Chapter 10

8.6K 324 32
                                    

Zaireen

Nandito ako sa bahay ni Zaya at Samara, buhat ko yung anak nilang si Margo na mahigit tatlong buwan na.

"Ate Zai, hindi ka pa ba mag-aasawa? Malapit ka ng mag thirty ah." Tanong ni Samara habang nagbebake.

"Malas nga ang buhay pag-ibig ko eh. Asawa pa kaya? Gustuhin ko man na magkaroon na ng sariling pamilya eh parang may nakontra. Basta. Ang hirap ipaliwanag. Tsaka matagal pa naman ako magthi-thirty noh! Matagal pang mag December."

"Kayo muna magbibirthday ni Zaya." Dagdag ko pa. Magtu-twenty seven na kasi si Samara. Si Zaya naman ay twenty nine. Napapag-iwanan na ako.

"Pisting babae yun." Bulong ko.

"Ano yun Ate?" Tanong ni Samara sa akin.

"Nothing."

"Gosh! Ang bilis ng panahon. Tumatanda na pala tayo pero eto ako at maganda pa din." Natawa na lang ako sa kahanginan ni Samara.

"Hay nako! Oo na lang." Naiiling na sabi ko sa kanya. Saktong dumating naman si Zaya. Siya na ang nag-alaga kay Margo.

"Paano, uwi na ako. Salamat sa cake Sammy." Paalam ko sa kanila sa may kusina. Napagdesisyunan ko kasing umuwi na dahil gabi na din.

"Wala yun ate. Sige. Ingat sa pagdrive." Nagwave pa sa akin si Samara.

"Ay Ate, sandali." Pigil sa akin ni Zaya. Tumayo naman siya at may inabot na brown envelope.

"Nandiyan yung mga info tungkol sa mga gagawa sa ipapatayo nating mall." Tumango na lang ako at nagpaalam na sa kanila.

Pagkarating ko sa kwarto ko agad akong nagbihis. Pasalampak akong nahiga sa kama at binuksan yung brown envelope. Isa-isa kong tinignan at binasa yung mga laman nun. Napakunot naman yung noo ko sa susunod kong babasahin.

Hmmm... Lagot ka sa akin Miss Payne *evil laugh* bulong ko sa sarili ko at inilapag yung envelope sa side table tsaka ako natulog ng mahimbing.

--

Kaya naman hindi na ako nagulat ng imi-meet namin si Demi Lei Payne. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat ng makita niya ako. Hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung bakit niya yun nagawa sa akin noon. Sa pagkakaalam ko hindi niya naman ako kilala.

Nagpunta pa ako sa bahay nila para lang magmakaawa na alisin niya yung sumpa niya sa akin. Yun ba talaga ang ipinunta mo Zai? Sabat ng isip ko. Kung alam niya lang...

Pero pagkaraan lang din ng mahigit isang linggong pagkaalis niya ng sumpa, sinubukan kong manligaw ulit pero hindi ako sinagot ng liligawan ko. Hindi din ako sinipot ng kadate ko sana. Pakiramdam ko tuloy pinagloloko lang ako ni Demi na inalis niya na yung sumpa sa akin. May lahing mangkukulam ata yung magandang babaeng yun.

Kaya heto ako ngayon papalapit sa isang Demi Lei Payne na papasok sa sasakyan niya. Agad ko naman siyang tinawag at galit na tumingin sa kanya. Humanda ka sa akin!

"Oh ba-bakit? Pa-papunta na nga ako sa inyo pero atat na atat ka namang makita ako." Nauutal sa sambit pa niya at napangiwi pa siya.

"Really? Ofcourse not! Hindi ako atat na makita ka! Kailangan nating mag-usap." Mahinahong sabi ko sa kanya.

"Sumunod ka na lang sa akin. Kapag hindi ka sumunod... ipapasalvage kita." Pananakot ko sa pa sa kanya. Nanlaki naman yung mga mata niya. Gusto ko sanang matawa sa itsura niya pero sumimangot na lang ako sa kanya. Mukhang nagkapalit ata kayo ni Zaya, Zai ha?

Sumakay naman ako sa kotse ko. Napangiti ako ng makita kong nakasunod yung kotse niya sa akin. Good girl Demi. Bulong ko sa sarili ko. Agad ko namang ipinark yung kotse ko sa tapat ng bakeshop nila Samara, nakita kong nagpark na din si Demi. Sabay kaming pumasok sa loob ng bakeshop ni Samara. Binati naman kami ni Kate, pinsan ni Samara na siyang katuwang niya dito sa bakeshop. Nginitian ko naman si Kate.

Payne Sisters Series: Demi LeiWhere stories live. Discover now