Chapter 14

15K 533 173
                                    


Torey's POV

"Goodmorning Tita Torey." tumingin ako sa bagong dating. Ngumiti ako nang makita silang lima.

"Ang aga ah?" sabi ko sa kanila. Bihis na bihis na din sila para magpractice.

Napangiti ako. Simula nung nakita nila kung paano lampasohin ng Dragon Empire ang Shakers, kahit papaano ay nagpra-practice na sila pero minsan talaga ang tatamad ng mga 'to. Hindi naman ako nagagalit o naiinis sa ginagawa nila. May tiwala ako sa mga batang 'to.

"Ang aga din ni Tyrant ah." sabi ni Daily. Tumingin kaming lahat sa anak ko na nasa court.

Nasa gitna sya court. Nagdri-dribble sya habang nakatingin sa harapan. Nag-iimage playing sya kung saan iniisip nya na ang kalaban ay ang mga magagaling na tao. Maya-maya ay kumilos si Tyrant. Nag-spin sya at umastang ititira ang bola pero hindi nya ito tinuloy. Ibinaba nya ang kamay nya at sumugod sya sa ilalim ng ring. Tumalon sya para may lay up pero ibinaba nya ng konti ang kamay nya at doon itinira ang bola sa ring. Pumasok ang bola sa ring.

Walang nagsalita sa lima sa nakita nila. Kinuha muli ni Tyrant ang bola at tumakbo papunta sa kabilang court. Tumatakbo ito na tila may kalaban na iniiwasan o pilit na nilalagpasan.

"Hindi ko alam na nagpra-practice pala ng ganito si Tyrant." sabi ni Sam.

"Paano nademonyo na rin si Tyrant na wag magpractice." sabi ni Janine. Napailing ako sa kanila.

"Nagpra-practice si Tyrant sa bahay." sabi ko. "Manang mana si Tyrant kay Madelyn na mahilig magpractice kahit nasa bahay lang."

"Gusto nya kasing matalo si Lulu kaya ganyan sya." sabi ni Sam.

"Kaya ng talunin ni Tyrant si Lulu ngayon. Pinaghahandaan na nya ang iba pang miyembro ng Dragon Empire." sabi ko. "Alam ninyo, sa nakikita ninyo kay Tyrant ngayon, hindi pa yan ang tunay na galing nya."

"Weh?" hindi makapaniwalang sabi ni Sam. Ito talaga, walang tiwala kay Tyrant.

"Baka nga mas magaling pa si Tyrant sayo." nakangising sabi ko. Sumimangot sya. "Hindi ninyo kasi alam, si Madelyn, isa sa pinakamagaling na player sa Wyvern Empire. Natatandaan ninyo ba ang sinabi ko sa inyo na nahahati sa lima ang Empire Team?"

"Opo. Mušḫuššu, Wyvern, Basilisk, Qilin at Dragon Empire." sagot ni Monique.

"Sa batch namin, ang Wyvern ang pumapangalawang mabagsik na team sa Empire Team. Ang nangunguna ang Mušḫuššu." sabi ko at inalala ang panahon na nakalaban namin ang Empire Team.

"Pang ilan ang Dragon Empire?" tanong ni Daily. Nginitian ko sila.

"Huli." sabi ko. Natawa si Sam habang sila Monique ay hindi makapaniwala sa nalaman. Natawa ako. "Hindi naman totally na huli kasi magkakaparehas lang kami ng points ng Basilisk at Qilin." sabi ko.

"Sus!" sabi ni Sam. Natawa ako.

"So yun nga, si Madelyn ang laging nagtra-train sa kanya." sabi ko at tumingin kay Tyrant. "Mas magaling sakin si Madelyn kaya sa kanya nagpapatulong si Tyrant. Isipin ninyo na si Madelyn nagtra-train sa kanya, sa tingin ninyo ba hindi nya kayo kayang higitan?" tanong ko sa kanila.

"Hindi natin masasabi." sabi ni Janine. "Alam kong magaling si Tyrant at kayang higitan si Lulu pero ang higitan kami?"

"Malabo." sabi ni Monique, Daily at Sam. Napataas ang kilay ko. Alam kong magagaling ang apat na 'to.

"Talaga lang huh? naalala nyo, dalawang buwan nawala si Tyrant nung nakaraang taon?" tanong ko sa tatlo. Sila-sila kasi ang magkakasama noon.

"Nung pinatapon ninyo si Tyrant sa probinsya ni Tita Madelyn?" patanong na sagot ni Daily.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now