Chapter 39

9.5K 175 32
                                    

Tots'

"Uy Tots, sigurado ka bang ikaw nalang ang magbabantay kay Jema? Nakakahiya naman."

"Ano ka ba, Ate Jovi. Ayos lang, wala rin naman kasi akong pagkakaabalahan, ako nalang muna dito. Sige na, baka ma-late na kayo sa pupuntahan niyo ni Mafe." Sabi ko kay Ate Jovi at ngumiti.

Simula nung umalis si Deanna, ako na ang nagbabantay kay Jema. Pero hindi ko pinapaalam na ako ang nagbabantay sakanya, dahil baka kung ano pa ang isipin ni Deanna. Miski sila Mafe, ayaw ipaalam sa girlfriend ng ate niya.

"Sige, salamat Tots ha? Mauna na kami." Pagkatapos nila magpaalam ay agad din naman silang umalis.

Kumuha naman ako ng mansanas sa may lamesa, at umupo malapit sa tabi ni Jema. Limang araw na ang nakakalipas nang makaalis si Deanna papuntang NY. Ang nakakapagtaka lang, sa pagkakaalam ko, wala namang problema ang kompanya nila. Bakit kailangan pa siyang papuntahin duon? O baka naman may importanteng bagay lang. Tsk.

Araw araw may pumupuntang nurse dito, hindi lang pala araw araw kundi minuminuto din. Chinicheck nila si Jema at puro may tinutusok sakanya.

"Hay nako, Jessica. Kung hindi nga naman talaga tatanga tanga." Sumbat ko sakanya kahit alam kong hindi niya ako maririnig, buti nalang kung hindi nahampas niya na ako.

Alam kong hindi sadya ang nangyari sakanya, well everything happens for a reason. And Im sure, there's a big impact ng reason na yun sa buhay nila pareho. Sa relasyon ni Jema and Deanna.

No matter what happens, I'll still be here for the both of them. As a friend of Jema and as an Ex-Bestfriend of Deanna. Ni minsan hindi sumagi sa isip kong agawin si Jema kay Deanna, only fools will do that to a friend. It's just that, I fell inlove with her without me even knowing. But that's unexpected and I already stopped myself from falling inlove with her because I know it's wrong.

Napatigil ako sa pag-iisip ko ng biglang may tumapik sa balikat ko.

"Ayos ka lang?" Si Jia pala, hindi ko napansin na nakapasok na siya dito sa loob. Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.

I offered her some foods na dinala ko kahapon. Good thing at tinanggap niya iyon at kumain.

"Tots, ako na ang humihingi ng pasensya sa lahat ng sinabi ni Deanna na hindi magaganda laban sayo." Nagulat naman ako ng bigla siyang magsalita.

"A-ah, ayos lang yun. Wag mo na isipin yun, kinalimutan ko narin naman na yun." Sabi ko at pinilit na ngumiti pero umiling iling lang siya.

"Ano ka ba, Tots. I know Im not Deanna, at wala ako sa lugar para magsalita para sakanya. Dahil hindi ko naman talaga alam ang totoong nangyari and besides wala naman akong balak alamin because I know it's too confidential. But whatever it is, I hope you too will be in good terms as soon as the both of you can." Saglit siyang tumigil para ngitian ako at nagsalita muli. "I... I just want to tell you thatc, please have more patience kay Deanna. Alam mo naman yun ma-pride." Natawa naman ako sa sinabi niya.

I know that I should be patient dahil iba ang ugali ni Deanna, at some times, she can be so high that you can't even reach her. And Im just a person too, I can be sensitive, I have feelings too. And I am hurt by someone who I treated like a sister to me.

Natahimik lang kami pareho at pinagmamasdan si Jema hanggang sa napatayo kami bigla dahil bigla siyang nanginginig.

"Tots, tumawag ka ng nurse!" Agad naman kong lumabas ng kwarto at natatarantang tinawag yung nurse at sinabi ang nangyayari kay Jema.

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now