Chapter 35

10.5K 199 15
                                    

Deanna's

"Ano ba kasing gagawin mo dun? Pwede naman kasi akong sumama, diba?" Tanong saakin ni Jema na kakatapos lang umiyak.

Tinawagan kasi ako ni Papa, kailangan ko daw sumunod sakanya doon for important matters. Hindi niya naman nabanggit kung ano yun, basta lang daw pumunta ako dun. Nauna na kasi siya sa NY 3 months ago. Hindi ko pa nasasabi kay Jema na si Papa ang nagpapapunta saakin dun.

"Mabilis lang naman ang isang buwan saatin bb. Tska kung sasama ka man saakin dun, wala rin tayong time para sa isa't isa, kaya please stop crying na ikaw." Sabi ko at hinimas himas ko ang cheeks niya pero agad naman niya rin tinanggal.

Hays, hindi mo malaman laman kung galit pa to o nagtatampo o gusto lang magpalambing eh.

"Ehhh. Ka-kasi naman e-eh, gu-gusto ko ng-nga ding umalis ta-tayong dalawa." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Gusto kong mag Ho-hong Kong tayong da-dalawa." Sabi niya ng humihikbi hikbi pa. Such a cry baby.

"Then we'll go to Hong Kong after a month. We'll go there when I come back bb, okay?" Sabi ko pero umiling iling naman siya.

Ako din naman, ayokong umalis ng hindi siya kasama, ayokong iwan ko siya dito pero kailangan eh. Ayoko namang ma-disappoint saakin si Papa kapag hindi ko siya sinunod, at para saamin din naman ni Jema yun eh kung bakit kailangan kong sumunod kay Papa doon at magstay ng isang buwan.

"Sama nalang ako. Please, please, pleaaaaase?" Sabi niya habang magka- intertwine yung dalawa niyang kamay na para bang nagmamakaawa saakinz

How can I resist this girl? Pero kailangan kasi eh.

"I really want you to come with me, kung pwede nga lang I won't leave and I'll stay here, kaso hindi po pwede." Napa-buntong hininga nalang siya. Pag ganyan yan siya, suko na yan at hindi na magpupumilit pa.

"Fine." Sabi niya at lumabas dito sa kwarto. Susundan ko na sana siya kaso bumalik ulit.

"Mag-grocery pa tayo diba? Let's go." Tumango ako at kinuha na ang susi ng kotse ko.

Pagkadating namin ng parking lot, as a gentlewoman pinagbuksan ko siya ng pinto. Sa buong byahe namin papuntang Supermarket, hindi niya ako kinikibo. Well, paano niya nga naman ako kikibuin eh hindi ko rin naman siya kinakausap. Aish.

"Deanna, when will you be leaving?" Parang nalungkot ako sa sinabi niya. Why is she interested? Gusto niya na ba akong umalis?

Saktong naka red ang stoplight na malapit na sa supermarket, hinarap ko siya at ganun din siya saakin.

"Why? Do you want me to leave na ba?" Kunot noo kong tanong sakanya but she just chuckled.

"Baliw. Is there anything wrong ba if tinanong ko yun?" Tanong niya kaya umiling naman ako kasi tama naman siya, walang mali sa tinanong niya. Maybe, Im just offended?

Nag go naman na kaya pinaandar ko na yung kotse at lumiko sa may parking lot ng supermarket para ipark ang kotse. Pagka-park ko, nauna namang bumaba itong kasama ko at nauna ng pumasok sa loob. Topak.

Sinundan ko lang siya papasok, kumuha siya ng cart at pumunta agad sa may junk foods section. Hindi naman yang ang pinaka-kailangan namin eh, ulam kaya.

"We don't need those." Sabi ko sakanya, tumalikod naman siya at humarap saakin at tinaasan ako ng kilay.

"I'll pay for these. Go get your own needs." Pagkasabi niya nun ay kinuha niya agad yung tatlong chichirya na nasa harapan niya. Stubborn.

Hinayaan ko nalang siya kung anong gusto niyang kunin at ako naman naghanap ng makakaain namin mamaya at baka wala kaming makain pang-hapunan, baka iulam namin sa kanin yung mga junk foods na binili netong si Jema.

Habang naghahanap ako ng lulutuin para mamaya may tumawag naman saamin kaya tumalikod ako para tignan kung sino yun.

"Deanna."

"Ate Kianna?" She's back? Kelan pa? Alam na kaya nila Ate Jho tska Ate Bea to? I mean...

"Hindi ka naman nakakita ng multo, Deanna." Natatawa niyang sabi at hinampas ako. "So, you naman na close si Dad at Papa mo diba? Are you going to New York?" Nagtaka naman ako kasi how did she know? I mean, alam niyang pinapapunta ako ni Papa?

"Alam mo yun, Ate Kianns?" Nag-thumbs up naman siya saakin at ngumiti.

"Tito needs you, Deanna. Im going back there next week, sumabay ka na saakin, I'll book na rin kasi tomorrow." Hindi ko muna siya sinagot at nag-isip isip.

"Oh, pano? Sabihin ko nalang kay Tito na, nagkita tayo ah? Kay Tito ko nalang kukunin number mo, Deanns. I have to go na, bye." Sabi niya at nag beso siya saakin bago tuluyang umalis.

Wala namang nabanggit saakin si Papa na he really needs me ah? Ang sabi niya lang, kailangan kong pumunta dun para samahan din siya. Hindi ko nalang muna inisip yun at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Matapos kong makuha lahat ng kailangan ko, hinanap ko si Jema pero hindi ko siya makita. Binalikan ko din siya kanina sa section kung saan ko siya iniwan pero wala na siya dun. Tinignan ko naman ang phone ko at 5pm na, wala naman siyang call or even text man pang paano ko malalaman kung nasaan na yun? Kanina pa ako naglilibot dito.

"Ma'am?" Lumingon naman ako sa nagsalita at nakita kong isang malaking lalaki, mukhang bodyguard.

"Bakit po?" Tanong ko sakanya.

"Kayo po ba ang kasama ni Ms. Jema Galanza?" Tanong niya rin saakin kaya tumango naman ako.

"Nandoon po siya sa may restaurant, pinapatawag niya po kayo saakin at yung kasama niya." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi nalang ako nagtanong pa at sinabihan na susunod ako pagkatapos kong bayaran ang mga pinamili ko.

Matapos kong bayaran ay dumiretso na agad ako sa resto na sinabi nung lalaki kanina, malapit lang naman din dito yun, pagkalabas mo nandun na agad sa kaliwa.

Habang papalapit ako, natanaw ko maman si Jema na nakaupo, mukha ngang may kasama siya dahil may nginitian pa ito. Sinong asungot nanaman kaya ang hinihintay neto? Pumasok na ako sa loob ng resto, hindi ata ako napansin ni Jema kaya nilapitan ko nalang siya.

"Babe." Lumingon siya saakin pero parang wala lang ako sakanya. Blanko ang ekspresyon ng mukha niya, hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isipan neto.

Na estatwa naman ako sa nakita ko. Nagpakita pa pala siya? Siya ba ang kasama ni Jema? Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba tapos na at maayos na ang pinagusapan namin.



























"Deanna Wong, nice to see you again."

Same Old Love (GaWong)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें