Chapter 17

8.6K 344 33
                                    

Demi Lei

Habang busy ako sa pagbabasa ng mga email dito sa opisina ko, bigla na lang bumukas yung pinto. Ang bastos naman ng nilalang na yun. Hindi man lang marunong kumatok.

"Hi babe." Napakunot naman yung npo ko ng marinig ko yung boses ni Gio.

"Flowers for you." Hindi ko alam kung nakangisi siya o nakangiti. Nililigawan niya ako pero hindi ko siya sinasagot. Bakit? Hindi ko naman siya type eh kahit na gwapo pa siya tsaka sobrang kulit niya. Nagtatrabaho siya sa kabilang building, malapit lang dito sa building namin. Sabi nga ni Candice, mukha namang fuck boy si Gio pero totoo naman kasi yun ang sinabi ni Zaireen eh. Zaireen nanaman? Palatak ng isip ko. This past few days palagi kong naiisip si Zaireen. Hindi na nagpaparamdam yung babaeng yun. Diba ikaw ang may kasalanan Demi? Sabat ng isip ko.

"Uhhmmm... Sorry. Allergic ako sa flowers eh." Pagsisinungaling ko. Nagtakip pa ako ng ilong ko at umarte. Napakamot naman siya sa batok niya. Nakita niya naman na may basurahan malapit sa pinto, tinapon niya na lang yun basta-basta na parang wala lang sa kanya iyon. Napataas naman ako ng kilay. Mayabang na tumayo siya at lumapit sa akin.

"How about dinner babe?" Namungay pa yung mga mata niyang ang sarap tusukin. Hindi ko gusto ang pagkakasabi niya nun.

"No. I'm busy and stop calling me babe." Mataray na tanggi ko sa kanya at nag-abala na akong magbasa na lang ng mga email kaysa makipag-usap sa kanya. Pa babe, babe pa siyang nalalaman. Kinikilabutan ako. Hindi ko talaga gusto ang pag-uugali niya. Nung nagpunta nga siya sa site, may namamalimos na mga bata sa labas pero ang ginawa niya pinagalitan niya pa yung mga batang paslit. Ipapahuli pa nga sana sa guard eh pero pinigilan ko lang siya. Inis na inis din ako sa kanya nung inakbayan niya ako tapos nag fake laugh pa ako sa mga joke niya kasi nga alam kong nandun si Zaireen. Bakit ko ba yun ginawa? Aarrrgghh!

Narinig ko naman na nagring yung phone niyang hawak hawak niya palagi.

"Okay. I'm on the way. Wait for me." Tinignan ko naman siya habang nagsasalita. Nakangisi nanaman ang gago.

"I need to go now, Demi. Next time na lang siguro pag free ka." Mabuti pa ngang umalis ka na. Gusto ko sanang sabihin pero tumango lang ako sa kanya ayokong magsayang ng lawat sa kanya.

Ilang segundo lang ng lumabas na ai Gio pero may kumatok sa pinto kaya naman pinapasok ko.

"Ma'am, para sa inyo daw po." Sabi ng secretary ko.

"Sige. Salamat." Lumabas naman agad yung secretary ko.

Binasa ko naman yung nakasulat sa card. Kagat labing nagpipigil ako ng kilig. Bigla namang nagring yung phone ko, si Candice ang tumawag. Sinabi niya na hinahanap ako ni Zaireen. Pagtapos kasi ng lunch namin kanina sinabi kong didiretso ako dito tapos nagdahilan na din ako na masama ang pakiramdam ko kahit ang totoo ay naiinis ako kasi may ibang kadate si Zaireen. Natakam naman ako bigla sa cake tapos inamoy ko yung mga puting rosas.

Sa kanya kaya toh galing? Z lang kasi ang nakalagay kung saan ito galing. Pero kung sa kanya naman galing bakit niya ako bibigyan nito? Diba may iba naman siyang dinidate. Sigurado akong si Zaireen ang nagbigay sa akin nito tsaka yung box ng cake may tatak ng name ng bakeshop nila Samara eh, diba nga sister in law ni Zaireen si Samara. Sobra akong nacurious kaya naman lumabas ako at tinanong ko yung secretary ko.

"Ay, Kay Ma'am Zaireen Cruise po galing Ma'am. Pinabibigay niya po sa inyo dapat nga po siya ang magbibigay sa inyo eh pero sabi niya ako na lang daw po." Confirm! Si Zaireen nga.

Payne Sisters Series: Demi LeiWhere stories live. Discover now