Chapter 5

9.8K 339 12
                                    

Zaireen

Naglalakad ako papuntang parking lot. Hindi na sumabay sa akin si Taylor dahil gigimik daw siya. Bigla naman akong may nakabangga.

"Ouch..." Daing nung babaeng nakaupo. Nagkalat din yung mga dala niyang mga libro.

"Sorry Miss." Dinampot ko naman yung mga dala niya. Tinulungan ko na din siyang makatayo.

"Ikaw pala Zai." Sambit niya. Tumingin naman ako sa kanya.

"Ayy Abbey, ikaw pala yan. Pasensya ka na ha? Hindi ko sinasadya." Busy kasi ako kanina sa phone ko kaya hindi ko na napansin na may makakasalubong ako.

"Ay nako, ako ata ang dapat magsorry kasi hindi ko nakitang may makakasalubong ako. May kinukuha kasi ako sa bag ko eh kaya hindi ko napansin na magkakasalubong tayo." Natawa naman ako ng bahagya sa paliwanag niya.

"Bakit ka tumatawa?" Nakangiting tanong pa niya.

"Eh kasi hindi ko din napansin na may makakasalubong ako eh dahil busy ako sa phone ko."

"So kasalanan pala natin dahil pareho tayong busy sa ibang bagay habang naglalakd." Natatawang sabi pa niya. Tumango naman ako sa kanya.

"Sige. Mauuna na ako ha. Baka mahirapan pa akong sumakay eh. Wala kasi yung driver namin kaya walang sumundo sa akin." Paalam pa ni Abbey sa akin.

"Gusto mo hatid na kita? Saan ka ba?" Alok ko pa sa kanya.

"Ay naku, nakakahiya naman. Wag na." Tanggi niya pa.

"It's okay. Hatid na kita. Saan ka ba? Pa south ka ba?" Tumango naman siya.

"Great. South din ako. Tara na." Pinagbuksan ko naman siya ng pinto, nagpasalamat naman siya sa akin.

"Salamat sa paghatid ha?" Nakangiting pagpapasalamat sa akin ni Abbey.

"Wala yun." Nakangiting sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng humalik siya sa pisngi ko.

"Sige. Pasok na ako sa bahay. Ingat sa pagdrive." Nagwave naman siya sa akin.

Pasakay na sana ako ng kotse ko kaso biglang may humawak sa braso ko.

"Oh Kissy, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pa sa kanya tsaka gabi na din.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Balik tanong pa niya sa akin.

"At sino yung babaeng hinatid mo? May pahalik-halik pa sayo."

"Ah fri-friend ko lang yo--" Agad naman niyang pinutol yung sasabihin ko.

"Friend huh? Break na tayo. Madalas daw kayong mag-usap niyang babae mo. Sabi sa akin ng isa kong friend. Kaya pala wala kang nagtatagal na karelasyon eh. Napaka babaera mo." Sabi pa niya sabay walk-out. Napakamot naman ako sa ulo ko. Ano bang ginawa ko? Sadyang friendly lang naman ako tapos ako pa nagiging masama at babaera sa paningin nila tsk.

-

"Oh ate, sino nanaman yung babaeng nasa garden? Kunot noong tanong ni Zaya sa akin."

"Hulaan ko... new girlfriend ni Ate Zai yun Zaya." Sabat naman ng bestfriend niyang si Maxine. Natawa naman si Natasha kaya sinamaan ko sila ng tingin, inakbayan naman ni Zaya yung girlfriend niya.

"Hay nako ate! Ang dami mo ng nagiging girlfriend pero maski ata isa hindi mo sineryoso eh." Sambit pa ni Zaya.

"Hoy! Seryoso ako sa kanila. Sila tong palaging nakikipagbreak sa akin eh. Wala naman akong ginagawang masama. Tsk. Diyan na muna kayo. Babalikan ko muna si Sanne." Hindi ko na sila inantay na magsalita pa at naglakad na ako papunta sa garden.

Payne Sisters Series: Demi LeiWhere stories live. Discover now