Nine

18.7K 328 16
                                    

Jema's

Hanggang ngayon ay namumula pa rin ako sa sobrang hiya. Bakit ba inakala kong hahalikan niya 'ko kanina sa kotse?! Ang tanga lang!

"Bakit ka hahalikan eh hindi naman kayo! Siraulo!" Inis kong pinitik ang noo ko habang binubulong iyon.

"Hey, okay ka lang?" Napatalon ako nang magsalita si Deanna sa gilid ko. Katabi ko nga lang pala 'to!

"O-oo! Hehe," Napakamot ako sa ulo ko. Sinundan ko na lang siya papasok.

Inalala ko rin iyong tawag sa 'kin ni Jho kanina. Tinatanong kung anong oras daw ang alis ko bukas. Nakakapagtaka lang dahil akala ko siya ang nag suggest kay Deanna na sumunod ako ngayon. Ibig sabihin, hindi nila alam?

"Hala! Jema?!" Si Ponggay ang unang nakakita sa 'kin kaya lahat sila lumingon na! Nakakahiya naman!

"Huy!" Hinili ni Jho ang laylayan ng hanging blouse ko at hinila ako palayo. "Bakit nandito ka? Hala ka. 'Di ba bukas pa? Ano ka na, 'te! 'Yung dapat na i-susurprise mo, siya pa nag sama sa 'yo rito!"

Sunod-sunod ang naging pagkamot ko sa ulo ko. Hindi nga nila alam talaga! Kung alam ko lang sana hindi ko na lang sinagot iyong tawag ni Deanna kaninang umaga! Sana hindi na lang ako pumayag na sumama!

"Malay ko ba! Akala ko ikaw ang nag suggest sakaniya na isama ako ngayon. Ayon pala hindi! Huwag ako sisihin mo! Si Deanna!" Pasigaw kong bulong sakaniya. Wala na kaming ibang nagawa pa. Biglang sumulpot si Deanna sa tabi namin ni Jho.

"Are you guys fighting? Anong meron?"

"Wala, leche ka. Chismosa ka. Tara na, balik na tayo ro'n! The show's over!" Pareho kaming hila-hila ni Jho sa manggas ng damit namin.


"Grabe! Ako lang ba matitira mag-isa? Walang katabi? Ang sakit niyo naman sa puso!" May isang babaeng kasama kami. Medyo maliit siya sa 'kin. Parang familiar siya pero hindi ko matandaan.

"Sign na 'yan, Ate Ella! Maghanap ka na ng iyo! Tanders ka na!" Ella! Ella de Jesus yata? Kaibigan din nila Jho 'to. Bihira ko lang kasi siya makita noon na kasama ni Deanna.

Business Class ang kinuha ni Deanna para sa 'ming lahat. Ate Ly-Jho-Bea-Ella, Jia-Ako-Deanna-Ponggay. Ayan ang naging arrangement namin. Nahihiya ako dahil ako pa ang nakatabi ni Deanna rito sa gitna.


"Do you want to sit her beside Ate Jia?"

"Gusto mo ba magpalit kami ni Ponggay?"

Napatingin sa 'min si Jia nang sabay namin tanungin ang isa't isa. Napatitig lang ako sakaniya havang kinukutkot ang daliri ko sa likuran ko.

"No, it's fine na." Pilit siyang ngumiti kaya tumango na lang ako.

Umupo na ako habang siya ay abala sa pag-ayos ng bagahe niya. Naramdaman ko ang pagkalabiy sa 'kin ni Jia. Ngayon ko na lang siya ulit nakita. Noong huli ko kasi siyang nakasama ay hinatid namin siya ni Deanna sa airport noong nag ibang bansa siya. I'm happy I'll be able to spend time with her, isa siya sa pinaka-close ko nang dahil kay Deanna.

"Anong eksena iyon?"

"Wala. Ganoon talaga kapag meant to be," Pagbibiro ko. Sana lang ay hindi narinig ni Deanna.

"Ano ba, Beatriz. Umayos ka nga!" Hanggang dito ay naririnig ang bangayan nung dalawa.

"What? I'm just stretching! Ang sikip-sikip, oh!"

"Oh, edi ro'n ka sa tabi nung Piloto!" Napailing na lang ako sa dalawa. Sila ang bubukod tanging maingay rito sa eroplano. Pinagtitinginan na tuloy sila ng mga ibang pasahero.

Kailangan ko pa pala silang makausap mamaya kung ano nang dapat naming gawin.

Hindi ko namalay na naka-upo na pala sa tabi ko si Deanna. Walang balak na kausapin ako dahil nakalagay ang airpods niya sa tainga niya habang natutulog. Ginaya ko na lang din siya at natulog. Hindi naman gaano katagal ang byahe papuntang Palawan.

Wala pa sigurong sampung minuto nang may tumapik nang dalawang beses sa pisngi ko.

"Aray naman,"

"Sorry for waking you up," Napatingin ako sa kay Deanna sa tabi ko. Mayroong pagkain sa harapan niya kaya tinignan ko ang akin, mayroon din. "You should eat now, hindi ka pa yata nakakapag lunch."

Ayaw kong magsalita hindi dahil ayaw ko siya kausap. Ayaw kong magsalita kasi kagigising ko lang. Delikado na kapag may lumabas na hangin sa bibig ko. Better to be safe than sorry.


"Ano food mo, mars?" Biglang sumulpot ang ulo ni Jho sa harapan ko! Muntik pa 'kong mabulunan! "Yuck!"

"Ginagawa mo rito? Mahiya ka nga. Kumakain ako tapos susulpot ka riyan, kabute ka ba? Naaasiwa ako sa mukha mo, 'te. Alis!"

"Dapat ba akong ma-offend?" Bulong niya sa 'kin habang palihim na kumukuha sa pagkain ko. "Usap tayo mamaya ah. Sige na, bawal tumayo eh! Kapag ako nahuli ni ate ikaw sisisihin ko."

Inirapan ko na lang siya bago ituloy ang kinakain ko. Aalukin ko sana si Deanna kaso natutulog na pala ulit siya nang lingunin ko.

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now