5. Suicide Mode

4 0 0
                                    


5. Suicide mode

[MIKO SALVADOR's POINT of VIEW]

Bago tabunan ng lupa ng mga supulturero ang kabaong ko sana maglaglag ng mga puting rosas o kaya white tullips, (yung paborito kong bulaklak) yung mga makikiramay sa libing ko. Para kahit papano maramdaman ko rin na may nag-aalala sakin o may nagmamahal sakin. kahit wala na dun si Cherryl!

Hindi ko parin matanggap yung sinabi niya "S-sorry M-Miko.." I don't have any idea why she's crying kanina sa mall.

"Sorry for what?" dahil baka sa pangit ang surprise gift niya sakin? Mangingiti na sana ko kasi masyado siyang bother sa gift, kahit ano naman matatanggap ko basta galing sa mahal ko... kaso, sinundan pa ng nakapagpawindang sakin nang husto.


"Miko gusto ko muna ng space, pero wag mong isiping ikaw ang dahilan, kundi ako. ako yung may problema," alam kong pangarap niya ding maging astronaut dahil gusto niyang makarating sa outer space. Pero hindi ko matanggap na humihingi siya sakin ng space sa relasyon namin!

Ayoko! Gagawin ko lahat para makarating siya sa Outer space, mangkikidnap ako ng mga NASA personel o kokontakin ko ang mga aliens kahit di ko alam kung pano gagawin yun, pero basta! Maibigay ko lang sa kanya ang pangarap niya na makarating sa outer space. Pero ang space sa relasyon namin! Hindi! Whoaaaaa! Tsk! Di ko kaya! AYOKO!!!!!!

Space? E, madalas kapag bumibisita ako sa kanila wala siya, kapag nagyaya ako na mag-bonding kami -busy siya o may importanteng lakad! Shet na space yan! Shet Space Tab! Shet Spaceshi(t)p! Space her face shet!!

"Huwag kang humingi ng sorry sakin, Di pa naman ako pumapayag na mag break tayo e, At hindi ako papayag," sa sinabi ko, alam kong wala na kong magagawa, patayo na siya nun at iiwan na ko.

Alam kong pinagpalit niya na ko sa iba, doon sa mas may kaya! Dun sa mas may pera na di gaya kong hamak na guro!! Kainis din! Kung makikita ako ng mga estudyante ko ngayon nakakahiya ako. Tsk!! Pasensya na tao din ang mga guro, may puso din sila! Pwede rin silang mag-drama! Parang kanina, feeling ko rin ang drama ko... alam mo yun, lumuhod ako sa isang babae. Begging for love. Kahit na alam kong wala na, na wala na kong magagawa!

...Pero sinubukan ko na mabago ang isip niya, pero di niya ko pinakinggan! Tsk! Alam mo bang birthday ko bukas! Happy Birthday SAWI! Happy birthday Miko -ito gift ko sayo isang box na may lamang duguang puso na kailanman hindi na titibok! Ang sweet ng Hon ko! Ampotek! Ayoko ng Ampalaya juice, pero parang tumungga ako nito ng pitong bote!

Siguro, may mahal na nga siyang iba o nanlamig na siya sakin o... o kaya... o bakit kasi hindi niya pinaliwanag kung bakit siya nakipag-break!

"wag mong isiping ikaw ang dahilan, kundi ako. ako yung may problema," Ayoko na! Ayoko na! Ansarap ituloy ng iniisip ko! Ang magbigti o tumalon sa building!

...Pero kung makikita ko si Cherryl sa libing ko, at kasama pa ang kung sinong butiki na pinagpalit niya sakin, babangon talaga ko sa kabaong ko at mumultuhin sila! tapos sila ilalaglag ko sa hukay! Huhuhuhuh! Ampotek talaga! Masyado na kong bitter! kulang na lang itlog para pwede nang prinitong apdo!!  Special Scrambled bitterness, ready to serve!

The Hitler Girl I Know (Completed)Where stories live. Discover now