68 : Nightfall

51.7K 2.7K 1.7K
                                    

Chapter Theme: Rescue Me - One Republic

Chapter Theme: Rescue Me - One Republic

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Reika?! Akala ko next month pa ang uwi mo?"

Mom looked so surprised when I came back to Filimon Heights earlier than expected. Agad niya akong niyakap nang mahigpit at ganun din ako sa kanya. I wanted to tell her the truth but I wasn't sure what was going on too. All I knew was that I had to come home.

"Something came up." I smiled and reverted my attention to Drummer who was running down the stairs with a big smile on his face. I guess he was in the middle of his bath since he was only on his underwear.

"Ate! Ate! Ate!" he kept screaming and giggling happily. 

"Drummer! Don't run!" sigaw naman ni Dad na nakasunod habang may dala pang tabo.

Sinalubong ko si Drummer sa hagdan sabay dipa ng mga kamay ko. Tumalon naman agad ito patungo sa akin at yumakap nang mahigpit. Hinalikan ko at pinanggigilan ang pisngi niya kaya para itong kwitis na nagpumiglas habang tawa nang tawa.

"Buti naman at umuwi ka na!" Natatawang yumakap si Daddy sa amin ni Drummer sabay halik sa noo ko.

"Baho daddy!" sigaw ni Drummer at tinulak ito palayo. Natawa na lang kami.

"Si Slade pala?" tanong ni Mommy. "Nakita ko silang nag-promote sa noontime show kahapon."

"Oo nga? Asan ang batang 'yon? Hanggang ngayon di pa rin ako binibigyan ng bago nilang album," pabirong reklamo ni Dad. "I heard their songs on the radio, pretty good," dagdag pa niya sabay halakhak.

I smiled proudly. I will never not be proud for Slade's accomplishments. Saksi ako sa lahat ng pagsusumikap niya, pati na rin ng Wave Syndicate.

"They're still busy with the album promotions. Simula na po ng tour nila next week. Minsan lang siya mapayagan ng parents niya na mag-leave para sa Wave Syndicate kaya tatapusin na lang muna niya ang nasimulan niya," I explained.

"Kailan uuwi si Kuya Slade?" Drummer pouted. He looked so disappointed. Palibhasa sobrang close na rin nila.

"Soon, little bean. Don't worry, pagbalik ni Kuya Slade marami siyang dalang pasalubong para sa'yo." I kissed him again, trying to make him less sad.

"Si Ate Silver?" He pouted even more. 

"Soon." I smiled. Naawa ako sa kapatid ko.

"Eh si Kuya Wee-wee?" Paiyak na niyang tanong.

Nawalan ako ng lakas para ngumiti. Hinalikan ko na lamang siya sa pisngi at inabot kay Daddy. "Ligo ka na, baho mo na."


Umakyat ako sa kwarto ko dala ang mga maleta ko. Naupo ako sa kama at kinuha ang cellphone kong naka-airplane mode pa. Nang mabalik ko ito sa dati, agad na dumating ang mensahe mula kay Slade.

The Rebel's RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon