Chapter 60

17.8K 714 276
                                    


Zoe's POV

"Alex si Ponjap!" sigaw ko dahil tumakbo si Alex papunta sa kwarto na tutuluyan namin at sumunod sa kanya si Ponjap. Tumigil naman si Alex at hinintay si Ponjap tsaka sila sabay na tumakbo pero mabagal dahil maliliit ang mga biyas ni Ponjap.

Sila Japan at Louise ang kasama namin sa kwarto kasama si Alex at Ponjap. Si Aero at Jerwin ay kasama ng ibang kalalakihan sa kabilang bahay. May sarilii kwarto ang mga batang lalaki.

"Punta tayo mamaya sa training ground?" pag-aaya ko kay Alexa. Pumasok kami sa kwarto at nakita namin si Alex at Ponjap na tumatalon talon sa isang kama.

"Kahit bakasyon talaga, basketball pa rin ang iniisip." sabi ni Louise bago sawayin yung dalawang bata.

Tumawa naman ako. "Puntahan na rin nating yung bahay na tinuluyan natin noon. Alam ko naman na may naalala ka don eh." panunukso ko. Nakita ko naman namula ang mukha ni Louise.

"Wala kang magandang memories rito, hindi ba?" tanong ni Japan.

"Meron! nakilala nya si Astra." pabalik na panukso ni Louise. Tumawa ako.

"Pero mas tumatak kasi sakin yung paghalik ni Japan sayo." nakangising sabi ko. Syempre, hindi ako magpapatalo kay Louise.

"Tama na nga yan." pag-aawat ni Japan. Napanguso na lang kami ni Louise.

Inayos na namin ang gamit namin. Nagpaalam naman samin si Alex na maglilibot lang sa labas at isinama nya si Ponjap. Naunang lumabas si Alexa at Japan kaya naiwan kami ni Louise dito. Nasa balcony sya at kumukuha ng picture sa dagat.

"Nasabi sakin ni Lulu na may pageant na ginaganap ang Empire Tournament bago matapos ito. Si Zap ang representative ng Dragon Empire." sabi ni Louise at lumapit sakin. Umupo sya sa tabi ko.

"Oo, pinakita sakin ni Zap yung sinuot nya noon." sabi ko at kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Hindi naman makapaghintay si Louise at kinuha ang cellphone ko. Alam nya ang password non kaya sya na naghanap ng picture ni Zap pero syempre natabunan na 'yon ng mga picture namin magpapamilya.

"What the hell?" sabi nya kaya nilingon ko ang tinitignan nya. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko. "Masyado talaga kayong matapang ah!" natatawang sabi nya. Nakita nya lang naman ang picture namin ni Alexa after session namin.

"Sus! parang kayo walang picture na ganito ni Japan." sabi ko at pinatuloy na ang paghahanap sa picture ni Zap.

"Wala talaga 'no! kilala mo si Japan. Hindi mahilig mag-picture." sabi nya sabay nguso. Sabagay, konti talaga ang picture nilang dalawa ni Japan.

"Ito na ang picture." pinakita ko sa kanya ang mala-haring picture ni Zap.

"Wow!" manghang sabi nya at kinuha ang cellphone ko. "Ang cool ni Zap dito ah! Ang cold rin ng expression nya tapos ang ganda ng mga mata nya." sabi nya.

"Right? Sa sobrang cool ni Zap dyan, ginawan ng malaking frame nila Mama yan para feeling daw nila isa silang Royal Family." natatawang sabi ko.

"Paano kaya kung nangyari sa atin 'to 'no? Sino kaya representative natin?" tanong nya.

"Malamang si Japan o kaya si Alexa. Kung hindi ba naman kasi magulo ang Empire Tournament natin, aabot tayo ng isang buwan dito." sabi ko. Marami daw kaguluhan ang nangyayari sa batch namin noon kaya naman pinatigil ang Empire Tournament namin. 

"Bakit hindi natin ituloy ngayon? nandito naman mga ka-batch natin eh." suggest nya. 

"Wala tayo ng susuotin kaya malabo." sabi ko.

"Sabagay. Gusto kong makitang ganito suot ni Japan." sabi nya at napahalikgik. Napailing na lang ako.

Niyaya ko na syang lumabas ng kwarto para puntahan ang mga asawa namin. Pero nakasalubong namin si Peyt na pababa rin. Napangisi sya sakin.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now