Twelve

17.1K 330 12
                                    

Jema's

Hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin si Deanna. Hindi ko alam kung masyado bang malaki 'tong lugar na 'to o madilim lang kaya hindi ko siya mahanap.


"Fuck. Where are you?" Sinabihan ko na rin sila Jho na subukanh hanapin si Deanna. Pati na rin sa mga securities ay sinabihan ko sila.


I won't stop hangga't hindi ko siya nahahanap. I'm pretty sure she's just here somewhere. Mahahanap ko rin siya. Oo, tama. Ganoon naman palagi. Babalik din siya. Parang ako lang, babalik ako sakaniya. Tama, Jema, tama.




"Jema? Jema, gumising ka.." Nakaramdam ako ng mahihinang tapik sa pisngi ko. Nakatulog ba ako kahahanap kay Deanna? "Pawis na pawis ka raw sabi ni Deanna, hindi ka niya magising. Paulit-ulit mo rin daw sinisigaw ang pangalan niya sa panaginip mo."


Panaginip? Panaginip lang lahat ng iyon?


"Uminom ka muna ng tubig. Here," Iniabot sa 'kin ni Jia ang isang baso ng tubig. Agad ko rin na ininom iyon.

Nakalimutan kong mag e-mail sa Psychiatrist ko. Sana mamaya ay pwede siyang makipag-session kahit through online lang. Ngayon ko lang din naalala na ilang araw na akong hindi nakakainom ng gamot ko.


Nagpaalam ako kila Jho at Jia na maliligo lang ako saglit. Lumabas din naman sila ng kwarto, hindi ko pa nakikita si Deanna simula kaninang paggising ko.


After kong maligo ay namili na agad ako ng susuotin ko. Paniguradong lulusong kami mamaya sa dagat kaya nag suot ako ng swimsuit, color blue iyon. Nagsuot lang ako ng manipis na beach pants na color white na mayroong slit sa gilid. I tied my hair in a ponytail at ginawang headband ang sunglasses ko.

Lumabas agad ako ng kwarto para hanapin sila Deanna. Kaagad ko rin silang nakikita na nag b-breakfast.


"Ay, pak! Ang ganda!"

"Yuck, Deanna! Tumutulo na laway mo, oh!" Natawa silang lahat dahil sa pang-asar ni Bea kay Deanna. Nilingon ko ito at nahuling nakatitig sa 'kin pero agad din siyang nag-iwas ng tingin.

"Shut up," Rinig kong bulong ni Deanna kay Bea. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sa hiya.


Naghanap ako ng mauupuan ko para makakain na. Tanging ang bakanteng upuan lang sa tabi ni Deanna ang pwede dahil ang lahat ay okupado na. Napansin ni Deanna na nakatayo lang ako sa tabi niya kaya hinila niya ang upuan para makaupo ako.


"Thanks."

Para hindi ako mailang ay hindi ko na lang siya pinansin pa at nakinig sa mga kwento ng iba naming kasamahan. Isama mo na rin doon na tuloy-tuloy ang naging pag kain ko! Muntikan na 'kong mabulunan!


"Hinay hinay lang kasi. Oh," Kinilabutan ako sa bulong sa 'kin ni Deanna. Iniabot niya sa 'kin ang baso ng tubig at ngumiti lang ako sakaniya bago inumin iyon.


"Jema, dahan-dahan nga! Daig mo pa si Ate Ells sa pag lamon, oh!l" Asar sa 'kin nila Jho pero inirapan ko na lang sila. Tumawa pa dahil doon si Deanna.

Pagtapos namin kumain ay bumalik ako ng kwarto para kuhanin ang sling bag ko. Naroon kasi ang mga gamot ko. Kailangan kong inumin iyon. Bumalik ako sa pinagkakainan namin dahil naroon pa rin sila, pero wala si Deanna. Kumuha ako ng isang capsule at akmang iinumin iyon nang sumulpot si Deanna sa gilid ko.


"Ano 'yan? May sakit ka, Jema?" Intrigang tanong niya. Kaagad akong umiling dahil sa kaba.

"W-wala, ah! Candy lang 'to. Lately kasi.. nahihilig ako rito." Candy?! Hindi naman mukhanh candy 'tong gamot ko!

Expected ko nang hindi siya maniniwala sa sinabi ko. Ang hindi ko lang inaasahan ay nang kunin niya iyon at umalis! Natataranta ko siyang hinabol, hindi pwedeng hindi ko mabawi iyon. Bilang lang ang gamot na dala ko. Baka magkulang ako ng iinumin, mapagalitan pa ako.


"T-teka lang! Deanna! P-pagod na 'ko! Hingal na hingal na ako. Grabe ka naman magpahabol, eh!" Napahawak ako sa dibdib ko habang hinahabol ang hininga ko.


Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. Doon ko lang narealize na double meaning yata ang nasabi ko sakaniya. Para akong na-estatwa nang lumapit siya sa 'kin. Para akong nanghihina. Tinitigan ko ang kabuuan ng mukha niya. Maamo pa rin hanggang ngayon.

Bigla kong naalala ang panaginip ko tungkol sakaniya. Napaka imposible na panaginip lang iyon dahil pakiramdam ko, nangyari talaga iyon sa totoong buhay. Matagal na panahon na rin iyong huling beses na napanaginipan ko siya. Hindi ko lang akalain na mangyayari ulit iyon ngayon.


Napabalik ako sa ulirat ko nang may naramdamang basa sa mukha ko.

"Okay ka lang ba, Jema? Kanina ka pa kasi nakatayo riyan. Tulala pa," Si Ponggay pala. Winisikan ako ng tubig sa mukha, may hawak-hawak kasi siyang baso sa kamay niya.


"Nakita ko kayo ni Deanna na naghahabulan kanina. Hehe, cute. Pero bumalik na kasi siya roon sa table natin. Ayun oh!" Tinuro niya
si Deanna na naghahalungkat sa sling bag ko habang pinagtitinginan ng iba pa naming kaibigan.


Tumakbo ako papalapit sakaniya nang makita niya na iyong lalagyan ng gamot ko.

"Shit,"

Nakaupo na siya habang hawak-hawak niya na iyon. Sinubukan kong hablutin pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya roon sa lalagyan.


"A-ano ba?! Bakit ka nanghahalungkat ng bag? Hindi naman iyo 'yan! Akin na nga!" Inilayo niya sa 'kin ang gamot ko. Nakakahiya. Pinatitinginan na kami rito.


"Hindi 'yan candy, Jessica. Bakit ka may ganiyan?" I know she's really mad because she called me by my real name. "Alam ko 'yan. Bakit ka may ganiyan?"


"W-wala ka nang pake ro'n! Akin na sabi, eh!"



"Hindi ko 'to ibibigay sa 'yo hangga't hindi ka nagsasabi."

Same Old Love (GaWong)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن