Chapter 35

15.6K 696 325
                                    



Zaparta's POV

"Zap! Galingan mo ulit ah?" Sabi ni Cleo. Ngumiwi ako sa kanya. Hindi ko sure dahil si Drew ang makakalaban ko ngayon.

Magkaharap na kami ngayon ni Drew. Konting oras na lang magsisimula na ang laro namin. Pinagmasdan ko si Drew na kalmado lang na nakatayo tapos nakatingin sa mga kasamahan nya. Iniisip ko kung paano ko matatalo si Drew. Paano ko papantayan ang bilis nya.

Pumito ang referee namin na nagsasabing mag-uumpisa na kami. Kay Drew ang bola. Lumapit ako sa kanya para bantayan sya ng mahigpit. Hindi ko sya pwedeng bigyan ng space dahil makakalusot sya sakin. Mukhang nahirapan sya sakin dahil hindi sya makaalis. Kada atras nya ay sinusundan ko agad sya. Maya-maya ay ibinato nya ang bola sa ring. Alam kong hindi pasok 'yon kaya naman halos magkasabay kaming tumakbo papunta sa ring pero mas mabilis sya sakin. Tumalon sya para saluhin ang bola tapos idiniretso nya sa ring ang bola. Nag-dunk pa sya. Parang pinapakita nya tuloy kay Kriza na kaya nyang tapatan ito.

Ako na ang may hawak ng bola ngayon. Hindi katulad kong magbantay ay malayo ang agwat naming dalawa. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan dahil alam kong may iniisip ang isang ito.

Nag-forward step ako na ikaatras nya pero nag-back step din agad ako tapos tumalon para itira ang bola. Nagulat ako nung tumalon ng mataas si Drew. Nakahinga ako ng maluwag nung hindi na naabutan ang bola at pumasok iyon sa ring.

Delikado ito. Kaya pala dapat nasa dunk contest sya dahil ang taas nyang tumalon. Hindi na uubra pa ang tres ko mamaya dahil parang si Kriza din sya. Patay na talaga ako dito.

Natapos ang first quarter na parehas kaming pagod. Pinilit kong sabayan ang bilis ni Drew na kahit papaano nagagawa ko naman pero mas lamang pa din sya sakin ng apat na puntos. Hindi marunong mag-defense si Drew, yung tipong hindi ako makakawala sa kanya. Napipigilan nya ang ako sa oras na mahabol nya ako at nadadaplisan nya ang bola sa tuwing ititira ko ang bola sa ring kaya doon nya ako napipigilan pumuntos. Napipigilan ko din naman sya sa pagbantay ko sa kanya ng mahigpit kaya hindi ganon nalalayo ang score naming dalawa. Kaso ubos lakas lang ang ginagawa naming dalawa kaya pagod kaming parehas.

Hinanap ko si Stace sa paligid para humingi ng tulong kung paano ko tatalunin si Drew pero nasa kabila sya kung saan naglalaro sila Marceline. Bumuntong hininga ako at uminom ng tubig. Paano ko ba matatalo si Drew?

"Problemadong problemado ah." tumingin ako sa naupo sa tabi ko. Si Lesley. Tumingin ako sa likuran naming kung saan nakatayo si Kriza tapos kay Lesley.

"Nag-iisip lang ako kung paano ko matatalunin si Drew." sabi ko at uminom ulit ng tubig.

"May alam ako." sabi nya na ikatingin ko sa kanya. "Pero kiss mo muna ako." pilyang sabi nya habang nakaturo sa pisngi nya.

"No way." sabi ko. "Salamat na lang." dagdag ko pa. Sya iki-kiss ko? kahit maganda sya, hindi ko gagawin 'yon kahit sa pisngi pa.

"Aw sayang." sabi nya pa. "Ituloy mo lang ang pagbabantay sa kanya pero subukan mong kunin ang bola sa kanya. Bukod sa nahihirapan sya makawala sayo, madi-distract sya sa pag-iwas ng bola." napaisip ako sa sinabi nya. "At may napansin din ako na makakatulong sayo kung iki-kiss mo na talaga ako."

"What the hell?" sabi ko na nakaiwas din sa kanya.

"Arte pa, Zap?" natatawang sabi ni Cleo. Sinamaan ko sya ng tingin.

Lumingon ako kay Lesley para kulitin sya na wag na yung kiss ang gusto nya pero nagulat ako nung nahalikan ko sya sa labi. Sa sobrang gulat ko ay lumayo agad ako sa kanya.

"Gusto mo pala sa lips ah." mapanuksong sabi nya habang hawak ang labi nya.

"Hindi 'no!" sabi ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now