Chapter 73

13.6K 668 234
                                    


Kriza's POV

Inaayos ko ang pagka-tank-in ng jersey shirt ko sa loob ng short ko habang naglalakad kami papasok sa loob ng court. Si Dite at Sylvia ang hindi maglalaro sa ngayon. Ayon sa sinabi ni Dite na hindi sya maglalaro hangga't hindi maglalaro ang captain nilang si Liza kaya ito nasa bench.

Humarap ako sa makaka-jump ball kong si Gel. Nakangisi ito sakin. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at inayos ang pagkaipit ng buhok ko. Nagawi ang tingin ko sa pwesto ni Zaparta. Nakangiting kumakaway ito sakin kaya napangiti ako.

"So you know how to smile." nawala ang ngiti ko at tumingin kay Gel. "What's with the face?" nakangising tanong nya.

Hindi ko ito pinansin at umayos na dahil lumapit na samin ang referee. Naging ready kaming lahat nung iniligay ng referee ang pito sa bibig. Pumito sya at inihagis sa itaas ang bola. Ilang saglit lang ay tumalon kaming parehas ni Gel. Parehas naming nahawakan ang bola pero malakas nyang ipinasa ang bola kay Olive. Nginisian muna ako ni Gel bago sya sumunod sa mga kasamahan nya.

Sumunod na rin ako sa mga kasamahan ko. Pumwesto ako sa ilalim ng ring at ganon rin si Gel. Ginigitgit nya pa ako pero hindi ako nagpatalo sa kanya.

"Rebound!" sigaw ni Asta.

Tumingala ako at bago pa ako makapwesto ay nilikuran na ako ni Gel. Pinipilit kong puwesto pero malakas masyado si Gel. Nakuha nya ang bola at muling tumalon para i-dunk ang bola. Binelatan nya ako na may kasamang thumb down habang patalikod syang lumalayo.

"Ang panget nya." sabi ko. Tumingin ako sa gilid ko dahil napansin ko si Blizzard na nakatingin sakin. Nakataas ang isang kilay nya tapos umiling bago tumakbo.

Sumunod na rin ako sa kanya. Muli akong puwesto sa ilalim at nilikuran ko si Gel na nakikipaggitgitan sakin. Nung makitang kong papunta sa ring si Kennie kasunod ang isa sa Leon Sparks. Tumakbo ako papunta sa direction nya. Tumalon sya para mag-lay up at humarang naman si Gel pero ipinasa sakin ni Kennie ang bola at ako ang tumira ng bola para pumasok ito sa ring.

Nakipag-apir ako kay Kennie pabalik sa kabilang side. Muli na naman ako binantayan ni Gel. Nakakasura ang ngisi nya. Ang sarap burahin. Bahagya akong nagulat nung ipinasa sa kanya ang bola. Sabay kaming tumalon. Sya para ipasok ang bola at ako ay para pigilan sya pero ang laki ng katawan nya at nagawa nya akong banggain nung nag-dunk sya. Napaupo ako sa sahig habang nakatingin sa kanya ng masama. Nakalambitin sya sa ring tapos bumaba na may ngisi.

Tinulungan ako ni Eloi na tumayo. Nakatingin kaming parehas sa Leon Sparks na bumalik sa kabilang side.

"Hindi mo kailangan magmadaling patumbahin sya." sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. "Kami na muna ang bahala." sabi nya at iniwan ko.

"Hey." tumingin ako sa likuran. Nakita ko si Blizzard. Ipinasa nya sakin ang bola at sabay kami tumakbo. Ipinasa ko kay Asta ang bola at tumakbo papunta sa ilalim.

Katulad ng sinabi ni Eloi. Hindi ko minadali ang pakikipagkompetensan kay Gel. Kahit na ginigitgit nya ako at nakakasura nyang ngisi ay hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Nag-focus ako sa teammates ko para makapuntos.



Asta's POV

Kaharap ko ang point guard nilang si Jelcee. Hindi ko pa masabi kung gaano ito kagaling dahil hindi pa sila nagse-seryoso. Mukhang kumalma sila pagkatapos ng pang-aasar sa kanila ni Dite kanina.

Anyway, hindi ko hahayaan na matalo ako ng isang 'to. Ang taong ito ang bumastos kay Lulu. Hindi dapat ako rito magseseryoso dahil hindi sila worth it na seryosohin pero nilait na nila ang players ng pilipinas, binastos nya pa si Lulu. Ipapakita ko rito, sa Leon Sparks at sa buong pilipinas ang totoong galing ng isang Chavez.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now