Chapter 46

9.1K 190 13
                                    

Jema's

"Matagal na ba kayong magkakilala ni Celine? Iba kasi yung tingin niya sayo kanina eh. Kung ayaw mong sagutin ayos lang din." Tanong ko kay Deanna pero bigla siyang natigilan at tinignan lang ako.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa tanong ko. Yun yung itsura niya ngayon.



"Si Celine? A-ah! Y-yeah, she's my f-friend simula nung dumating ako dito. Na-naging close kami. Anak siya ng isa sa mga kaibigan and investors ni P-papa." Uutal utal niyang sagot sakin at iniwas ang tingin sabay inom ng Iced Tea niya.



"Ilang araw kayong mags-stay dito, Jema?" Tanong niya at sumubo ng pasta na in-order niya.



"Isang linggo lang kami dito." Plain kong sagot sakanya kaya tumango lang siya.




Malapit na kaming matapos kumain at simula kanina, hindi na ulit kami nagusap pa. Wala din naman ni isa samin gustong magsalita eh, kaya hinayaan ko nalang din, okay na sakin na kasama ko siya.




Lumabas na kami ng resto. Naramdaman kong hahawakan niya na dapat yung kamay ko kaso biglang nag-vibrate yung cellphone ko kaya kinuha ko yun sa bulsa ko.

Tots Calling...

Si Tots pala yung tumatawag. Nilingon ko naman si Deanna na ngayo'y nakatingin sa daan at sinagot yung tawag.

OTP:

"Hello, Tots? Napatawag ka?" Bungad ko sakanya.

"Bakit? Masama na bang tawagan ka ngayon?"

"Hindi! Baliw ka talaga! Oh, eh bakit nga kasi? Miss mo na ako 'no?"


"Sobra." Matamlay niyang sagot mula sa kabilang linya, talaga tong bestfriend ko oh.


"Dapat kasi sumama ka nalang din saamin eh, ayan tuloy mag-isa ka lang jan kasama ng mga patay gutom nating kaibigan." Natatawa kong sabi, nagulat naman ako ng may biglang sumigaw.


"Punyeta ka, Jessica Margarett! Sinong patay gutom?!" Si Ate Ella pala. Sakit sa tenga nun ah.


"Ayan, buang kang yawa ka ah. Naka-loudspeaker ka kaya!" Rinig ko namang sigaw ni Jia. Tsk. Mahal talaga ako netong mga to.


"Natamaan naman kayo sa patay gutom! Truth hurts talaga eh, 'no." Pang-aasar ko pa sakanila.


"Ayaw ka ng kausapin, Jema. Nabadtrip na yata sayo yung dalawa." Asar talo.


"Hayaan mo sila Tots. Sige, ibababa ko na ah? Baka kasi madapa pa ako, naglalakad kasi ako eh."


"Sige, ingat ka ah? Wag magpapalipas ng gutom at matulog lagi ng maaga. Tatawag ako mamaya sainyo ni Ponggay." Magsasalita na sana ako kaso bigla kong naramdaman na natapilok ako kaya napapikit ako.



Teka, akala ko ba natapilok ako? Bakit parang hindi naman?




"Sa susunod, tignan mo yung dinadaanan mo. Puro ka telepono. Ako naman yung kasama mo." Dinilat ko naman yung mga mata ko at nakita ko si Deanna na nakatingin saakin ng seryoso habang hawak ng kanang kamay niya yung waist ko.




Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now