"Hmm... yung pinsan ko. Magkano ba kung ibebenta mo?" Tanong pa niya sa akin. Okay pa naman yung kotse ko. Siguro 2 years na din yun mahigit sa akin.

"150k kaya?" Mukha pa namang bagong bago yun eh.

"Pwede din. Kaya naman yun ng pinsan ko. Ayaw lang talaga soyang bilhan ni tita ng brand new car." Natatawang sabi pa niya.

"Sige sige. Sabihin mo sa kanya ha." Tumango naman si Candice sa akin.

Ang hirap palang magbudget. Halos dalawang buwan na mula ng lumayas ako sa bahay namin. Nabenta ko na din yung kotse ko. Kaso sa dami ng mga gastusin, mauubos agad yung perang pinambayad sa kotse ko. Kaya heto ako, gumawa ng paraan para kumita ng pera. Taga gawa ng project o thesis. Sayang din ehh. Minsan yung bayad nila sa paggawa ko ng project, umaabot ng 1,500 to 2k. Pag sa mga thesis naman siguro mahigit 5k. Okay na din. Nagagamit ko daw yung katalinuhan ko, sabi sa akin ni Candice.

Pauwi na sana ako, galing kasi akong library. Nauna ng umuwi sa akin si Candice. May nakita akong pamilyar na sasakyan. Nagtago naman ako sa likod ng isang kotse na nakapark lang sa tapat ng school.

"Tangina! Sasabihin niyang gusto niyang magfocus sa pag-aaral niya. Yun pala eh may bago siya." Sambit ko sa sarili ko. Nakita ko lang naman yung ex ko na may kalandian. Inis na naglakad ako pauwi.

"Malakas na kutob ko noon pa. Sinabihan na kita eh. Ayan napala mo." Kinuwento ko agad kay Candice yung nakita ko pagkauwi ko.

"Ehh malay ko ba. Tsaka hayaan mo na. Hindi naman siya kawalan eh." Totoo naman eh. Hindi siya kawalan. Ewan ko ba kung bakit hindi ako nakaramdam ng sobrang pain noong nakipaghiwalay siya sa akin. Minahal ko naman siya pero basta ewan.

"Halata naman kasing hindi ka mahal nung bruhang yun eh." Sabi pa niya.

"Oo na! Oo na! Ako ng tanga! Tumahimik ka na diyan at magreview na tayo dahil malapit na ang exam natin. Konting kembot na lang gagraduate na tayo."

Payne Sisters Series: Demi LeiWhere stories live. Discover now