Chapter 33

16K 684 320
                                    



Zaparta's POV

"Not bad, Dragon." nakangising sabi ni Jak pagkapasok nya sa room namin. Binigyan nya kami ng isang minuto para magbihis pagkatapos nya kaming gising ng alas cuatro. Talagang maaga maggising ang mga 'to.

"So, let's go." sabi nya at nauna sila ni Kade na lumabas ng kwarto namin. Nakalinya kaming sumunod sa kanila. Sila ang magtra-training samin ngayon. Ngayon pa lang ay tila pagod na ako dahil si Jak at Kade ang magtra-training samin. Hindi ko close ang dalawang ito sa lahat ng captain at vice-captain.

Nakarating kami sa isang bahay. Pumasok kami sa loob at doon ko nalaman na isa pala itong pool gym. Nagtaka ako dahil ang babaw lang ng tubig sa pool. Nasa gilid ang mga seniors ng Wyvern.

"Hubarin ninyo ang sapatos ninyo at bumaba sa pool." sabi ni Jak. 

Nakakatakot na magtanong sa kanila kung ano ang gagawin namin doon kaya naman naghubad na lang kami ng sapatos at bumaba sa pool. Parang five inches lang ang taas ng tubig.

"Simple lang ang gagawin ninyo. Tumakbo lang kayo within five minutes." sabi ni Jak.

Tumingin ako sa tubig. Mapapagod kami agad dahil sa tubig na 'to. Ito ang magpapabagal samin pero wala naman sinabi na kailangan naming bilisan. Tatakbo lang within five minutes so okay lang.

"Simulan na ninyo." sabi ni Kade na may hawak na timer.

Sabay-sabay naman kami tumakbo. Katulad ng inaasahan ay medyo mahirap tumakbo sa tubig. Nababasa na din ako dahil sa mga talsik. Naiintindihan ko ang ganitong klaseng training, pabor naman ako dito kaysa doon sa mga pinagawa samin ni coach Avey sa huling training namin bago kami pumunta dito. Napaka-evil talaga ni coach Avey lalo na sakin na dinagdagan dahil hindi ko natalo si coach Ella pagkatapos ng training ko sa boys.

Pagkatapos ng five minutes ay pinagpahinga nila kami. Medyo hiningal ako don. Masaya sana yung training dahil may nadudulas samin pero sinisigawan kami ng mga seniors na tumayo agad at tumakbo. Ang brutal naman ng Wyvern.

Napansin ko na dinadagdagan nila ang tubig, mukhang pahirap ng pahirap ang gagawin namin dito sa pool.

"Blysse, anong ginagawa mo dito?!" napatingin kaming lahat sa gilid dahil narinig naming sumigaw si Kade.

Teka, sya yung babaeng naka-hoodie. Medyo nakayuko at malaki ang sakop ng hoodie sa ulunan nya kaya hindi ko makita ang mukha nya ng malinaw.

"Jak! ihahatid ko lang ito kanila Dru! Naligaw na naman ang isang 'to!" sigaw ni Kade. Malayo kasi sila sa isa't isa ni Jak. Nasa kabilang side ng pool si Jak habang nasa gilid namin sila Kade.

Walang sagot si Jak pero tumango ito. Madadaanan kami ng dalawa dahil nasa kabilang side namin ang pintuan. Nung nasa tapat na sila samin ay tumingin sa gawi ko si Blysse base sa pagkarinig ko kay Kade nung tawagin nya ito. Tumaas ang balahibo ko sa tingin na binigay nya. Mas malala sya kay Kriza. Sobrang lamig ng tingin nya at nagawa nya akong pagtaas ng balahibo. Hindi ko alam kung natakot ba ako sa kanya o ano. Hindi ko na sya sinundan pa ng tingin dahil sa tingin na binigay nya. Nung alam kong nakalabas na sila ay doon ko napansin na pinipigilan ko pala ang paghinga ko. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero siguro nung tignan nya ako.

Weird.

Wala pang tanghali pero tapos na ang training namin kanila Jak. Sinabi nila na pwede na kami magpahinga. Mukhang kahit papaano may rest time kami. Tinatakot pa kaming wala kaming pahinga dito pero yun pala meron.

Ako ang nauunang maglakad sa aming lahat, hindi na kami nakalinya pa dahil yung iba samin ay naglibot libot habang wala pang tanghalian. Konti lang kami na babalik sa bahay. Papasok pa lang ako sa pintuan nang matumba ako dahil may nabangga ako. Mabuti na lang nasalo ako ni Kriza na nasa likuran ko lang. Nilingon ko ang nakabangga ko na hindi man lang nagawang mag-sorry at dire-diretso lang. Sa hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang ako kinabahan nung makita ko ang taong naka-hoodie. Bakit para akong kinakabahan sa kanya?

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now