Chapter 37

16.4K 748 388
                                    


Zaparta's POV

"Woohoo! Magandang lugar na ang tutulugan natin!" sigaw ni Math.

Nandito kami sa bahay na tinutuluyan ng mga seniors namin. Akalain mo nga naman, kami na takot at kaba ang nararanasan sa bahay na tinutuluyan namin tapos sila ay chill at relax lang dahil sa sobrang ganda at linis ng bahay nila.

Unfair.

Sumunod kami sa mga seniors namin na pumunta sa pangalawang palapag ng bahay. Mas malaki ang bahay nila kumpara samin. May sariling malaking kusina at dinning area ang bahay na parang cafeteria na rin ang itsura pati sala na tila lobby sa sobrang daming sofa. Ang swerte talaga ng mga seniors namin.

"Tatlong araw. Tatlong araw namin ipapabantay sa inyo ang mga kwarto namin at tatlong araw kayong hayahay dito." sabi ni Stace.

"Wooh!" panimula syempre ni Math na kasama si Marceline.

"Pasalamat kayo at may meeting kami." sabi ni Lyte.

Tinignan ko sila. Mas maganda atang sabihin na kailangan nilang bumalik sa Manila para bumili ng Empire suit para sakin. Seryosong ako na talaga ang pinili nila Stace na maging representative ng Dragon Empire kahit na ilang beses ko sila kinulit na wag na lang ako. Wala akong alam kung sino ang mga makakalaban dahil ang sabi ni Stace na hindi pinapaalam ang kalaban hanggang sa mismong event na. Malalaman lang daw namin ang mga kalaban namin kapag rumampa na kami.

Rampa. Bwisit! sana si Blythe na lang kinuha nila dahil sanay na sanay 'yon rumampa!

"Okay girls! piliin na ninyo kung sino ang gusto ninyong magbantay ng kwarto ninyo." sabi ni Lyte. Lumapit samin ang mga seniors at hinila ang gusto nilang magbantay sa kwarto nila.

"Yo." sabi ni Stace. As expected, sya ang pipili sakin. "Tara sa kwarto." sumunod na lang ako sa kanya. Ayoko syang kausapin, nauurat ako sa kanya.

Pumasok kami sa kwarto nya. Speaking of room, si Jacky ang roommate nya dito 'di ba? sino kaya ang pipiliin non? sana si Kriza.

"Swerte mo, makakasama mo si Lesley dito." sabi ni Stace.

"What?! bakit si Lesley?!" pambihira naman oh! sinadya nila ito!

Tinawanan lang ako ni Stace. Sinamaan ko sya ng tingin. Ayan na naman sya, hindi nya na naman ako papansinin kapag kinukulit ko sya sa isang bagay na napagdesisyunan nya na. Bwisit talaga 'to.

Tumingin ako sa pintuan nang bumukas dito. Unang pumasok si Jacky at sumunod si...

"Kriza!" masayang sigaw ko at nilapitan sya. Nakasarado naman yung pintuan at wala din akong paki sa dalawa kaya niyakap ko si Kriza.

"Ayan, masosolo mo na si Kriza sa kwarto." rinig kong sabi ni Stace.

Lumayo ako kay Kriza at hinarap ang dalawa.

"Thanks!" masayang sabi ko. Matagal ko na din gustong masolo si Kriza sa kwarto. Wala pa rin kasing available na kwarto at pagkatapos pa ng graduation namin magkakaroon dahil after non ay aalis na sila Kimberly, Rian, Evelina at Love ng Dragon Empire . Nasa right age na sila para pumasok ng PBA. Hindi man halata sa itsura nila pero twenty seven na sila.

Nalulungkot nga si Math dahil ilang buwan na lang itatagal ni Rian sa Dragon Empire at mukhang pinag-iisipan tuloy non umalis din ng Dragon Empire. Pag-ibig nga naman.

"Yan ang reward ko sayo." sabi ni Stace. Napakunot ang noo ko dahil sa anong paraan ako magkakaroon ng reward?

"We need to go, madami pa tayong gagawin." sabi ni Jacky.

"Okay! Kayong dalawa, bantayan ninyo mga gamit namin okay? enjoy your vacation!" sabi ni Stace. Walang gamit na umalis yung dalawa. Babalik naman sila sa Manila kaya hindi na nila kailangan pa ng gamit.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now