Chapter 66

15.2K 662 273
                                    


Third Person's POV

Pumasok si Dite sa indoor court nila sa mansion ng mga De Vera at nakita nya don ang kanina nya pang hinahanap na kapatid. Naglalaro ito ng mag-isa.

"Aero." tawag nya dito at nilapitan. Napatingin sa kanya ang kapatid. Tumingin si Dite sa kaliwang kamay ni Aero tapos sa mukha nito. "Kailan ka natutong tumira ng bola sa kaliwang kamay?" tanong nito.

"Nung nag-umpisa akong maglaro. Sinabay ko ang kaliwang kamay ko matutong tumira ng bola." sagot ni Aero. "Bakit mo pala natanong?" tanong nito.

"Gusto kong matuto." simpleng sagot ni Dite na ikinataka ni Aero.

"Akala ko ba tumigil ka na sa basketball? 'di ba nga ilang araw na lang ay aalis ka na para sa soccer camp?" takang tanong nito.

"Yun ang alam ninyo." sagot ni Dite at kinuha ang bola kay Aero. "Umalis lang ako sa team pero hindi ako titigil sa basketball." sabi pa nito.

"Pero lagi mong sinasabi kapag may nagtatanong sayo na tumigil ka na sa paglalaro." lalo pang naguguluhan na sabi ni Aero.

"Gusto ko lang na isipin nila na tumigil na talaga ako. Gusto ko silang gulatin sa oras na bumalik na ako sa paglalaro. Hindi na ako yung mahinang kilala nila. Ikaw lang nakakaalam nito kaya inaasahan ko na hindi mo ito ipagsasabi sa iba lalong lalo na sa parents natin." sabi ni Dite.

"Bakit pati sila Mama? Mas matutulungan ka nila na mas gumaling." tanong na sabi ni Aero sa ate nya.

"Dalawa sila na gusto kong i-surprise." kinindatan ni Dite ang kapatid nya bago itira ang bola gamit ang kaliwang kamay pero hindi ito umabot man lang sa ring.

"Okay pero matanong ko lang kung bakit kaliwang kamay?" tanong ni Aero.

"Malalaman mo rin sa oras na maglaro ako." sagot ni Dite dahil hindi pa ito handa para sabihin sa kapatid. Baka maapektuhan lang ito kapag sinabi nya. "Anyway, hangga't nandito pa ako, tulungan mo ako sa kaliwang kamay ko."

"May kapalit 'to ah." nakangiting sabi ng kapatid. Napakunot ang noo naman si Dite. "Ipagpaalam mo ako kanila Mama na payagan akong pumunta ng palawan."

"Bakit ka naman pupunta ng palawan?" nakataas na kilay na tanong ni Dite.

"Eh kasi may nakilala akong babae sa internet. Taga-palawan kasi sya." dudang tinignan nya ang kapatid. "Hindi sya scam o manloloko!" mabilis na sagot ni Aero nung makita ang reaction ni Dite. "Please?" pagmamakaaawa ni Aero sa ate nya. Nagkatitigan muna ang dalawa bago tumango si Dite. "Yes!"

"Siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak don." sabi ni Dite.

"Oo naman. Anyway, start na tayo sa training mo, ilang araw ka na lang dito eh. Start tayo sa basic training sa kaliwang kamay mo bago tayo mapadpad sa shooting." sabi ni Aero. "Since ayaw mong ipaalam sa iba na hindi ka tumigil sa paglalaro ng basketball, gawin mo lang patago itong first training ko sayo." napataas ang kilay ni Dite.

"Patago naman talaga ang training na 'to." sagot ni Dite. Umiling na nakangiti si Aero.

"Hindi, ang gusto ko kasing gawin mo ay dalasin mong gumamit ng kaliwang kamay sa kahit anong bagay. Sa pagsulat, sa pagbutones, at iba pa. Magagawa mo 'yon ng madalas kapag nasa camp ka na pero habang nandito ka pa, wag mong ipahalata na ginagamit mo ang kaliwang kamay mo." sabi ni Aero.

"Mukhang hindi ito magiging madali." mahinang sabi ni Dite pero narinig iyon ni Aero.

"Hindi talaga lalo na right handed ka." nakangiting sabi ni Aero. "Tapos exercise lalo na sa barbel and lastly..." hindi muna itinuloy ni Aero ang sasabihin nya at lumapit sa gilid kung saan nakaligay ang tumbler at towel nya. Kinuha nya ang towel at bumalik sa harap ni Dite. "Try mong i-swing ang kaliwang kamay mo na parang may binabato ka. After three days, itr-try natin ang shooting training."

Melting Ice Princess 3Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ