Chapter 38

9.7K 190 21
                                    

Deanna's

"Cheer up Deanns, Im one hundred percent sure, that we'll get back here within a month. Okay? You'll get back to Jema, may mag aalaga naman sakanya diba? Think about Tito first, he's been waiting for you for a week now. Madami ng nasasayang na ticket na binook niya for the past days." Yeah. Hindi ako sumunod sa sinabi ni Papa na umalis last week. Pinuntahan ako ni Ate Kianna dito sa hospital at andito kami ngayon sa labas, naguusap. At hindi parin nagigising si Jema. "Please? He booked again for tomorrow. He's expecting us, your father is expecting you." Tinignan ko naman ng seryoso si Ate Kianns.

"I know Ate. But, I want to be here and I don't want to leave. What if, kung kelang umalis na tayo tska siya magigising? I want to be the first person for her to see once her eyes opened."

"I understand you, Deanna. I really do, but what will Tito feel? Kahit isang buwan lang. Kailangan ka niya." Yun lang ang huli niyang sinabi at kinuha ang kamay ko para ilagay duon ang plane ticket at umalis na siya.

Napa-sapo nalang ako sa noo ko. Tama si Ate Kianns, almost 7 plane tickets na namin ni Ate Kianns ang nasayang dahil ayoko ngang umalis. Pero sa mga araw na yun hindi ako nakarinig ng kahit anong sumbat sa Papa ko, hindi niya ako tinawagan o ano, bigla bigla nalang ako pupuntahan ni Ate dala dala ang ticket namin at ang maleta niya, but in the end she'll go home with her maletas dahil di rin naman ako papayag na umalis. She can go naman there kahit wala ako, pero ang sabi niya binilin ako ni Papa sakanya.

"Deanna? Bakit ayaw mo pang pumasok sa loob? Tara na. Kumain ka na rin tanghali na oh." Napaangat ako ng ulo at nakita ko si Ate Jovi na nakatayo sa harapan ko.

Hindi nalang ako nagsalita at isinandal ang likod ko, hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Naramdaman ko naman na umupo sa tabi ko si Ate Jovi at kinuha ang plane ticket sa kamay ko.

"Alam mo? Pumunta ka na ng New York, mabilis lang ang isang buwan. Kung sakali mang dumating yung araw na magising na si Jema, tatawagan ka namin. Umuwi ka. Simple lang yun. Pwede mo pa naman siya bantayan kahit nasa malayong lugar ka eh." Napatingin naman ako sakanya na kunot ang noo ko at bigla siyang ngumiti. "Ipagdasal mo siya. Yun ang pinaka-kailangan niya, Deanna."

Araw araw akong nagdadasal, na sana magising na siya at maging maayos na ang lahat. Pero parang hindi pa ito yung tamang panahon, kasi hindi pa siya nangyayari eh.

Halos hindi na ako nakakatulog dahil binabantayan ko lang siya, miski si Tita sinabihan akong magpahinga but I refused to. Gusto ko lang siyang titigan. Kahit na ilang linggo na siyang tulog. Ang weird ko ba? I really love Jema.

Kinakausap ko siya kahit alam kong hindi naman siya sasagot. Mukhang tanga, oo, pero umaasa lang ako na baka sakali, baka sakaling gumalaw siya bigla o bigla man lang magsalita dahil sa mga sinasabi ko sakanya. Kaso lagi akong nabibigo sa t'wing aasa akong mangyari yun.

"Tara na, Te? Balik na tayo sa loob, baka hinahanap na ako ng Jema ko." Nakangiti kong sabi para naman mapangiti din siya at hindi naman ako nabigo dahil hindi lang siya tumawa, hinampas pa niya ko. Grabe diba.

Pagka-pasok ko sa loob nadatnan kong kumakain sila Ate Jia at Mafe. Sila Ate Jho kasi umuwi na muna kanina, kasama ko din silang nagbabantay.

"Oh, kumain ka na, mukha kang bangag ang panget mo." Sinamaan ko naman ng tingin si Ate Jia pero tinaasan niya ako ng kilay kaya napa-ayos ako dahil siya ang mas nakakatanda at baka sapokin ako ni Jema pag ginanun ko si Ate Ji.

Dumiretso nalang ako sa tabi ni Jema at umupo sa may tabi niya, malaki naman yung hinihigaan niya kaya kasya ako pero syempre bawal siya tabihan matulog.

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now