Chapter 6

8.8K 327 6
                                    

Demi Lei

Kung gaano ako kabilis na natanggal sa trabaho, ganun din kabilis na natanggal ako. Halos araw-araw ata akong napapagalitan ng manager namin, ang bago-bago ko pa lang daw tapos palagi pa akong nagkakamali sa mga gawain ko. Napahiya pa ako kanina, kasabay nun ang pagtanggal sa akin sa coffee shop na pinapasukan ko.

Napabuntong-hininga naman ako dahil ang dami kong problema. Ang dami ko kasing babayaran. Ayoko namang humingi ng tulong kay tita mommy maging sa mga kapatid ko mas lalong ayokong humingi ng tulong sa daddy ko.

"Oh bakit ganyan istura mo?" Tanong sa akin ni Candice na nasalubong ko.

"Wala. Madami lang ginawa." Pagsisinungaling ko sa kanya. Ayoko na kasing bigyan ko pa siya ng problema na pinoproblema ko. Nahihiya na din kasi ako kay Candice. Ang dami na niya kasing naitulong sa akin.

"Sige Candice. Mauna na ako sayo." Paalam ko sa kanya.

"Ay sandali, nandiyan pala yung kapatid mo. Inaantay ka sa tapat ng kwarto mo." Pahabol na sabi ni Candice sa akin. Tumango na lang ako sa kanya bago umakyat ng hagdan.

Naabutan kong nakatayo si Iris habang hinihintay ako. Nagpapadyak-padyak pa nga siya sa sobrang inis habang panay ang tingin niya sa relo niya. Hindi ko mapigilang matawa. Ayaw na ayaw kasi ni Iris na pinaghihintay ng matagal.

"Para kang sira!" Natatawang sambit ko sa kanya. Inirapan naman ako ng kapatid ko.

"Ang tagal mo kasi eh! Kanina pa kita inaantay dito." Kunot noong sabi pa niya.

"Bakit may problema ba?" Tanong ko sa kanya. Napailing naman siya.

"Sa makalawa na yung alis ko ate." Malungkot na sambit niya. Napabuntong-hininga naman ako. Binuksan ko naman yung pinto at pinapasok siya sa tinutuluyan ko. Akma sana akong maghahanda ng makakain pero tumanggi naman siya dahil busog pa daw siya.

"Bakit ang bilis naman ata ng pag-alis mo?" Nalulungkot kong tanong sa kanya.

"Si Dad eh..." Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Ginulo-gulo ko naman yung buhok ni Iris na ikinatawa niya.

"Mag-iingat kayo ni Aj dun ha? Wag munang magboyfriend okay? Mag-aral kayong mabuti. Tatawagan niyo ako ha?" Bilin ko sa kanya.

"Opo ate. Ikaw din ha? Mag-iingat ka dito. Wag kang magpapalipas ng gutom okay?" Tumango naman ako sa kanya. Niyakap naman ako ng kapatid ko.

"Ate, siya nga pala... pinabibigay ni mommy." Inabot naman sa akim ni Iris yung puting sobre. Binuksan ko yun at agad din na binalik sa kanya. Napakalaking halaga kasi ng laman nun.

"Pasabi kay tita mommy, wag ng mag-abala pa sa akin. Tsaka may sapat pa naman akong pera eh at nagwo-working student ako." Kahit ang totoo, wala akong sapat na pera at kakatanggal ko nga lang sa trabaho eh.

"Sige na ate. Tanggapin mo na." Pangungulit pa ni Iris.

"Iris... hindi na. Kaya kong buhayin yung sarili ko ng hindi naasa sa iba." Napakamot naman ng ulo si Iris.

"Okay." Pagsuko niya. Pinisil ko naman yun ilong niya dahil malungkot siya.

"Yung mga bilin ko ha? Wag mong kakalimutan." Tumango naman siya sa akin at yumakap.

"Mauuna na ako ate. Baka hinahanap na ako ni daddy." Hinatid ko naman sa baba si Iris.

"Ingat ka ate ha? Wag pababayaan yung sarili ha."

"Opo ate." Natatawang sambit ko sa kanya tsaka siya nagpaalam.

-

"Bakit hindi mo sinabi na tinanggal ka sa coffee shop?" Galit na tanong sa akin ni Candice.

Payne Sisters Series: Demi LeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon