Two

26.2K 432 10
                                    

Jema's

Wala ako sa wisyo na naglalakad nang mabilis paalis sa lugar kung saan ko nakita si Deanna at si Bea. Napatigil ako nang mayroon akong nabangga. Agad akong humingi ng paumangin at nag focus na sa dinaraanan ko. Nanigas ako nang makita ko ang isa pang pamilyar na tao sa paningin ko.

Si Ponggay!

Bakit ba nagsisilabasan 'tong mga kaibigan ni Deanna?

Naglakad ako nang mabilis at nag-suot ng shades, kahit pa mukha akong tanga dahil nasa loob ako ng mall, ayaw ko lang na makilala niya ako pero nagkakamali ako, dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nabangga ko pa si Ponggay.

Lintek.

"Ouch!" Kapag nga naman minamalas ka talaga.

"S-sorry," I tried to change my voice but I failed. Nakilala niya pa rin ako kahit na iniiwas ko rin ang mukha ko sakaniya.

"Jema? Ikaw ba 'yan?"

Shet. Shet. Shet. Shet.

Halos mag panic na ang buong kalamnan ko nang makilala niya 'ko. Pero wala na akong magagawa. Ang kapal naman ng mukha ko kung pati ang mga kaibigan ng taong iniwanan ko, ay tatalikuran ko.

Tinanggal ko ang suot kong shades para makilala niya ako nang lubusan. I expected her to shout at me, slap me, get mad at me for leaving her best friend behind. But what she did was not part of my expectations. She hugged me.

"Jema, ang tagal ka naming hinanap." May halong pag-alala iyong boses niya. "Ang tagal mong nawala after you and Deanna broke up. Ever since the day that you disappeared, Deanna was worried. Halos hindi siya kumain nung araw na hindi ka namin mahanap. Puro lang siya iyak, buong araw siyang nagkukulong sa kwarto niya. She misses you so much-"

I cut her off. It pains me knowing what she did after leaving her. Deanna doesn't deserve someone like me.

"I'm sorry," I apologized. "I didn't know how much damage I caused her, hindi ko sinasadya. Masakit malaman na nagkaganoon siya nang iwanan ko siya. B-besides, she looks so happy and healthy now! I-I saw her earlier at the food court, she's with Bea." Tipid akong ngumiti sakaniya at binaba ang tingin sa sahig dahil sa hiya.

"You're definitely wrong, Jema. She's not healthy.. she's not even happy! Nagbago siya noong nawala ka. She changed when you left her. She changed, Jema.. a lot. At hindi na namin alam kung pano siya maibabalik sa dati niyang sigla." Nararamdaman ko ang lungkot sa boses ni Ponggay. Masaya ako na malaman na kahit papaano ay mayroon siyang natakbuhan noong mga panahon na lumisan ako.

"Ikaw lang ang kukumpleto sakaniya. You're her missing piece, Jema. I hope one day, you'll both find the courage to come back in each other's arms," I almost cried dahil sa sinabi niya. Hindi ko sinasadya na mangyari iyon sakaniya.

Akala ko noon, she'll be happy if I leave her. But then I realized, sino nga ba ang sasaya kapag iniwanan ka ng taong mahal mo at kumumpleto sa'yo? It was fault. I knew it was my fault. Hindi dapat ako sumuko nung mga panahon na napagod ako. Pero alam kong huli na ang lahat para bumawi pa sakanya.

"I appreciate you for telling me those, Ponggay. I'm glad to know that you were there when I left." Ngumiti ako sakaniya. "It was nice seeing you, I have to go." Akmang hahakbang na akong paalis nang pigilan niya ako at hawakan sa braso. I confusingly looked at her. But I was more confused when she was not looking at me. She was looking at someone behind me.

I turned around to see if who it was, and to my surprise, she was looking at Deanna.

Hindi niya dapat ako makita. Hindi pa ako handa. Pero paano ako makakatakbo kung hawak-hawak ako ng kaibigan niya? Fuck!

Deanna's

I don't know kung namalikmata ba ako kanina, o talaga siya iyong nakita ko? I sighed and laughed it off. Lungkot at pagod lang siguro 'to, kung ano-ano nang nakikita 'ko.

I felt my phone vibrated. There was a message from Ponggay.

From: Ponggay Gaston

D! I'm on my way back there. Naasikaso ko na iyong dapat kong asikasuhin. Sasama na lang ulit ako sainyo ni Bea. I'm almost there.

Buti pa siya ay babalik. Iyong ex ko kaya? Kaya niya ba akong balikan? Tatanggapin ko naman siya, e.

"Ate Bei, Ponggay just texted me, she's on her way na raw pabalik rito." I said to her habang nakatingin sa malayo.

"Uh, ako ba tinitignan mo o yung tao jan sa harap mo?" I just laughed at her. Sana bumalik 'yung totoong saya ko. Sana bumalik yung happiness ko.

Bumili nalang ako ng fries sa Potato Corner pati na rin soft drinks, ganoon din yung binili ni Ate Bea. After a couple of minutes of eating, we decided na hanapin na si Ponggs kasi 'di niya naman alam kung nasaan kami, at ang tagal din niya. So I texted her.

To: Ponggay Gaston

Pongga! Wru? We're waiting for you, uy! We are going to find you na lang. Ingat.

After that, naglibot kami ni Ate Bea. Sumakit na paa ko pero wala paring reply si Ponggay.

"Hey, Deanna! Ponggay is over there oh! Talking to someone," My heart beats so fast nang marinig ko iyonn, ewan ko ba, I felt something different. Paalis na iyong girl until Ponggay grabbed her hand because she's looking at.. me?

Tumalikod 'yung babae and I saw..

Jema?!

I was shocked. Hindi ko alam gagawin ko. She looks different, lalo lang siyang gumanda. After 2 years, we saw each other again. I walk towards them and hugged Jema.

I missed her.. so much.

"J-Jema.. Totoo ba 'to o nananaginip lang ako?" I whispered in her ear. I still couldn't believe it. She didn't answer my question. Poker face lang siya at narinig kong tumawa si Ate Bea.

"Deanna," She said in a cold voice. Kahit pa ganoon ang pagkakabigas niya ay ang sarap pa ein pakinggan na binanggit niya ulit 'yong pangalan ko. I missed her and her voice.

"Deanns, let go na. Hindi na makahinga si Jema," Ate Bea reminded me. Agad akong kumalas sa pagkakayakap sakaniya at nag sorry.

You can't blame me if I reacted that way.

"Ponggay, Bea. D-Deanna, mauuna na 'ko. May kailangan pa kasi akong g-gawin. I'll go ahead," Tumalikod agad siya at tumakbo pagkasabi na pagkasabi niya noon. Damn. Bakit ngayon pa kailangan mangyari iyon kung kelan kakakita lang namin? Bakit ngayon pa?

"Uhm, Deanna? We'll talk later, ha? Pag-uwi mo? This time, magsaya lang tayo. Just pretend na hindi mo siya nakita, please. Alam kong magiging reason 'to para mag overthink ka na naman.. so let's just have some fun tonight! Okay? Let's go!" After Ponggs said that, Ate Bea and her grabbed my hand to go to the cinema.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. I hope this is not the last time we would see each other, Jema. My love.

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now