17 : Buddies

49.1K 3.1K 788
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


11:43 AM


Villacorta #2 :

Musta?


Reika:

Ano na naman Slade?


Villacorta #2: 

Sungit kala mo cute


Reika:

Cute was never my thing to begin with


Villcorta #2:

Nagpapa-cute naman lagi kay Riley


"Hayop." 

Namilog ang aking mata nang mapagtantong nasabi ko ito nang malakas. Lahat sila ay napalingon sa akin, pati na ang professor na nakaupo sa kanyang desk.

Dahil nasa pinakalikurang upuan, lahat sila nakalingon sa akin. 

Napaayos ako bigla nang upo. Wala na akong lusot kaya tumango-tango na lang ako sabay ngiti na para bang isang maamong tupa hanggang sa bumalik sila sa kanya-kanya nilang ginagawa. 

Nang mapatingin akong muli sa aming professor, umiling-iling siya na para bang dismayado. Ano pa bang bago?


Nang tumunog ang bell, lumabas agad ako ng classroom at nagtungo sa cafeteria. Tiyak kasing marami na namang mga estudyante at mag-aagawan na naman kami ng mesa. Baka mamaya maubusan pa kami ni Silver ng mauupuan tapos saktong andun sina Piper tapos yayayain niya kaming sumabay sa kanila—Ayoko!

Pagpasok sa cafeteria, nakahinga ako nang maluwag nang makita si Silver sa pandalawahang mesa at tahimik na kumakain. Gulong-gulo ang buhok nito at parang pagod na pagod. 

"Anatomy again?" Tanong ko nang maupo sa tapat niya.

"No. Something worse." Aniya nang hindi man lang ako tinitingnan. 

The Rebel's RivalWhere stories live. Discover now