17. Dull feelings

2 0 0
                                    


17. Dull feelings

[Cherryl point of view]

"miss nurse, kapag namatay ako, pwede bang i-donate ko 'tong puso ko sa ibang taong nangangailangan.."

Tinignan lang ako ng nurse, naaawa na siguro sa kalagayan ko. Andrama ko naman kasi e, bakit ba ko ganito. Bakit kasi ganito ang story ng buhay ko, pang maalaala mo kaya o pang magpakailanman.

Parang nasa shooting na nga ako e, nasa loob ako ng kwartong ito ng hospital. Kausap ang nurse na nag-aasikaso sakin, si nurse jes.

"hindi ka pa mamamatay ano ka ba, bakit pa kami nandito? Bakit pa may gamot tsaka doktor?" gusto ko na namang maiyak. Kanina pa ko drama aktres dito.

"Miss Cherryl, kasi di kami nawawalan ng pag-asa na gagaling ang mga pasyente namin, gaya mo, " Hay! Pati tuloy si Nurse Jessica napapadrama na rin.

"hindi sa nawawalan po ako ng pag-asa, salamat po sa inyo.. Pero, kung di po ako makaligtas ang operasyon, kayo na pong magsabi ha,"Anu ba yan! Lahat na lang ata ng tao napapaiyak dahil sakin.

"mam, nurse wag po kayong umiyak," nagpahid ng luha ang Nurse ko, at hinawakan ang kamay ko,

"maraming nakakaligtas sa ganyang sakit," sana isa ako din, kaya lang...

"Mama ko po namatay din sa Brain cancer e, kaya tanggap ko na po naman e. Tsaka nagpaalam na po ako sa mga mahal ko, salamat po sa pagpapalakas ng loob ko," Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Nurse Jes,

"pero, seryoso po iyon, ido-donate ko po ang puso ko," umiiyak na naman ako, ano ba yan! Pagod na kong umiyak e.

"utak ko lang naman po ang di na mapapakinabangan di ba?," dahil may sakit ako ng pagkatanga. At walang gamot sa sakit na 'yon.

"kaya lang, second hand na po itong puso ko, tsaka may laman po 'to," at hindi na mawawala si Miko dito sa puso ko kasi alam ko,

"..ayaw niyang maalis e, ewan. Naka-stock na po siya dito e, sa puso ko, si Miko ko, hindi na yata aalis dito, kahit kailan, kahit pa na ma-donate ko ito sa ibang tao, tiyak ko pong titibok lang 'to para sa kanya,"

"may boyfriend ka?" di ko alam isasagot kay nurse Jes, nakipag-break na ko sa kanya, at ang tanga.. Ang tanga-tanga ko para gawin yun. Mahina kasi utak ko e, damn mind.

"Che, siya ang gawin mong inspirasyon para mabuhay... para magkaroon ng mas malaking pag-asa, mabuhay ka para sa boyfriend mo,"Nurse jes, Huli na! Pero kung pwede kong hilingin yun bakit hindi, kaya lang...

"nasaktan ko siya, iniwan ko po siya para di na siya masaktan, pero ang bobo ko po talaga, mas nasaktan ko po ata siya," anu ba 'to. Hindi ko na maintindihan mga sinasabi ko. Miko...

"nakipagbreak ka na sa kanya?" break??

"hindi lang po ata basta break yung ginawa ko, hindi ko alam kung tama po yung ginawa ko, pero kasi, kasi po, ayaw kong mas masaktan siya kapag nawala na ko,"

The Hitler Girl I Know (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon