Chapter 21

8.4K 290 14
                                    

Demi Lei

Paakyat na sana ako ng hagdan pero narinig kong tinawag ako ni daddy. Kakauwi lang ni Zaireen, medyo mabuti na din yung pakiramdam ko. Medyo pagod din no? Kasi nakailang round kayo ni Zaireen kanina. Ayun lang pala ang magpapagaling sayo. Sabat ng isip ko.

Binalingan ko naman ng tingin si daddy. "Ano ho yun?" Tanong ko sa kanya. As usual, seryoso ang mukha niya kapag ako ang kausap niya.

"Girlfriend mo ba yun?" Napataas naman ang isang kilay ko sa tanong niya sa akin.


"Eh ano naman ho sa inyo kung girlfriend ko yun?" Napansin ko na napatiim bagang siya.

"Hindi ka pa din ba nagbabago ha? Ang pangit tignan dahil pareh--" Pinutol ko naman yung sasabihin niya. Bastos na kung bastos pero ni hindi man lang niya nirerespeto ang buong pagkatao ko, anak niya ako dapat tanggap niya ako pero hindi eh. Akala ko tanggap na niya kung anuman ako pero hindi eh.

"Dahil pareho kaming babae. Nakakadiri. Diba ayan ang sasabihin mo? Alam na alam ko na iyang sasabihin mo DADDY. Sawang-sawa na ako!"


"Pareho lang kayo ni Felicia! Tignan mo nangyari, namatay yung kapatid ko sa sama ng loob dahil pinagpalit ni Felicia ang kapatid ko sa isang babae." Tukoy niya sa mommy ni Johansen. Natawa naman ako ng mapakla.


"Reall daddy? Pinagpalit? Sa pagkakaalam ko nirape ng kapatid niyo ang mommy ni Johansen." Bigla naman siyang natahimik.


"Hindi ko alam kung bakit ganito ka sa akin. Dahil ba ako ang sinisisi mo sa pagkamatay ni mommy? Sinunod ko naman lahat ng gusto niyo. Naging mabuti naman akong anak sa inyo. Pero bakit hindi niyo matanggap kung anuman ako? Sawang-sawa na ako daddy. Pakiramdam ko wala akong ama dahil hindi ko man lang maramdaman ang pagmamahal niyo bilang anak sa akin." Buong hinanakit na sambit ko sa kanya kasabay nun ang pagbagsak ng aking luha.

Agad akong tumakbo patungo sa kwarto ko at doon ako nag-iiyak.

Kinabukasan sabay-sabay kaming kumain ng agahan, hindi lang kami kumpleto dahil wala si Allison. Tahimik lang kaming kumakain. Pagtapos kong kumain, nagmamadaling lumabas ako. Narinig kong tinawag pa ako ni Iris kaya naman tumigil ako sa paglalakad.


"Oh, Iris. May problema ba?" Napailing naman siya.

"Ate, nag-away nanaman ba kayo ni dad?" Napabuntong-hininga naman ako sa tanong niya.


"Lahat naman ginawa ko Iris eh pero bakit ganun siya sa akin?" Niyakap naman ako ni Iris dahil napansin niya na para akong iiyak.


"Magkakaayos din kayo ate."

Sana nga...

-

Papunta ako ngayon sa bahay nila Zaireen, hindi na kasi siya nakapunta kanina sa site dahil busy siya. Sinabi ko na pupuntahan ko siya sa bahay nila. Nakakahiya kasi eh, siya na lang palagi yung nag-eeffort.

Naabutan ko naman yung isa nilang maid. Sinabi na nasa may garden daw su Zaireen kaya naman agad akong nagtungo sa may garden nila.

Napaatras naman ako bigla at parang ayoko ng lumapit pa kay Zaireen. Nakita ko lang naman yung ex-girlfriend niya, yung babaeng kasama niya sa restaurant nang umarte ako na niloko ako ni Zaireen para hiwalayan siya ng girlfriend niya, ginawa ko iyon para may pambayad ako sa tuition ko. Inutos sa akin yun ni Abbey dahil gusto niyang makaganti kay Zaireen.

Nakatalikod si Zaireen kaya hindi niya ako nakikita. Nakaharap naman sa kanya yung babae. Siya din yung nakita kong bago ng ex-girlfriend ko noon.

Payne Sisters Series: Demi LeiWhere stories live. Discover now