CHAPTER 26

9 1 0
                                    

"BALITA ko ay isa ka ding aktress ija kaya hindi na ako nagtaka ng malaman iyon dahil hindi naman maipapagkaila na sa ganda mong iyan ay mapagkakamalan talaga" masiglang turan ni Nanay Ester habang magkakasalo sila sa hapag na sinuklian lang niya ng isang maliit na ngiti. Nakita niya ang lungkot na bumalatay sa muka ng matanda dahil doon.

Kanina pa nag-uusap ang dalawa at wala naman siyang balak makisama sa usapan nila dahil hindi naman siya related o makarelate sa pinag-uusapan nila pero the old woman is too kind to at least let her enter the conversation and talk about it.

"Yeah, she's just that too cold and stiff" he chuckled and look at her na binigyan lang niya ng malamig na tingin. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito bago bumaling kay Nanay Ester at ngumiti. Nanatiling naninimbang ang ibinigay na tingin ng matanda habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

She just sighed and look at her plate na nakakalahati pa lang niya ay tila wala na siyang gana. She hate to admit it pero pati mga tao sa paligid niya ay hindi makaiwas sa bigat na ipinatong niya sa balikat niya. It seems like no one is exemption basta konektado sa kaniya o kaya ay nakakasama niya.

Matapos ang hapunan ay natagpuan na lang niya ang sarili na naka-upo sa teresa ng bahay kung saan tanaw ang dagat na kasalukuyang malakas ang paghampas sa dalampasigan at ang tunogna dulot niyon ang nagbibigay ng ingay sa tahimikat payapang gabi kasama si Nanay Ester na kapwa niya ay nakatanaw lang din sa pampang habang sa lamesang nakapagitan sa kanila ay ang tsaa.

Nilingon niya ito ng marinig ang buntong hiningang pinakawalan nito dahilan para makita niya ang bahagyang pagdaan ng malungkot na ngiti sa labi nito na hindi naitago sa dim lights na mayroon sa kinaroonan nila.

"Tumanda na ako sa poder ng mga Villamore kaya alam ko na ang kwento ng buong pamilya nila" biglang saad nito habang nananatili ang tingin sa dalampasigan. Napakunot ang noo niya dahil doon pero hindi nagbigay ng opinyon o magsalita. She just wait her to continue what she was going to say dahil ramdam niyang may nais itong sabihin.

"Nag-iisang anak ang batang si Chris ngunit hindi ibig sabihin niyon ay nakukuha niya ang lahat ng gusto niya. Naaalala ko pa noon na bago siya makabioi ng bagong laruan ay kailangan niya munang matutong gumawa ng isang bagay sa loob ng bahay" natatawa nitong sabi habang binabalikan ang nakaraan na tila isa iyobg magandang ala-ala. Ang akmang sasabihin niya ayhindi natuloy dahil sa sinabi nito. Parang hindi niya kayang maniwala sa ibinabahagi nito dahil base sa ugali nito ng mga panahong kasama niya ito ay tila kabaliktaran niyon ang ikinukwento ng matanda.

"Maraming naiinggit sa kaniya sa pag-aakalang napakasuwerte niya pero hindi alam ng mga taong iyon na kagaya lang din nila siya. Kailangang may mapatunayan para makuha ang simpatya ng mga magulang niya na walang ibang nais kung hindi ang matuto ang anak at mamulat sa mundong hindi lahat ay nakukuha porke may kaya sa buhay" patuloy nito bago siya binalingan at binigyan ng isang ngiti taliwas sa matang may bahid ng lungkot.

"Pinasok niya ang mundo na pangarap niya at doon na humadlang ang magulang niya. Pag-aartista ang pangarap niya ngunit mga magulang niya mismo ang may ayaw na tahakin niya iyon sa kadahilanang hindi din naman daw tumatagal ang kasikatan ng isang tao"

She just look at the old woman speechless and no words can even utter.

"Madami siyang sinagasaang mga tao ng magawa niyang makapasok sa magulong mundo ng showbiz. Isa na doon ang mga magulang niya at ang pagkawala ng babaeng mahal niya..." Malungkot nitong pahayag habang nakatingin diretso sa mga mata nita.

"Mabuting bata si Fraihne tanda ko pa pero maaga siyang kinuha dahil sa matinding karamdama. Doon ko nakita ang tuluyang pagbagsak niya. Natakot at nanghina dahil nawala ang tanging lakas at suporta niya ng mga panahong iyon ngunit nagpatuloy siya dahil sa hamon ng ama na kung hindi niya magagawang sumikat makalipas ang dalawang taon ay titigilan niya ang pangarap at susunod sa mga utos nito."the old woman sighed and look down " itinuloy niya ang pangarap hindi lamang upang may mapatunayan ngunit dahil sa pangakong binitawan niya kay Fraihne" mapait nitong saad bago nag-angat muli ng tingin at binalingan siya.

"Ngunit nagulat ako isang araw dahil unti-unti ay nagawa niyang makabangon. Hindi ko alam kung ano ang dahilan o sino pero tanda kong may nakita akong mga sulat sa gamit niya mula sa isang babae na nagpapahayag ng pagmamahal para sa kaniya at kung gaano siya kaproud dito. Hindi na ako nagtanong lalo na ng palagi itong nagtatanong kung mayroon bang sulat na dumating ulit at ang tinutukoy ay ang mga sulat na itinatago nito sa silid." Natatawa nitong usal.

Bells started to ring inside her head as she remember her letters for him. Ang walang sawang paggawa ng love letter na ipanapadala niya dito araw-araw pagkatapos ay inis siya nitong kukomptontahin kinabukasan upang patigilin sa pagpapadala niyon na hindi niya nagawa.

"Natigil na lang iyon isang araw at wala ng dumadating na sulat sa bahay kasabay ng unti-unting paglayo ng loob niya sa mga tao. Maging sa akin, dumistansiya na siya sa hindi malamang dahilan  at tila sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang nabigo patungkol sa usapang pagmamahal kaya ng mga panahong iyon ay nag-alala na kami"pagpapatuloy nito bago humilig kaunti palapit sa kaniya at kinuha ang kamay niya bago tinignan ang mata niya.

"Ngunit isa lang ang naging sagot ng mga tanong namin at alam mo ba kung ano iyon?" She paused and squeezed her hand like giving her hint she doesn't get "... ikaw iyon anak, larawan mo ang naging sagot sa katanungan namin ng mga panahong iyon ng makita aksidente kong makita ang nakaipit na larawan sa unan nito ng maglinis ako" masaya nitong pahayag na ikinalaglag ng panga niya sa nalaman.

"Akala ko ay nagkataon lamang ngunit hindi iyon ang iisang litrato na nakita ko sa gamit niya at nito ko lang din napag-alaman na ang bata sa larawang iyon ay ang batang nagpapadala ng sulat sa kaniya noon." She smiled at her "... Ikaw ang dahilan ng pagbangon niya ng pangalawa at pangatlong beses ija'.... hindi ko man alam ang kwento kung bakit natigil ang sulat mo ngunit sa nakikita kong sakit at lungkot sa mga mata mo ay nasagot ko na ang tanong ko."malungkot nitong pahayag ".. Marahil isa ka din sa mga taong nasagasaan niya ng mga panahong may gusto siyang marating at mapatunayan"

She was seemed runs out of words. Wala siyang ibang masabi pero ramdam niya ang sakit at bigat sa dibdib niya sa mga nalaman. Naghalo-halo na ang mga sakit, galit, pagod, at kung ano pa dahilan para mablangko na lang ang isip niya at wala ng maprosesong salita na maisatinig man lang.

"Huwag kang mag-alala, naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang sakit at galit na nakatago sa likod ng malamig na titig mo at hindi kita masisisi sa bagay na iyon" mapang-unawa nitong saad dahilan oara maiyuko niya ang ulo sa kadahilanang sa unang pagkakataon, nagawa ng ibang tao na basahin siya. She wanted to burst into tears and let her heart cry out all the pain and frustrations that she earned for those passed years pero walang luhang nais pumatak mula sa mga mata niya tila pati ang mga iyon ay napagod at nagsawa na.

"M-Magpapahinga na po ako.."was all she said before she stand up and walked away... Walking away from the thought that he cared about her before kahit ni minsan noong mga panahong iyon ay hindi niya naramdaman man lang. Ayaw niyang mag-assume pa ulit o ano dahil pagod na siyang magpaniwala sa mga simpleng bagay na sa huli hindi naman pala totoo at nagkataon lang na siya lang ang nagbigay ng ibang ibig sabihin.

Mabilis pa din ang kabig ng dibdib niya gawa ng mabilis na paglakad ng mabungaran niya ang binatang nais niya muna sanang iwasan na kasalukuyang matiim ang tinging ibinabato sa kaniya.

SEI NESSUNOWhere stories live. Discover now