Chapter 47

15.5K 667 312
                                    



Aphrodite's POV

Maingay na ang buong arena pero mas maingay ang mga kasama ko dito sa pwesto ko. Madami silang komento kung bakit hindi si Eloi ang kaharap ni Zap, kung bakit si Kriza ang umii-score, at kung ano-ano pa. Iniisip ko kung bakit ba ako napunta sa pwesto na 'to.

Bumuntong hininga ako. Kinuha ko ang earphone ko at isinuot. Nilakasan ko ang volume para hindi sila marinig.

Wala naman akong balak pumunta at manood ng basketball kung hindi lang ako pinilit ng dalawa. Gustohin ko man tumakas, hindi na ako makakatakas dahil sa mga kasama ko. Kahit magpaalam ako na magbabanyo lang, may kasama pa ako.

Ang boring. Halatang matatalo ang Dragon Empire dahil sa defense ng Shakers sa kanila. Kung hindi lang ako naka-earphone, makakarinig ako na bakit hinahayaan nila si Kriza ang pumuntos kung palagi naman nakukuha ni Eloi ang bola sa kanya.

Sa nakita ko kanina, alam kong hindi hinahayaan ni Kriza na makuha ni Eloi ang bola sa kanya. May something lang siguro sa kanilang dalawa. At kaya ganon na lang ang inis sa mukha ni Zap ngayon. Hindi man nya nahahawakan ang bola pero nakikita kong badtrip sya habang pilit na umaalis kay Janine.

Isang advantage sa laro kapag badtrip ang tao. Masisira ang laro ng player at gagawa ng madaming pagkakamali na magiging resulta ng pagkatalo. Kaya isang malaking bagay ang pagtitimpi sa bawat laro. Kahit ano pa ang insulto na ibato sayo ng kalaban, kailangan mong tiisin at huminahon para hindi sila ang manalo.

Pero sa ginagawa ngayon ni Zap, matatalo talaga sila nyan.

Hindi ito ang inaasahan ko sa kanya. Hindi na ako naglalaro ng basketball pero malaki ang tiwala namin sa kanya ni Mama.

Lumingon ako sa likuran nung may kumakalbit sakin pero tumusok sa pisngi ko ang hintuturot nya. Tinignan ko sya na nagtatanong. Bumubuka ang bibig nya pero hindi ko sya marinig. Inalis ko ang earphone ko at tinignan sya na nagtatanong.

"Dinner ka sa bahay?" pag-aaya nya. Tinignan ko ang katabi nya pero seryosong nanonood ang isa.

"Sure." sabi ko. Kailangan ko rin bumawi sa kanila.

"Good." sabi nya sabay ayos ng upo. Tumingin sya sa naglalaro. Nakatingin lang ako sa kanya at mine-memorize ang mukha nya. Ilang taon ko din hindi sila nagkita kaya may mga nagbago sa kanila. Pero ngayon, alam kong masaya sya dahil may nagugustuhan na sya. Kaya rin sya nandito dahil don.

"Asta." tawag ko sa kanya. Tumingin sya sakin. "Mag-oovernight ako sa inyo mamaya."

"Talaga?!" napatingin kami kay Sylvia. Mukhang narinig nya ang sinabi ko.

"Yeah. May pag-uusapan kami ni Asta." sabi ko sabay tingin kay Asta.

"Napaka-unfair mo talaga 'no?" sabi nya.

"Nah. Kinausap ko din si Lulu." sabi ko.

"Yehey! Makakatabi ko ulit si Dite matulog!" masayang sabi ni Sylvia.

Umayos na ako ng pagkaupo. Palihim akong pangiti dahil sa inasta ni Sylvia at Asta. Walang nagbago kay Sylvia, ganon pa rin sya kung ano ang huling kita ko sa kanya. Maingay, makulit, malambing, at maangas. Si Asta, hindi na sya ganon katahimik dahil kay Lulu. Madalas din sya magtampo sakin dahil mas pabor ako kay Lulu.

Kaya lang naman ako mas pabor sa dalawa dahil sila yung tipong madaling masaktan, sensitive, at napaka-precious nila sakin. Kayang kaya ng tatlo alagaan ang sarili nila dahil mas mature sila mag-isip at mas matanda pa. Kung masasaktan man isa sa kanila, sasamahan ko lang sila pero kapag si Tyrant at Lulu na ang nasaktan, may masasaktan.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now