15 : Why can't he

60.8K 3.3K 777
                                    


     

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     

     Natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa buhangin habang nakaharap sa mga alon na humahampas sa dalampasigan. Tumatalsik sa akin ang tubig-dagat ngunit wala ito sa akin. Patuloy lang ako sa pag-inom mula sa hawak kong beer, dinadama ang malamig na hangin at pinagmamasdan ang madilim na karagatan at kalangitan.

      "Andito ka lang pala B1." Naupo si Slade sa tabi ko. "Kung saan-saan na kita hinanap, akala ko sumali ka na talaga sa kulto."

       Hindi ko siya kinibo, nanatili akong nakatitig sa karagatan. Ni minsan hindi pa ako nalunod pero parang alam ko na ang pakiramdam kung paano unti-unting lumubog sa tubig nang kawalan nang walang sinuman ang dumarating para sagipin ako. Lagi akong binibitiwan. Hinahayaang malunod. 

      "Tinanggal mo na ang wig mo? Andaya!" Natatawang reklamo ni Slade nang makitang nasa bulsa ko ito. Gaya ko, tinanggal na rin niya ang wig niya at inilagay ito sa kanyang bulsa. May kalakihan kasi ang mga bulsa sa polo na suot namin.

      "Hindi ka kumikibo ah?" Tanong niyang muli kaya napaangat na lang ako ng magkabila kong balikat.

       Ano pa bang sasabihin ko kung wala akong masasabi?

       "You okay Rei?" tanong ni Slade at mula sa gilid ng mga mata ko, nakita kong humarap siya sa akin. Hinilig pa niya ang ulo niya para makita ang mukha ko.

        "Oo naman!" Giit ko sabay irap sa kanya.

         "Hindi ka okay eh?" pangungulit niya pa.

         "I'm okay. I'm really okay. I'm Reika De Juan for the love of God. Ba't ako hindi magiging okay dahil lang sa isang lalake?" Napailing ako at natawa. "Lalake na lalake rin ang hanap!"

      Napainom ako ulit mula sa maliit na bote ng beer na hawak ko. Napakapait nito pero parang normal na sa dila ko. Uminom ako nang uminom hanggang sa wala nang natira. Tumingala pa ako sabay taas ng bote, umaasang may kaunting patak pa akong makukuha.

       "Akin na 'yan, mamaya mabitawan mo 'yan at bumagsak pa sa mukha mo." Biglang inagaw ni Slade ang bote.

       "No! May patak pa yan!" Bulyaw ko sa kanya. Aagawin ko pa sana ito sa kanya pero bigla niyang itinaas ang bote para lang mailayo ito sa akin.

      "Kahit sobrang konti na lang, pagta-tiyagaan mo pa rin?" He looked at me like he was judging me. 

       "Are we still talking about the beer?" I couldn't help but ask.

        Before Slade could answer, I stood up to get another beer from the bar. But before I could take another step, Slade pulled me down, making me sit right beside him again. 

       "You drank one bottle already. Just sit down the sand and don't move otherwise you'll be all nauseous and woozy," he said authoritatively, like a concerned big brother. Pareho sila ni Silver na parang ang titino kung umasta. It also reminded me of how Magno acted the first time I got to drink beer. 

The Rebel's RivalWhere stories live. Discover now