25. Dance with the rhythm my Valentine

0 0 0
                                    


25. Dance with the rhythm my valentine

[Mikko Salvadors point of view]


2 days na hindi pumasok si Cassandra, ayus! Anong meron? Hindi ako makapag concentrate sa lecture ko, nakikita ko ang bakanteng upuan, tatawagin ko ang pangalan ni Cassandra, "Sir, absent nga po," at oo nga -absent yung makulit na yun.


"buti naman, absent yun," hirit ko sa klase para di mapahiya.


"ui, Sir nahahalata kayo, namimiss niyo po si Cassandra no?" loko itong mga estudyante ko ah.


"Likewise, namiss ko kasi ang katahimikan sa klase natin, diba? kaya sulitin natin ang pagkakataong wala siya -magiging maayus ang talakayan natin," at nagtawanan ang klase sa palusot ko, buti na lang nakalusot.

Natapos ang mga klase ko. 2 meetings na absent si Cassandra e anong meron? Ayun, speaking of, naglalakad ako ng corridor at papunta na ng faculty room na siya namang paglabas nina Cassandra at ang kanyang ate si kristina.


"Sir, miko Sir," kunyari hindi ko sila nakita at lumingon-lingon ako, kunwaring hinahanap ko kung sino ang tumatawag sakin. Lumapit sila.

"ah, sir.. Pasensya na po at di ako nakapasok po, kinausap po kasi namin si sir. Dan sa P.E subject po, sinamahan ako ni ate," paliwanag ni Cassandra.


"hello sir," sumagot ako ng ngiti kay Kristina,


"kala ko kung sinong artista e, hehe anyway regarding to what??" tanong ko.

"ahhmn, about my health condition sir, bawal kasi akong mapagod e,"


"Health condition?" palusot pa, baka nahihiya lang ito sa new look niya. At grabeng dahilan ah, bawal na sa mga tamad ang P.E? Nakakapagod yun?

"sir, kagagaling ko lang po sa sakit e,"


"wow ha! Tinatamaan ka pala ng sakit Case, magandang balita tao ka rin pala," biro ko,


"seer naman eh!!"


Tumawa lang si Kristina, "biro lang,” bawi ko, “so paano pauwi na ba kayo niyan?"


"hindi pa po sir, punta pa po kaming Sm fairview e, o kaya Rustan's e bibili kaming damit para bukas e," hala, hindi ko alam na may event pala bukas, nakalimutan ko na sa dami ng aking iniisip e,


"Sir, di ba po, college valentines night? E naka-gown po kasi dapat e,"

The Hitler Girl I Know (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon