CHAPTER 6

73 1 0
                                    

BINAYBAY nila ang hallway patungo sa canteen ng school at as usual lahat ng makakakita sa kanila ay may nasasabi at kulang nalang ay ivideo sila... She sighed about that...

Kahit naman kasi anong pilit niyang umiwas sa binata nahahanap pa din siya nito and now.. Here she was... With him and together with the fame he had...

Nadatnan nila ang maingay na canteen ngunit tila may dumaang anghel ng dumating sila dahil natahimik ang lahat... Narinig niya ang pagtikhim ng kasama niya at ang paghila sa kaniya papalapit rito... Napasinghap nalang siya ng hawakan nito ang bewang niya at basta nalang siyang hinila papunta sa isang tila nakareserbang lamesat upuan para sa binata dahil walang umuukopa niyon kahit halos wala ng maupuan ang ibang nagmimiryenda..

Pag-upo nila ay siya namang lapit ng marahil ay isang staff ng canteen at ang kasama niya ay agad na umorder ng heavy meal for breakfast na kaagad niyang tinutulan... She doesn't want to eat at breakfast and it was her hobby pero wala siyang nagawa ng mailista na ito ng babae...

She gave him a stare na alam niyang mang-iinis dito... At hindi nga siya nabigo dahil matalim na ang pagkakatingin sa kaniya ng binata...

"What?!"iritado nitong tanong at humalukipkip pa pagkatapos sumandal sa back rest ng inuupuan nito...

"Why did you drag me here?"tanong niya dito sa inis na tono.. Ngumisi lang ang binata sa tinanong niya kaya naman lalong naginit ang ulo niya...

"You know what?" Sabay sukbit niya sa bag niya at handa ng umalis... "Hindi mo ako pwedeng basta basta nalang hilahin kung saan mo gusto dahil hindi ako aso naiintindihan mo?"inis niyang sabi dito at akmang tatayo na ng maagapan ng binata at agad hinila siya at iniupo sa tabi nito... Napapikit na lang siya ng mariin dahil naglikha iyon ng ingay dahilan para makaagaw sila ng atensiyon...

"Don't push me to my limit woman"mariin nitong bulong sa bandang tenga niya dahilan para tumindig ang balahibo sa batok niya...

Siya na ang nagkusang lumayo at piniling hindi na kontrahin pa ang lalaki dahil ramdam na ramdam na niya ang mga tingin at bulong ng mga tao sa loob ng cafeteria na kinaroonan nila...

And thats what she hate the most at iniiwasan kung maaari lang.. Ang makaattract ng atensiyon...

Pero tulad nga ng inaasahan niya ay hindi na niya ito maiiwasan pa dahil sa lalaking ngayon nga ay kasama niya...

"What do you really want from me?"kapagkuwan ay tanong nito sa binata... He was actually staring at her for the whole time and she feel irritated by that so she initiated a conversation with him to avoid the awkwardness...

But the man seems not into talking dahil nananatili itong nakatitig sa kaniya na tila ba pinag-aaralan ang itsura niya at kulang na lang ay imemorya na...

She feel uncomfortable because of that... Gusto niya itong bawalin pero alam niyang hindi lang ito papabawal...

"You know what? Madami pa talaga akong gagawin.. Can i go now?"maya-maya ay tanong niya na pero tila wala lang narinig ang lalaki... marahas nalang ang naging pagbuntong-hininga niya dahil doon...

Hanggang sa dumating na ang inorder nitong pagkain at nagsimula na silang kumain ay hindi na siya nagsalita pa... Para saan pa nga ba naman kung hindi namab sumasagot ang kausap niya?...

Tahimik ang naging pagkain nila na maging siya ay wala ng balak basagin ang katahimikang iyon... Tanging ang mga kasabayan nila sa loob ng cafeteria na iyon lamang ang maiingay ngunit sa pagitan nila ay tanging tunog lang ng kutsara at tinidor na tumatama sa plato ang maririnig mo...

"Im sorry..." Biglang sabi nito na dahilan para tignan niya ito... Naguguluhan ang tinging ipinukol niya rito sa hindi malamang dahilan kung bakit ito nagsosorry...

SEI NESSUNOWhere stories live. Discover now