54 : Threats

49.6K 2.9K 2.6K
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ever since Slade returned to Filimon Heights, bumalik na rin si Silver sa bahay na dati naming tinutuluyan para raw may kasama si Slade doon. Sa kabila nito, lagi ko naman silang binibisita at ganoon din sila sa amin lalo't isang sakayan ng jeep lang naman ang kailangan.


"The hell are you doing here?" Halata ang gulat sa mukha ni Silver nang madatnan niya kami ni Slade sa sala ng bahay nila, nanonood ng TV. Nasa sahig kami at nakasandal sa sofa; nakaupo ako samantalang nakahiga ang demonyo at ginawang unan ang hita ko. 

"Get lost." Kaswal na bulalas ni Slade, ni hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kapatid, at ni hindi binibitiwan ang kamay ko.

Silver looked at me questioningly, even pointing Slade and I. Even if she didn't say anything, I understood what she meant so I nodded and smiled to confirm. 

The look of Disgust and Horror in Silver's face was priceless. She even acted like she was gagging. Natatawa kong pinulot ang isa sa mga inan at binato siya nito kaya agad nagtatakbo papunta sa kusina ang elemento.

"Hey, Silver's here. Uuwi na ako." Paalam ko.

Mabilis na umupo si Slade at humarap sa akin. "Tara, hatid na kita."

"Huwag na." Giit ko. "Baka maghinala na si Mommy."

"Akala mo ba ayaw mong isikreto 'to?" Slade asked calmly.

"We'll wait for the right time, okay?" Paalala kong muli kaya napabuntong-hininga siya at tumango. 

He cupped my face jokingly as he pressed his lips on mine. I held my head high and answered his kiss. I felt his lips smile as it continued to brush against mine. 

"You guys are disgusting!" Umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Silver habang papatakbo ito sa hagdan.

"Hey! Dinner's ready kumain ka muna!" Sigaw ko sa kanya.

"Wala na akong gana!" Sigaw pa nito kaya nagtawanan kami ni Slade.


Nang makauwi, bumungad agad sa akin ang message mula sa kanya.



Reika's Guy:

Bahay ka na?


Reika:

Yup

How's silver?


Reika's Guy:

Pinagbantaan ako hahaha

told me she'll kill me if i break your heart

which i wont

The Rebel's RivalWhere stories live. Discover now