28 : The Meddler

53.4K 3K 1.2K
                                    

#TheRebelsRival

#TheRebelsRival

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


11:36 PM


Unknown:

Gising ka pa?


Reika:

New phone who this?

Unknown:

Apollo


Reika:

Apollo who?


Unknown:

Nandito ako sa labas ng bahay nyo


Reika:

I'M WAITING FOR THE DAMN JOKE


Unknown:

I'll be waiting


Reika:

Keep on waiting, mauunahan ka talaga kay Piper


Ngunguto-nguto akong bumangon mula sa kama at dahil naka-ternong pajama lang ako at tinatamad nang magbihis, kinuha ko na lang ang black jacket ko at sinuot ito. Sobrang bigat ng pakiramdam ko sa paglalakad, siguro dahil narin mabigat pa ang talukap ng mga mata ko sa kakaiyak.

Hatinggabi na at tulog na ang lahat ng mga kasambahay, pati si Magno na nasa kabilang kwarto, kaya naman dahan-dahan ako sa paglabas. Ngunit saktong pagdaan ko sa gate, nagsimulang pumatak ang ulan. 

Paglabas ko, nakita ko agad ang lumang kotse ni Apollo sa ilalim ng streetlight. Well technically hindi ito kay Apollo, bigay ito sa kanya ng ama ni Denver para mahatid niya ito kung saan-saan. 

Suot ang malaking tsinelas ng isa sa mga helper ni Lolo, nagtatakbo agad ako patungo sa passenger seat ng sasakyan. Dali-dali akong pumasok at pinunasan ang ulo at mga braso kong nabasa ng ulan. "Langya ka talaga pol, pwede naman kasing text!"

Pinunasan niya ang noo ko gamit ang isang panyo at nang akmang aagawin ko ito mula sa kanya, otomatikong naglaho ang ngiti sa mukha ko nang makitang hindi ito si Apollo.

"You lying son of a bitch." My voice came out as cold as Silver's as I glared at Slade on the driver's seat. No Apollo in sight.  

"Reika please gusto lang talaga kitang makausap," pakiusap niya na akala mo kung sinong maamong tupa. Nakalimutan na siguro niya na isa siyang demonyo.

The Rebel's RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon