Chapter 25

16.1K 437 54
                                    

Demi Lei

After 1 year. . .

Mula nang maging okay na kami ni Zaireen, inaya niya agad akong magpakasal sa kanya. Hindi na ako nagpakipot pa at pumayag ako. Mahirap na baka maunahan pa ako ng iba.

Magkakaroon na din kami ng anak. Agad-agad ba? Well, hindi na naman kasi kami bumabata. Siguro after 1 month mula ng ikasal kami ni Zaireen, napagdesisyunan na naming magkaroon ng anak, ng sarili naming pamilya.

Masaya naman ang lahat para sa amin. Si daddy? Naging okay na din kami ni daddy dahil yun kay Zaireen. Halata namang bumabawi sa akin si daddy, ramdam ko na ang pagmamahal niya sa akin bilang isang ama. Yung dalawa kong kapatid? Basahin niyo na lang ang story nila haha.

"HONEY!!" Sigaw ko kay Zaireen.

"Yes, Honey?" Halatang nataranta naman siya.

"Wala naman. Hahaha." Gusto ko lang kasi siyang pagtripan.

"Ikaw talaga! Namiss mo naman ako agad eh. Nagluluto lang naman ako sa kusina." Napakamot naman siya sa batok niya.

Babalik na sana siya sa kusina nang tawagin ko siya ulit.

"Oh ano?" Halatang naiinis na siya. Natawa naman ako.

"I love you honey ko." Sabi ko sa kanya sabay kindat sa kanya. Napangiti naman siya at nawala yung pagkainis niya.

"I love you din honey ko." Nakangiting sabi niya na halatang kinikilig pa.

-

Isang malakas na mga palakpakan ang maririnig matapos ma-cut ni Zaireen at Zaya ang ribbon. Ngayon kasi ang opening ng bagong mall nila. Lumapit naman sa akin si Zaireen at akmang hahalikan ako pero inirapan ko siya.

"Oh bakit honey? May problema ba? Ang sungit mo nanaman. Mamaya maging masungit din ang baby natin." Sabay himas niya sa malaki kong tiyan.

"Eh bakit kasi nandito nanaman yang mga EX mo ha?" Nakasimangot kong tanong sa kanya.

"Kahit nung kasal natin nandun din silang lahat!" Dagdag ko pa. Hinila naman niya ako sa hindi mataong lugar.

Naalala ko kasi nung kasal namin nagulat ako dahil hindi pamilyar sa akin yung iba, hindi naman pinapakilala sa akin ni Zaireen. Sinabi lang sa akin ni Zaya na mga ex daw yun ng ate niya. Kaya naman unang gabi ng pagiging mag-asawa namin ay hindi siya nakatikim sa akin. Ng ano Demi? Sabat ng isip ko. Bahala na kayo mag-isip diyan! Tinulugan ko siya nun dahil nagtatampo ako sa kanya. Hindi man lang niya sa akin sinabi na invited yung mga ex niya.

Napatigil naman ako pag-iisip ng nakaraan dahil biglang nagsalita si Zaireen.

"Gusto ko kasi na makita nila yung mapapangasawa ko kaya inimbitahan ko sila nung kasal natin. Sorry kung hindi ko sinabi sayo baka kasi mamaya tutukan mo sila ng shotgun eh." Natatawang sabi niya. Napatango-tango naman ako.

"Eh bakit nandito din sila ha? Aber!" Nakapameywang kong sambit sa kanya. Napakamot naman siya sa batok niya.

"Eh para makita nila yung Misis ko na may dinadalang bata. Hihi. Proud na proud kaya ako sayo. Kaya gusto kong ipagyabang kita sa kanila." Nakangiting sabi pa niya kaya napangiti na din ako. Kinikilig na hinampas ko naman siya sa braso.

"Kainis ka naman honey eh!" Pabebeng sabi ko pa sa kanya. Natatawang hinalikan naman niya ako.

"Ate Demi! Ate Zaireen!" Masayang tawag sa amin ni Collin na tumakbo palapit sa amin.

Kinarga naman ni Zaireen si Collin, ako naman, pinanggigilan kong kurutin yung magkabilang pisngi niya. Parang kay Collin ko pinaglilihi yung anak namin ni Zaireen eh. Pinugpog ko naman ng halik ang mukha ni Collin. Humagikgik pa ito.

Payne Sisters Series: Demi LeiWhere stories live. Discover now