Chapter 63

18.2K 706 158
                                    



Zaparta's POV

Dahil sa nangyari sa camp ay umuwi kami sa kani-kanilang bahay. Nabawasan na rin ang oras namin sa pag-practice. Alas otso ng umaga kami dumadating sa gym at alas cuatro naman ang uwi namin. Hindi pa alam kung bakit may pasabog sa camp kaya kailangan panatiliing safe ang mga miyembro ng Dragon Empire. Bawal lumabas ng madaling araw at bawal rin magpagabi. Sinabihan ng managements ang mga magulang namin kaya mahigpit rin ang pagbawal samin ng mga magulang namin.

"Zap, Zandy! kakain na!" sigaw ni Mama mula sa ibabang parte ng bahay. Nakabukas ang pintuan ko kaya narinig ko agad.

"Okay po!" sigaw ko pabalik at tumayo sa pagkahiga. Ngayon ay rest day namin. Pwede naman kami lumabas pero may curfew pa rin.

Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa kwarto ni Zandy. Kumatok ako sa pintuan nya bago buksan.

"Hey, kakain na." sabi ko nung makita ko syang nagpu-push up.

"Sunod po ako. Bihis lang ako." tumango ako sa kanya at bumaba na.

Dito kami natutulog ngayon ni Mama Alicia sa bahay nila Mama dahil wala naman si Sora dito. Magkasama kami ni Mama Alicia sa kwarto ko.

"Good morning Zap!" bungad sakin ni Ate Zoe pagpasok ko sa dinning area. Nandito ang buong pamilya nila. Simula kasi nung umuwi ako rito ay sabay-sabay na kaming kumakain lahat.

"Good morning!" masayang bati ko at pumuwesto sa upuan ko. "Himalang nandito ka." pang-aasar ko kay Dite na nasa tabi ko.

"Pinilit lang ako dito." sagot nya. "Baka daw kailangan mo ng bodyguard." nakangising sabi nya.

"Yabang." sabi ko na lang.

Nag-umpisa na kami kumain lahat. Nagkwe-kwentuhan kami habang kumakain. Kahit papaano ay maganda rin na umuwi sa bahay para makasama ang buong pamilya.

"Kamusta kayo ni Kriza, Zap?" tanong ni Ate. Nasa harapan ko sya.

"Okay na okay." nakangiting sabi ko. "Nagkaayos na rin kami sa wakas at nililigawan ko sya ngayon." sabi ko pa.

"Mabuti naman kung ganon. Gawin mo lahat para sagutin ka nya agad." sabi ni Ate. Tumango ako sa kanya.

"May date kami ngayon tapos sa kanila ako matutulog mamaya." pagpapaalam ko.

"Strict si Ate Kill kaya alam kong wala kayong gagawin." pang-aasar nya. Namula naman ang mukha ko.

"Ate naman, nanliligaw pa lang ako sa kanya." sabi ko. Tinawanan lang ako ni Ate na halatang hindi naniniwala sakin.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na ako sa kwarto para maligo. Pagkatapos kong maligo ay chineck ko si Kriza. Magco-commute lang kaming dalawa ni Kriza dahil gusto ko na lagi syang tinitignan at nakakausap. Kapag kasi nagdri-drive ako ay hindi ako makapag-focus.

Pinuntahan ko si Kriza sa kanila. Hinintay ko sya sa sala nila habang nakikipaglaro sa mga kapatid nya. Wala ang parents nila dahil inaasikaso nila yung sa camp. Nandito naman si Kuya Aiden para bantayan yung dalawang bata.

Pagbaba ni Kriza ay nagpaalam na kami sa mga kapatid nila. Sumakay kami sa jeep at pinili ko talagang puwesto sa harapan para kami lang ang magkatabi.

"Saan tayo pupunta?" tanong nya.

"Sa water park na pinatayo ni Tita Zeke. Bagong bukas lang 'yon kahapon." sagot ko. "May binigay sakin si Tita Zeke ng apat na ticket. Binigay ko yung dalawa kay Marceline."

"Kasama natin sila?" nakataas ang isang kilay na tanong nya. Ngumiti ako at umiling.

"Syempre, hindi. Next rest day na lang daw sila pupunta. Isa rin 'yon na gustong masolo si Blythe eh." sabi ko. Inilusot ko sa likuran nya ang kamay ko para hawakan sya sa bewang nya. "Uuwi ba mga magulang mo mamaya?" tanong ko.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now