Chapter 56

15.9K 760 219
                                    


Zaparta's POV

Hingal na tumigil ako sa pagkatakbo nung matapos ko ang thirty laps. Hinabol ko ang hininga ko sa pagod. Last day na ng practice namin at bukas pupunta na kami ng Manila para sa Summer Cup ceremony. Ang bilis ng panahon at ito na ang araw na makakaharap ko na naman sila. Determinado na akong matalo sila. Makuha ang championship bago man lang umalis ang dalawa.

May towel na lumipad sa mukha ko at nahulog pero nasalo ko rin. Tinignan ko ang nagbato non sakin. Nakangisi sya sakin habang hawak ang tumbler ko.

"Hey!" sabi ko at sinugod sya pero mabilis syang nakatakbo sakin. "Come back here! Lesley!"

"Come and get it, loser!" sigaw nya. Pinaliitan ko sya ng mata bago bilisan ang pagtakbo kaso mabilis rin talaga tumakbo itong si Lesley. Hindi ba sya napagod sa takbo namin kanina?!

"Zap!" napatigil ako sa pagtakbo nung marinig ko si Marceline. "Tama na yang landian ninyong dalawa. Kakausapin na tayo ni coach Avey." sabi nya na may pang-asar sa mukha. Napairap ako.

Nilingon ko si Lesley na medyo malayo sakin. "Ano? lumapit ka dito. Tinatawag na tayo."

"Mauna ka." pinaliitan ko sya ng mata.

"Tama na sabi ang landian eh!" sigaw ni Marceline. "Mamaya nyo na ituloy yan sa kwarto nyo." nakangising sabi nya. Namula naman ang mukha ko.

"Alright, mamaya sa kwarto." sabi ni Lesley nung madaanan ako.

"Walang ganon." hinabol ko sya at hinablot ang tumbler. Uminom ako habang naglalakad kami papunta sa mga kasamahan namin. Nagsasalita na si coach Avey tungkol sa Summer Cup.

Parehas kaming nasa Set B ng Miracle kaya sila ang una naming makakalaban sa tatlong team. Nasa Set A ang Shakers habang nasa Set D naman ang Meteorite. Kung manalo man, sunod na makakalaban namin ang Shakers tapos ang Meteorite. Makakalaban namin silang tatlo sa Summer Cup na 'to. Minsan, dalawa sa tatlo ang nakakalaban namin sa kanila, ngayon tatlo na. Hindi magiging madali ang Summer Cup.

Pagbalik namin sa kwarto ni Lesley. Nauna syang gumamit ng banyo. Hinanda ko naman ang susuotin ko para pagkatapos nya ay okay na. Tinignan ko ang kabuoan ng kwarto. Hindi na single bed ang nasa kwarto. Dalawa ang higaan dito. Pagbalik namin dito last month, nag-iba na ang arrangement ng roommate at room. Kami na ni Lesley ang magkasama sa kwartong ito. Nagsama-sama na ang mga malapit ng umalis para walang maiwan na mag-isa sa kwarto.

And this past few months, naging close kami ni Lesley na para bang mag-bestfriend pero not in good term dahil palagi nya akong inaasar kasama ni Marceline. Parang dalawang Marceline tuloy ang dumating sa buhay ko. Actually, tatlo sila pero naging busy si Stace sa pag-practice. Last Cup nya ngayon kaya naman todo practice sya, sila ni Lyte. Hindi ko na nga sya masyado nakakasama dahil pagbalik namin sa Manila galing Boracay, sa camp sya tumuloy kasama si Jacky at Lyte. Nag-practice sila kasama ang mga boys.

"Tapos na ako." tumingin ako sa gawi ni Lesley. Tumutulo pa ang tubig sa buhok nya. Hindi ba sya marunong magpunas ng buhok?

Kinuha ko ang mga gamit ko at pumasok sa banyo. Nagsimula na akong maligo. Binilisan ko lang ang pagligo ko para makakain din agad ng dinner at makatulog. Maaga kami aalis bukas dahil maaga ang ceremony.

Sabay kami ni Lesley bumaba ng cafeteria pagkatapos kong maligo. Naabutan namin ang ilan naming kasamahan na kumakain na. Umorder kami ni Lesley at nakisalo kanila Math. Nagtatawanan kami habang kumakain. Kung ano-ano pinagsasabi nila para sa laban ng Summer Cup. Kung paano nila lalampasuhin ang tatlong team. Napapailing na lang ako sa kanila. Alam nilang malabo ang chance na makasali sila kapag yung tatlong team ang makakalaban. Mas pipiliin ni coach Avey na yung mas may experience na makalaban ang tatlong team at tsaka last Cup na ito ng dalawa kaya parang mas maganda na makasama nya ang seniors laban sa tatlong team na 'yon bago sila umalis dahil matagal ulit bago sila magkakasama-sama.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now