Chapter 24

8.5K 327 23
                                    

Demi Lei

Halatang nasaktan si Zaireen sa mga nasabi ko sa kanya. Nasaktan ako nung makita ko siyang nasaktan. Gaga ka kasi Demi eh. Ikaw kaya may kasalanan. Sana kasi diba pinagbigyan mong magpaliwanag yung tao! Sabat naman ng konsensiya ko. Paano, eh selos na selos ka. Sabat naman ng kabila kong isip. Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Nakakainis. Namimiss ko yung babaeng yun!

"Uhhmm... Demi, okay ka lang?" Nakalimutan kong kasama ko pala si Gio. Inaya niya akong magdinner. Sa totoo lang, naiinis ako sa kanya. Napilitan lang akong pumayag dahil sa pangungulit niya tsaka naiinis din ako sa kanya dahil sa kayabangan niya sarap sapakin eh. Nagtitimpi lang ako kanina.

"Yeah." Tipid na sagot ko sa kanya at mabilis na inubos yung pagkain ko para naman makauwi na ako.

"Ang bilis mo namang kumain. Wag kang magmadali. Excited ka ata sa gagawin natin eh." Sabi pa niya sabay ngiting manyak. Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Ang sarap talagang basagin ng pagmumukha niya. Plastik na ngumiti ako sa kanya.

Pagkalabas namin ng restaurant, nakakapit siya sa may beywang ko na mas kinainis ko kaya naman inis na inalis ko yung kamay niya sa beywang ko. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto sa kotse. Ilang sandali pa'y pumasok na din siya. Nagtataka naman ako dahil hindi pa din kami umaalis kata naman bumaling ako sa kanya. Nahuli ko siyang titig na titig sa legs ko habang nakakagat labi pa.

"Pwede na ba tayong umuwi dahil inaantok na ako." Mataray kong sambit sa kanya.

"Sure." Sabi niya pero nakatingin pa din siya sa may legs ko na basta-basta na lang niyang hinawakan kaya naman agad ko siyang sinampal.

"Tarantado ka palang manyak ka eh!" Galit na sigaw ko sa kanya. Nakangisi naman siya at hindi ininda yung sakit ng sampal ko sa kanya.

"Palaban ka pala Demi. Gusto ko yan. Siguro wild ka din pagdating sa kama." Nakaramdam naman ako ng kaba at takot sa sinabi niya, unti-unti na din siyang lumapit sa akin kaya namab tinulak ko siya pero mas malakas siya.

"Pakipot ka pa. Promise mas masasarapan ka sa gagawin natin. Mas magaling akong magpaligaya kesa kay Zaireen." Madiing hinawakan niya naman yung magkabilang braso ko.

"Huwag! Walanghiya kang gago ka!" Galit na sigaw ko sa kanya ng akmang hahalikan niya ako sa leeg. Nagpumiglas ako pero hindi sapat ang lakas ko. Dinuraan ko naman ang mukha niya. Bakas ang galit sa kanyang mukha kaya naman isang malakas ang binigay niya sa akin. Kasabay nun ang pagtama ko sa harap ng loob ng kotse. Nakaramdam ako ng pagkahilo. Ngiting hayop naman si Gio na nagtatanggal na ng sinturon niya at unting-unting lumapit sa akin.

Pero bago pa siya makalapit, may biglang nagbasag ng bintana ng kotse niya kung saan siya nakapwesto. Narinig kong napamura pa si Gio. Isang galit na Zaireen ang nakita ko habang hinila niya sa buhok si Gio. Hindi ko alam kung ano na ang nagyari basta ang alam ko'y hinila palabas ni Zaireen si Gio.

Nagulat na lang ako ng bumukas ang pinto ng kotse. Nakita ko si Zaireen na bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Lumapit siya agad sa akin at agad akong niyakap. Naluluhang gumanti ako ng yakap sa kanya.

"Shhh... Don't cry. I'm here na." Medyo kumalma na ako dahil alam kong safe ako kapag si Zaireen ang kasama ko.

Pagkababa namin ng sasakyan, nabungaran namin si Zaya habang tinatali si Gio. Hindi ko alam kung matatawa ako sa ginawa ni Zaya. May malapit na poste kasi dito sa parking lot. Doon niya tinali si Gio. Natatawang kumaway sa amin si Zaya sabay baling kay Gio at biglang sinipa ni Zaya ang sandata nito. Napadaing naman sa sakit si Gio.

"Pasalamat ka yan lang ang ginawa namin sayo. Magtanda ka na ha!" Nakangising sabi ni Zaya. Lumapit naman siya sa amin.

"Okay ba yung ginawa namin Demi?" Natatawang tanong pa ni Zaya sa akin. Nakaakbay naman sa akin si Zaireen.

Binalingan ko naman si Gio, may takip pala ang bibig niya. May nakasuot pa sa kanya na sa tingin ko ay karton may tali iyon. Nakalagay ay. . . "Rapist po ako."

"Nararapat lang sa kanya yan para naman magtanda siya." Dagdag pa ni Zaya.

"Let's go home na. I'm sure Demi is tired." Seryosong sabi naman ni Zaireen. Tumango naman si Zaya.

-

"What happened?" Nag-aalalang tanong ni Samara pagkakita niya sa akin. Dito daw muna kami sabi ni Zaya.

"Bukas na natin pag-usapan. Pagod na si Demi." Sabat naman ng asawa niyang si Zaya. Naiintindihang tumango naman si Samara.

Nagtungo kami sa isang kwarto. Naupo naman ako sa kama.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Zaireen sa akin. Umiling naman ako. Nakaluhod siya sa harap ko. Hinawakan niya naman yung magkabilang pisngi ko.

"Sinaktan ka ba niya?" Napakagat labi naman akong tumango.

"Anong ginawa niya sayo??" Galit niyang tanong. Pinakalma ko naman siya.

"Hey, wag ka ng magalit. Sinampal niya ako."

"Paanong hindi magagalit eh sinaktan ka niya! Mamaya kung ano pang mangyaring masama sayo eh. Buti na lang at sinundan ka namin kayo ni Zaya."

"Wait. Namumula yang noo mo." Hinawakan niya naman yun kaya napadaing ako kaya dahan-dahan niyang hinawakan iyon.

"Masakit ba? Kukuha lang ako ng yelo ha. Magshower ka na muna. May damit na diyan sa may cabinet. Babalik ako." Sabi pa niya. Bago siya umalis, hinalikan niya ako sa noo.

Natouch naman ako sa ginawa ni Zaireen sa akin. Sobra ang pag-aalala niya sa akin at sobrang maalaga din siya. Ramdam ko ang pagmamahal niya. Nakonsensiya tuloy ako bigla dahil sa mga nasabi ko sa kanya.

"Uhhmmm... Thank you pala Zaireen." Sabi ko kay Zaireen habang hawak niya yung towel na may lamang yelo. Inilagay niya yun sa noo ko. Nginitian niya lang ako.

"Sorry din sa mga nasabi ko sayo." Nahihiyang sambit ko.

"Ayos lang. Ang mahalaga ay okay at ligtas ka na ngayon."

"Magpahinga ka na. Late na din naman." Dugtong pa niya.

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Nakaramdam na din kasi ako ng pagod at pananakit ng katawan ko. Kinumutan naman niya ako at tumabi siya sa akin. Niyakap ko naman siya, ganun din siya.

Naramdaman kong dumampi ang labi niya sa tuktok ng ulo ko. Kasabay nun ang pagpikit ng mga mata ko.

"I love you Demi." Narinig kong sabi pa niya. Napangiti naman ako sa narinig ko.

Kahit antok na antok ako at pikit ang mata ko, sumagot ako sa kanya.

"I love you too Zaireen."



I really love Zaireen Cruise. Gusto ko sa akin lang siya. Madamot na kung madamot pero sorry na lang, akin lang siya!

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Edi wow! Walang poreber! 😂😂

Ayyyy! 😂😂😂

-Bee :)

Payne Sisters Series: Demi LeiWhere stories live. Discover now